♠︎ Mark

264 10 4
                                    

Mark Imagine for: iamachubbygirl

(IMAGINE MARK AS YOUR POSSESSIVE BOYFRIEND.)

。・゜・(ノД')・゜・。

Kasalukuyan kayong nakapila ngayon sa starbucks dahil may free frappe lahat ng bumoto. Mahaba-haba ang pila kaya inaaliw mo muna ang sarili mo sa pagkakalikot ng iyong cellphone.

Mukha namang badtrip ang pogi mong boyfriend. Oo. Badtrip takaga dahil lukut na lukot ang noo nito at kung nakakamatay ngang talaga ang tingin, siguro kanina pa isang malamig na bangkay ang tinititigan nya.

"Pam. Pam!" pagtawag nya sayo with matching kalbit pa dahil talagang hindi nya na matagalan pa ang taong kanina nya pa kinaiinisan.

"Oh? Bakit ba?" sabi mo na may halong pagkairita dahil naiistorbo ka sa paglalaro. Hindi mo man lang nga tinapunan ng tingin ang boyfriend mo na nabubwisit na talaga.

"Wag na kaya tayo dito bumili. May iba pa naman pwedeng bilhan eh! May Farron pa.. etc. etc. Wag lang dito. Tch." at dahil nga wala kang oras makipagtalo dahil sa pinagkakaabalahan mo hindi mo na lang sya pinansin.

"Bakit ba Mark? Sayang naman yung libreng frappe oh. Kaya wag ka ngang maarte, okay?" ngumiti ka pa dahil wala kang kaalam-alam na mainit na ang ulo ng iyong kasintahan.

"Tsk. Wag ka na ngang makulit Pam! Hoy Youngjae, ikaw na lang bumili ng frappe nitong babaeng ito."

Hinila nya nga ang braso mo kaya dun ka na tumingala. "Ano ba Mark?! Ayoko! Duh! Kailangang makita nila mismo yung taong bumoto para bigyan ng libreng frappe! Ano ka ba!"

Gustong gusto mo na talagang makuha ang pinakamamahal mong frappe dahil napakainit sa labas. Para naman maibsan ang uhaw mo diba? Kaso ayaw pang makisama ni Mark.

"Hyung oo nga naman. Ano bang problema? Bakit ayaw mo dito?" -BamBam.

"Mark! Man! Whatever your problem is, I'm always here for you bruh." parang abnormal na pagdadrama ni.... Sino pa ba?

Syempre si Jackson yan. Ang mood maker sa mga katropa ni Mark. Kaso nga lang mukhang walang epekto ngayon ito kay Markeu Tuan.

Napalingon ka naman ng may kumalbit sayong lalaking nakangiti. Lalong sumama ang timpla ni Mark dahil ito pala ang dahilan ng init ng ulo nya kanina pa. Kanina ka pa kasi tinitingnan nung lalaki. Halatang may gusto sayo at ikaw naman hindi mo yun napapansin.

Magsasalita na sana yung lalaki ng maramdaman mo ang braso ni Mark na kumapit sa bewang mo at hinila ka palapit sa kanya.

"Ang kapal naman ng apog mo tol! Kala mo ba hindi ko napapansin ang pagtingin tingin mo sa gf ko?" hindi naman kalakasan ang pagkakasabi ni Mark pero may ilan ang napalingon sa inyo.

Ikaw naman, hindi mo ininda ang atensyon ng ibang tao dahil ang atensyon mo ay na kay Mark.

Nyetaness. Hindi mo lang maamin pero omg talaga to the highest level, kinikilig ka! Ang lapit nyo kasi sa isa't isa at ramdam na ramdam mo ang higpit ng pagkakayakap sayo ni Mark. Kahit na galit ito ngayon at nakikipagbangayan, wala kang paki, basta ang alam mo kinikilig ka at gusto mong forever na kayong ganun ang pwesto.

Hala sya oh. Feeling naman ay first time syang niyakap ng boyfie nya.

Dahan dahan ka ng napapangiti habang nakatingala sa mukha nya ng biglang maputol ang romantic moment mo dahil sa pagkagulat.

Paano ka namang hindi magugulat noh! Bigla ka lang naman binuhat ni Mark na parang sako!

Tapos binuhat ka nya palabas ng starbucks.

Omona GOT7 Imagines!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon