Yep yep yep!!!! Malapit nang matapos! Yehey!!!!!
@jayceeLmejica Thanks dahil sa mga story mo, ginaganahan akong magUD! Salamat!
=========
"You gave me all your love and all I gave you was goodbye "
ICE'S POV:
August 23, isa sa mga hindi ko makakalimutang araw sa buhay ko. Isa sa mga araw na hinding hindi ko na kayang pigilan pang dumating.
Ang araw ng pagiisang dibdib ng taong mahal ko. Ang araw kung saan magsusumpaan sila sa harap ng altar. Ang araw kung saan magsasabihan ng kani-kanilang wedding vows. Ang araw kung saan ikakasal si Blaze.
Hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako. Sa ikli ng panahon ng relasyon namin, masasabi kong nasayang lang ito nang dahil lang sa isang pagkakamali.
Sa mga nagdaang araw, hinintay ko si Blaze na dumating. Hinintay ko na kumatok sya sa pinto nang kwarto ko at ipapaliwanag ang nangyari. Hinintay ko na magsorry sya about sa ginawa nya.
Pero wala eh.
Masakit pala talagang umasa. Masakit palang umasa na darating ang mahal mo at magkakaroon kayo ng happy ending.
Well I guess totoo ngang sa fairytales lang nagkakaroon ng happy ending ang dalawang nagmamahalan. Sadly, this is a world where fairytales never existed. This is REALITY!
Sa mga panahong nagdaan, wala kaming balita sa isat isa. Hindi nya ako minimessage sa facebook or kahit text man lang. Useless rin namang burahin ang number nya eh kung saulo ko naman diba?
Hindi na rin ako nakakakain ng maayos na kahit pag-aaral ko eh hindi ko na rin napagtutuunan ng pansin.
Hindi na rin pumapasok si Blaze sa school. Base sa mga naririnig ko eh pagkatapos daw nilang ikasal, magtratrabaho na rin daw ito sa kumpanya ng family nya.
I guess it cant be helped.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Nagmumukmok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala naman akong pasok ngayon so hindi rin ako makakapuntang school.
Hindi ko rin magawang makapagsaya. Syempre kung ikaw kaya ikasal ang minamahal mo, magawa mo pang magpakasaya?
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin sya. Kung ano na bang ginagawa nya. Or kumakain ba sya nang maayos? Gusto ko sanang papuntahin dito si Konan kaso may gagawin pa rin daw sya so hinayaan ko na lang.
Si Konan yung baklang kasama ko palagi. Naging kaibigan ko sya nung nagbreak kami ni Blaze. Sya kasi ang unang nakapuna na may dinaramdam ako. Mabait na tao si Konan. Masaya sya kasama at palangiti. Kaso nga lang hindi sya yung tipo ng bakla na mahilig sa lalaki. Kahit nga may makitang gwapo yun eh di nya pinapansin except ako syempre. Bakla sya. Pero rinerespeto ko sya kasi tao pa rin naman sya. Ang sabi nya lang, "Hindi na nga ako rinerespeto ng ibang tao, gagawa pa ako ng hindi karesperespeto diba?" Oh diba?
At ito pa, cute sya. Para syang bata as in.
Anyways, andito pa rin ako sa kama. Nakahiga. Iniisip kung anong magandang gawin para man lang makalimot. Makalimutan man lang sandali si Blaze.
Nasa ganun akong pagiisip nang may kumatok sa pinto. Pinto ng bahay hindi pinto ng kwarto ko.
Wala akong ganang tumayo kaya naman hindi ko ito pinagbuksan.
Kumatok ulit ito. This time yung para bang halos masira na yung pinto kakakatok nya.
Sino ba kasi to? Kita nang nageemote eh!
Hindi ka nya nakikita! Wag kang bobo!
Sigaw ng isa kong pagiisip. Oo na oo na!
Agad akong bumaba para puntahan ito. Inayos ko muna ang sarili para naman hindi nakakahiya kung sino ba yang bisita ko diba?
Binuksan ko na ang pinto at hindi ko inaasahang makita ang taong nasa harap ko ngayon.
"Ro-ronnie? Tama ba?" Tanong ko kaagad dito. Sa pagkakatanda ko eh isa sya sa mga kaibigan ni Blaze. Pero anong ginagawa nya dito? Diba dapat andun sya sa kasal ng kaibigan nya?
"Oo ako nga. Ice, pwede ba kitang makausap?"
"Sure. Pasok ka!" Aya ko dito.
Umupo naman ito sa sofa kaya naman umupo na rin ako at tinanong kung ano nga bang pakay nya sa akin.
"Ano bang gusto mong pagusapan? Tsaka diba dapat nasa kasal ka ni Blaze?" Panimula ko.
"Okay. May gusto lang akong linawin sa yo. Pinadala ako dito na Blaze para malinis ang pangalan nya sayo." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Lahat ito planado, okay? Na walang kinalaman si Blaze. Yung pangyayari between Angel and Blaze kung saan mo nakita silang may ginagawa. Yung hindi sayo pagcontact ni Blaze, and lastly, itong kasal na to. Planado ito ng magulang ni Blaze." Ano? Ano daw? Anong planado? Kung planado nga ito, bakit hindi sya mismo ang nagsabi at pinasabi nya pa talaga kay Ronnie. At kung planado rin yung s*x nila, eh ano yung nakita ko? Lahat nang yan eh umiikot sa isip ko ngayon.
"Look, let me explain everything. Ganito kasi yun. Ang magulang ni Blaze ay may malaking utang sa Kumpanya de Alvarez which is company ng mga magulang ni Angel. Then ang company nila Blaze, which is Gonzales' Merchandising, ay may malaking utang sa kumpanya ng mga Alvarez. 100 million to be exact. At ang napagkasunduan na lang nilang bayaran eh ang fixed marriage between the daughter of the Alvarez's which is Angel and to the youngest son of the Gonzales' which is Blaze." What? So ganun pala ang nangyari. Nagsisimula nang maipon ang pagsisisi sa aking katawan.
"Nung nakita mong sarap na sarap si Blaze nung may nangyari sa kanila ni Angel ay dahil pinainom sya nung babaeng yun ng Aphrodisiac, isang gamot na nakakapagpahypersexual sa isang tao kapag nainom ito. Hindi napigilan yun ni Blaze kaya nainom nya yun. And kaya ka pinatawag na pumunta ka sa bahay nila Blaze noong gabing iyun kasi may balak sanang dinner date noon si Blaze sayo kaya may mga decorations yung kwarto nya nang dumating nga si Angel tapos yun na ang nangyari." Sabi nya.
The parang ulan nang nagsimulang bumuhos ang aking mga luha. Sh*t! All along mali ang aking iniisip! Na nakipagbreak ako sa kanya nang dahil lang sa isang misunderstanding. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Ni hindi ko man lang sya pinagexplain! Arghhh!! Naiinis na ako sa sarili ko.
"All along mali ang iniisip mo, Ice. Alam mo namang hindi kayang gawin yun ni Blaze sayo. We know Blaze, at kapag nagmahal to, super serious. Kaya nyang ibigay ang lahat para lang sa mahal nya. Ang kasal nila ngayon? Hindi nya rin yun gusto. Naipit lang sya sa desisyon ng mga magulang nya. Kaya kung ako sayo eh puntaha mo na agad siya sa simabahan before its too late." Pagtatapos nya.
Tama si Ronnie. Kailangan ko talaga syang puntahan. For what reason? I don't know. Basta ang alam ko lang kailangan ko sya puntahan.
Ayon dun sa invitation eh 3:00 daw ng hapon ang kasal nila. Tiningnan ko ang oras sa relo ko.
Shit! Malapit nang mag 3:30. Kailangan ko nang bilisan.
Nagpasalamat na ako kay Ronnie. Dahil sa kanya eh hindi ako malilinawan hanggang ngayon.
Sumakay agad ako nang taxi at sinabi ang address ng simbahan na pinagdausan ng kasal.
Shit! Sana hindi pa ako huli! Sana makaabot pa ako.
At kung sa minamalas malas ka nga naman, traffic pa! Kaya naman natagalan ang byahe namin.
Pagdating sa simbahan eh binayaran ko na agad si manong driver at tumakbo sa simbahan. Maraming kotse rin ang nakaparada.
Sana hindi pa ako huli.
.
.
.
.
.
Pero nagkamali ako. Lahat ng pag-asa ko nawala nang narinig ko ang mga katagang binitawan ng pari.
"Blaze Gonzales, you may now kiss the bride."
At parang bombang sumabog sa harapan ko nang halikan na ni Blaze sa labi ang kapareha nya.
Wala na. Nahuli ako eh.....
BINABASA MO ANG
When Mr. Hot Meets Mr. Cold [BoyXBoy] #COMPLETED BK. I
Teen Fiction1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. Kasing Hot ng pangalan nya. Isang gwapo at Hot na Hot na estudyante ng isang sikat na university sa M...