Chapter 3 na po! Enjoy reading!"If our love is tragedy why are you may remedy. If our love's insanity why are you my clarity."
ICE'S POV
Its been two weeks since nung bwisit na "accidental" kiss na yon. Eh paano ba naman kasi! Sya ang magpapatid patid tapos sya ang manghahalik!? Aba ayos sya ah! First kiss ko yun alam nyo yun!
Tapos heto sya ngayon nagngungulit na maging kaibigan ko daw. Ano yun? Nahalikan lang, na floor mop lahat ng kayabangan nya sa katawan? Pwes, hahalikan ko na lang sya araw araw para matanggal yang kayabangan nya. Hahaha syempre joke lang yun!
Since last week eh lumalapit na sya sa akin. Sabi nya kung pwede daw ba kaming magkaibigan. Sabi ko okay lang naman basta hindi na sya magyayabang ng kung anu ano dyan.
Kaya eto kami ngayon. Magkaibigan na hindi nagpapansinan. Oh diba!? Ang galing! Haha.
Andito kami ngayon sa school grounds at naglulunch.
Awkward...
"Uhm...nagawa mo na ba yung pinapagawa sa atin ni Sir Pineda?" Pagbasag nya sa katahimikang bumabalit sa aming dalawa.
"Hindi pa eh. Kailan mo ba balak gumawa?" Sabi ko naman habang kumakain.
"Sa sabado na lang. Pero gusto mo bang sabay na lang tayo para mas matulungan natin ang isa't-isa?" Sabi naman nito.
"Okay lang pero saang place?" Tanong ko dito habang nagaayos na nang gamit para makaalis na kami rito.
"Hindi kasi pwede sa bahay namin eh. Sinasara kasi yon pag walang tao. So pwede bang sa bahay nyo na lang bro?" Tanong naman neto. Hmmm...palusot lang ata to eh.
"Hmmm..." Sabi ko na para bang nag-iisip.
"Please!" Sabi nito at nag paawa effect pa. Kala mo cute ka dyan? Hindi no!
Although cute nga sya dyan haha!
"Sige na sige na! Wag ka lang mag puppy eyes ulet! Ang sakit sa mata eh!" Sabi ko. Para namang nagliwanag ang mukha nya at parang gusto nang magtatatalon sa tuwa. Retarded ata to eh!
"Tsaka teka nga bakit gustong gusto mong pumunta sa bahay?" Tanong ko dito na ngayo'y naglalakad na kasabay ko.
Ang kanyang masayang aura kanina ay parang nawala at napalitan ng pagkadismaya.
"Ahh ehh-- b-bakit? Ma-masama bang makita ang bahay ng usang ka-kaibigan?" Hmmm.......
Tiningnan ko ito mabuti pero nag-iwas lang ito ng tingin.
"Okay. Sinabi mo eh!" Sabi ko sa kanya at tinakbuhan ko na sya. Eh sa malalate na kami eh!
"Hoy! Sandali lang! Hoy! Langya ka, bakit mo ko tinatakbuhan?" Tanong nito habang tumatakbo kasunod ko.
"Eh tanga! Late na tayo!" Sabi ko at binilisan na rin ang pagtakbo.
"Ah okay!" Yan lang nasabi nya.
****
5:30 na at tapos na ang lahat ng klase namin maghapon. Nandito pa rin ako sa room at nag aayos ng gamit.
Si Blaze naman ay nasa labas na at ewan ko dun kung bakit hindi pa umuuwi. Baka naman may hinihintay.
Hindi ko na ito pinansin. Natapos na rin ang aking pagaayos at nagpaalam na rin ako sa mga kaklase ko. Close ko na rin naman yung iba eh pero syempre hindi rin ganun ka approachable yung iba kaya mahirap makaclose yung mga yun.
Lumabas na ako at linagpasan lang sya. Hindi ko naaman alam ginagawa nya eh.
"Huy sandali lang! Maghintay ka naman! Ikaw na nga lang hinintay tapos ikaw pa ang mangiiwan!" Sabi nito na hinablot pa an kamay ko.
"Ano ba? Eh sino ba namang shungang maghihintay sa akin? Ha? Tsaka bakit ba?" Pagalit kong tanong sa kanya.
Nakakainis kasi eh. Hintay hintayin ako tapos sya pa ang magagalit? Aba matinde!
"Ah kasi ano eh...uhm ano kasi..." Sabi nya pero hindi nya naman matuloy tuloy! Ano bang meron sa lalaking to ngayon? Ang weird eh. Parang nakasinghot ng katol o di kaya kili-kili ni mahal eh. Haha biro lang.
"Ano?" Tanong ko ulet sa kanya.
"Ano kasi...ihahatid sana kita sa inyo para naman malaman ko rin kung saan yung bahay nyo." Sabi nya.
"Ah okay. Pwede naman. Pero teka nga, bakit ang weird mo ngayon?" Tanong ko dito. Kanina pa kasi to eh.
"W-wala lang! Bakit ba!" Pagdedepensa nya sa akin. Tapos nag iba sya ng tingin.
"Bahala ka. Tara na nga! Gabi na rin oh!" At nagsimula na akong magalakad palabas ng gate.
Sumunod naman ito sa akin.
*****
Habang nasa daan pauwi ay naisipan naming magkwentuhan. Naglakad na lang kami para naman makapag-exercise naman kahit konti.
Awkward.
Well, ang tahimik namin ngayon. Wala ni isang magbukas ng bibig.
"Uhmm...nagkagirlfriend ka na ba!?" Tanong ko sa kanya. Wala lang pambasag lang ng katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Bakit mo naman natanong?" Sabi nya naman.
"Wala lang. Masama?" Ako.
"Oo, nagkaroon na. Siguro mahigit 5 na ata? Yung ano lang yun mga sineryoso ko. Tapos marami naman akong fling lang tapos yung iba gusto lang ng one-night stand kaya ayun pinagbibigyan ko naman. Sayang ang sarap hahahaha! Pero as for now, single na single ako. Isang taon na akong walang girlfriend." Sagot naman nito.
"Kadiri ka!" Sabi ko.
"Ikaw, nagkaroon ka na ba?" Tanong naman nya pabalik.
"Ah ako? Wala pa. Wala ni isa. Kumabaga NGSB ako. Ewan ko ba! May natitipuhan ako pero hindi naman ako sinasagot. Siguro dahil sa pagkacold ko. Ang gusto ko lang naman sa babae eh yung matatanggap itong ugali ko. Yung hindi sila magdadoubt sa akin. Yung mga ganun!" Sabi ko.
"Ako kaya naman kitang tanggapin." Sabi naman ni Blaze na sa sobrang hina ay hindi ko na kayang marinig kaya pinaulit ko ito.
"Ano yun? Ano yung sinabi mo?" Paulit ko sa kanya.
"W-wala! Wag mo nalang isipin yun! Hehe!" Sabi naman nya at nagkamot ng batok na parang bata which I find cute.
"Ngayon may natitipuhan ka na ba?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ako? Meron. Kasi ganito yun. Simula ng pagkikita namin, marami na akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Nung simula, pinipilit kong itaboy yung nararamdaman ko sa kanya but everytime na ginagawa ko yun eh mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Para bang kumunoy na pag pinipilit mong umalis eh mas lalo ka lang hinihigop. Parang ganun." Sabi nya habang nakatingin sa akin.
May nakikita ako sa mga mata nya na hindi ko kayang maintindihan. Para bang sinasabi niyang ako yung tinutukoy which is very impossible dahil parehas kaming straight.
Hindi ako nag-aassume ha! Ganun lang nakikita ko.
Hindi nya pa rin tinatanggal yung tingin nya sa akin. At ako rin naman.
Para bang ayaw kong tanggalin yung tingin nya sa akin. Tapos oara bang slow mo ang paligid. Ano ba to? Hay, kailangan ko nang magpadoktor ulit. Iba na nararamdaman ko eh.
Tinanggal ko ang pagkakatingin ko sa kanya at hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng apartment na nirentahan ko.
"Dito na ako. Salamat sa paghatid!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sige. Basta ang tatandaan mo, andito lang ako palagi sa yo ha! Sige na bye!" At nagpaalam na nga ito.
Heto nanaman. Para nanaman akong nasusuka at natataeng ewan.
Naalala kong may sinabi si kuya sa akin dati na kapag inlababo ka daw eh parang hindi mo daw maintindihan kung anong nararamdaman ng tyan mo, tapos slow mo daw ang paligid pag nakikita mo daw sya. And lastly, nay sparks daw or may kuryente daw kapag naglalapit kayo.
So ibig sabihin.......
Waaahhhh hindeeee!!!
Kay Blaze? May pagtingin na ako kay Blaze? Nooooo!!!!
BINABASA MO ANG
When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. I
Novela Juvenil1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. Kasing Hot ng pangalan nya. Isang gwapo at Hot na Hot na estudyante ng isang sikat na university sa M...