"Ate sigurado ka bang makakahanap ka ng trabaho sa Manila?" Tanong ni Zeke ang nakababata kong kapatid
"Ano ka ba wala ka bang bilib sa sakin?" Tanong ko
"Halata ba? Ah eh Ang ibig kong sabihin Hindi ka naman ate nakapag tapos ng pag aaral tapos sa Manila ka pa mag ta trabaho baka mamaya niyan kung ano anong trabaho ang ipapasok sayo"
"Nako Ikaw ha? Halata ko na sa kunot ng kilay mo yang iniisip mo. Ano ka ba matinong trabaho ang kukunin ko saka isa pa gusto mo matuloy ang pag aaral mo diba? Kaya nga ako gumagawa ng paraan makapag aral ka lang" Umirap lang ito at tinulungan akong mag ayos ng damit ko.
"Ayaw ko maiwan kila Tiya Betty Ate please isama mo na ako oh?" Pakiusap nito
"Ikaw Zeke ha masyado kang maarte sila na nga nag prisenta na kupkupin ka pansamantala tatanggi ka pa"
"Sus gagawin lang ako nung katulong sa bahay nila"
"Abat! Dapat ka lang talaga tumulong nakikitira ka lang"
"Pwede naman akong maiwan mag isa sa bahay ah, ako lang din naman naiiwan dito kapag nasa palengke ka o trabaho" katwiran nito
"Zeke iba ito matagal akong mawawala saka isa pa sinong mag papakain sayo sinong mag aalaga sayo kung may sakit ka? Paano kung mag isa ka lang dito tapos may masasamang Tao na pumasok? Sige nga?" Bumuntong hininga lang ito at yumuko
"Pangako kapag may sapat na akong pera isasama kita"
Read!!!!
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY ? !
Teen FictionAnong kaya mong gawin para sa pamilya mo? Handa ka bang mag sacrifice para sa kapakanan nila? Isusugal mo ang kinabukasan mo para lang sa kanila? Eh paano kung ang trabaho mo ang sagot sa problema ng pamilya mo? Handa ka bang tanggapin ito? Eh kung...