Chapter 2

4.2K 172 18
                                    


Zoe

"Manang sigurado po ba kayong ito yung bahay?" Pang apat ko ng tanong sa mayodorma ng bahay na pag aaplyan ko sana.

"Oo nga ineng ito yun, kaso wala si Sir nasa trabaho yung dalawang anak niya lang ang nasa bahay " sabi nito,nilibot ko ulit ng tingin ang bahay sobrang laki nito

" Ah may pamilya na pala si Sir" tatango tango kong sabi

"Nako ineng may anak walang asawa" naiiling na sabi ni Manang "Ewan ko ba sa batang iyon halos ako na nga nag palaki diyan mauuwi lang ang buhay sa trabaho nakalimutang may anak pa yata malayong malayo sa pagpapalaki ko at ng magulang" kwento nito

"Kayo po ang nag palaki kay Sir?"

"Oo noh, Teka nga lang ineng ano bang pangalan mo?" Tanong nito sakin

"Zanya Chloe Sanchez po, Zoe for short" pag papakilala ko

"Zoe sigurado ka bang mamamasukan kang katulong dito?" Tanong nito " maganda ka at bata pa bakit hindi ka mag modelo ?"

"Sus wala po akong hilig diyan, hindi naman po kasi ako naka graduate ng college, hanggang 2nd year college lang po Natapos ko."paliwanag ko

" Nako sayang kang bata ka" umiling pa si Manang bago ako pinaupo sa sofa

"Sa akin na hinabilin ni sir kung sinong katulong ang tatanggapin ko, mukang ayos ka naman kaya sige pasok ka na"

"Talaga po?" Natutuwa kong tanong "Salamat po"

"O siya Precy!" Sigaw ni Manang at may lumapit na kasambahay mukang kasing edad ko lang siya
"Eto si Zoe bago niyong kasama sa bahay tulungan mo siya para alam niya ang gagawin dito" utos nito at umalis na humarap ako kay Precy at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sumunod ka sakin" utos nito, sinundan ko na lang siya at tinuro niya sakin ang bawat silid at kung nasaan ang kusina, library, playroom, etc.

"Naturo ko na lahat sige na aalis na ako mag luluto pa ako" sabay alis nito, ang sungit naman non, lima kaming katulong dito at hati kami sa mga trabaho may dalawang driver din dito.

*BLAG!*

Agad akong tumakbo at pumunta kung saan nang galing ang tunog mula ito sa kusina

"James you're dead if daddy heard about it "

"He wont know if you shut up!"

"James, Xander! Ano ba kayong dalawa ha? Tumigil kayo" saway ni Manang

"But yaya Dad will be upset if he know that James broke his favorite mug "

Tumigil sandali ang paningin ko sa dalawang bata mag kamukang kamuka sila blond hair, blue eyes, at height. Medyo mas mataba lang yung James di umano pero yung katamtamang chubby lang.

"Yaya si Xander kasi! He's so daldal " sumbong ni James , napadako ang tingin sakin ni Xander (?) at nanlaki ang mga mata niya, tinuro niya ako kaya napatingin sakin lahat ng katulong maging si James

"MOMMY! MOMMY MOMMY MOMMY MOMMY!" Sabay takbo at yakap sakin ng dalawa

"Mommy?! AKO?!" Hindi maka paniwalang tanong ko sa sarili ko. Nag angat ng tingin sakin si James at bahagyang kumunot ang noo

"Don't you remember your cutest son Mommy?" Tanong ni James, Aba taas ng self confidence ng batang ito

"Tsk. Afcourse she won't you're so ugly kaya James she only remember me her most handsome son" palakasan pala ito ng hangin

"Teka lang ha? Baka naman nag kakamali kayong dalawa. Hindi niyo ako Mommy " paliwanag ko , bumitaw sila sakin at biglang

"NO YOU'RE OUR MOMMY! YOU ARE! YOU DON'T LOVE US THAT'S WHY YOU'RE ARE DENYING ! HUHUHUHUHU MOMMY!" at nag Simula na silang mag tantrums

"Nako Zoe lagot ka pina- iyak mo ang mga bata hindi pa naman yan napapatahan kung wala si Sir" sabi ni Manang

"Po? Teka hindi ko alam kung anong gagawin ko" natataranta kong sabi "Hush, tahan na mga babies nandito na si Mommy" wala pang isang segundo kong sabi tumahan na agad sila.


Ano ba itong pinasok ko? Instant Mommy ng dalawang bata na hindi ko kaanu ano.


----------------------------

Kamusta itong Chapter 2? Panget ? Maganda? Pwede mag comment

INSTANT MOMMY ? !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon