Denise's Point of view
"Manami, a-aray masakit!"
"Wag ka kasing malikot" -manami
"Aaaaahh! dahan dahan... masakit talaga eh T_T"
"Sabi ko naman sayo eh, di mo na dapat hinabol yung magnanakaw, nasugatan ka pa tuloy." Sabi ni Manami
"Eh kasi, kasi naman eh, kinuha nya tong bag ko, nasa loob yung pagkain ko eh!!! Ang sarap sarap ng kain ko eh huhuhu" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Pwede naman tayong bumili ulit dahilㅡ"-Manami
"Sayang kasi pera" :3 -Denise
hindi naman sa kuripot ako or what. Matipid lang talaga ako. Ayoko ng may nasasayang at ayoko yung nagaaksaya. Kahit na mayaman ako o ang pamilya ko.
Umirap si Nami
"Beb naman, wag ka namang nagiisip ng ganyan. Oo mataba ako pero di naman ako patay-gutom."
"Yan ka na naman, nabasa mo na naman ako. Ba't di ka magdiet no?" Sabi nya at bumuntong hininga.
Hindi naman sa mangkukulam ako, madali lang kasing basahin si Manami.
Teka..
Diet?
Ano yun?
Nakakain ba yun?
XD
"Beb naman, kasalanan ko ba kung ganyan ka kaobvious magemote?" Sabi ko, akmang tatayo na sya.
"Oh beb saan ka pupunta? Ang bilis mo naman magtampo sorry na." Pagpipigil ko sa kanya. Agad naman syang humarap.
"Easy lang beb, huhugasan ko lang tong panyo, puro dugo oh." Ipinakita nya sakin ang panyo na ipinunas nya sa tuhod ko, binitawan ko na yung damit nya at pumunta na sa kung saan.
Astig! May CR kaya tong bus? Saan kaya sya nagpunta?
Sumilip ako sa mga gilid-gilid ng upuan at tumayo. Hindi naman gaano kabilis ang bus kaya maaari kang makatayo.
Wow naman! Ngayon ko lang napansin na ang laki-laki ng bus. Magkano kaya ang ibinayad ni beb dito, ay baka mahal! Edi kung mahal nga nakisakay nalang sana kami sa kuliglig. Sayang talaga yung pera eh.
Napahinto ako sa bandang harapan ng mga upuan dahil may tumatawag.
Si beb
Sinagot ko yung phone.
"Oh beb?"
"Beb sorry ah, lumabas na ako ng bus. Ayoko na kasing madamay, ay este, may emergency." -manami
"Ha? Beb iiwan mo ako? Bakeeeet?"
"Sige beb love you. Muah!"
"Hello? Hello? Beb? Pinatayan na pala ako ng phone." Napabuntong hininga ako. At akmang lalakad na sana pabalik ng upuan ko nang biglang...
*SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEESSSH*
Nakikita kong pilit na inaapakan ng driver yung preno pero ayaw huminto. Nagsigawan ang mga nakasakay sa loob ng bus maliban na lang sakin. Dahil inaabsorb ko pa ang mga nangyayari.
Pinikit ko ang aking mga mata dahil papatumba na ako. Hindi ko mapigilan ang katawan ko. May naramdaman akong mainit sa aking kamay at hinila ako ng mainit na yon hanggang sa ramdam ko na yung init sa leeg ko. Dumilat ako nang makita kong sakin nakatutok yung baril.
Nang mga oras na iyon natigilan ako sa paghinga. Nanginginig ang buong katawan ko. Natatakot ako. Wala akong magawa.
"Walang kikilos. Kungdi sabog tong ulo ng babaeng ito." Sabi nalang ng nakatakip na mukha na lalaki.
Mga hijackers
Napatingin ako sa baba dahil ayokong may makakita ng mukha ko. Siguradong raranzoman nila ng malaki ang mga magulang ko kapag may nakakilala sakin.
Ano nang gagawin ko?
Katapusan ko na ba?
Mamamatay ako nang di pa naeexplore and mundo ng pagkain?
Hindi ako papayag! Mas mabuti nang mamatay ako kaysa hindi man lang nalalasahan ang mga pagkain na di ko pa natitikman!!!
Nagsimula nang magdilim ang paningin ko.
"Hyaaaah!!! Washaaaa!! Liú xià wǒmen yīgè rén!!! (Leave us all alone!!!)"
Gabriel's Point of view
Walang magagawa ang beauty ko sa mga hijackers kaya dito na lang muna ako sa gilid hangga't wala pa akong magagawa para sa kaligtasan ko. Ayun! Buti nalang bukas ang pinto ng bus. >:)
Unti unti akong gumapang patungong heaven, este pintuan ng bus. Nakahinto ang bus dahil sumabog ang gulong. May hostage yung mga hijackers na BB, ayos, pagkakataon ko na.
Mebutsi pa umeles ne ko dito, behele ne si betmen dyen hahahaha.
"Nǐ rènwéi nǐ yào qù nǎlǐ?!!(and where do think you're going?!!)"
Hano daw?
"Ay fuukinangina!" Najungshook si watashi sa naghanashimasu.
Pagkatapos non unti unti nang dumilim ang paligid ko.
______________________________________
*-*
xTNTx
BINABASA MO ANG
My Twisted Fate
Teen FictionSiya si Gabriel Salvatore, kamuntik muntikan na sana maging prinsipe, kaso aksidente yata syang nabagok ng doktor nang ipinanganak sya at pagkasilang na pagkasilang nya palang ay alam nya na sa sarili nya na binabae talaga sya. Si Jousha Bautista an...