Chapter 10

3.2K 85 9
                                    

Zoe

  Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng dalawa habang nakatingin sa Daddy nila, I know that they didn't expect their Daddy to be here with us

"What's wrong?" Walang kaalam-alam na tanong ni boss

"Nothing" tipid na sagot ni Xander

"Hi James! Hi Xander! Is that your Daddy?" tanong ng isang cute na batang babae, I saw her this morning and I know that they are classmates

"Yup! I told you Tiffany that we have a Daddy right? And now we have a Mommy" excited na sabi ni James "Ikaw kailan namin makikita ang Daddy mo?" Sumimangot ang maganda nitong mukha at nagda-dabog na umalis, may lumapit sa kanya na babaeng naka maid uniform I guess its her yaya

"Bad iyan James, hindi mo siya dapat pinagsa-salitaan ng ganon babae pa naman siya" pangaral ko

"She's not a girl, if she is why would she punch me Mom? Only guys punch" sagot nito

"And you let her punch you?" Tanong ni boss

"Yes cause boys don't hurt girls because that's gay, but Xander pick a hair on her that made her cry this morning" napatingin kaming dalawa ni boss kay Xander

"What?" Maang na tanong ni Xander

"Diba sabi ko, huwag kayong mang-aaway ng classmate niyo bakit mo pinaiyak si Tiffany?" Tanong ko

"And I said we will try, if she didn't punch James I won't make her cry, at isa pa siya naman po nanguna. She always bullied us before that we don't have a parents, but we just ignore her that makes her even more angry. She's an attention seeker" minsan talaga naiisip ko kung ilang taon na si Xander he's more matured than his age, sometimes its a good thing but not all the time

"Its good Xander to be protective in your brother, but next time don't make a girl cry no matter what. If it's a guy I won't be mad even if you punch him" abay matinde! Tinuruan niya pa maging barumbado ang anak niya, hindi ako kumibo dahil nakita kong napangiti si Xander sa sinabi niya

"let's go kids, we'll have a dinner"agad namang sumunod ang dalawa at pumasok sa sasakyan. Nasa backseat sila habang ako ang nasa passenger seat hindi na kami nagsama ng driver dahil sabi niya nga, he wants to start being a parent to his kids.

"Where do you want to eat?" Tanong niya sa dalawa

"Anywhere Dad as long as there's a chicken" sagot ni Xander, kaya pumunta kami sa mall para pumili ng kainan, kumain kami sa bonchon at umorder ng isang tray ng chicken wings. Pagkatapos ay naglibot-libot pa kami sahe oob ng mall at nag-laro sa arcade, umuwi rin kami ng quarter to eight dahil may pasok pa ang mga bukas. Pag-uwi namin ay naglinis na silang dalawa habang ako ay hinanda ang isusuot nila, unang lumabas si James na naka-towel lang at may tumutulo pang tubig mula sa katawan at may sabom pa ang braso. Dinala ko ulit siya sa loob ng banyo at binanlawan, nandun pa si Xander na hindi ko alam kung kailan niya balak tumugil kakakuskos ng katawan niya. Pagkatapos ay binihisan at pinulbohan ko si James, lumabas din pagkatapos si Xander kaya siya naman ang inasikaso.

"What's wrong with Dad?" Biglang tanong ni Xander habang nakahiga

"Why? Ano bang napansin mo sa Daddy niyo?"

"Its weird that he fetch us in school and he even bring us in mall to eat. We look like a family there"

" Xander give your Daddy a chance to be a Father. Hindi bat sinabi ko sa inyo na mahal naman kayo ng Daddy niyo sadyang busy lang siya. He even cancelled his meeting to fetch you in school"

"Are you sure that he didn't do that dahil andun ka?"

"Afcourse he's making his time to be a Father for the both of you, and the thing you can do is to let him and give him a chance. Can you do that?" Tumango siya, maya-maya lang ay nakatulog narin silang dalawa.

  Lumabas ako ng kwarto nila at dumiretso sa kwarto ni boss,  kumatok ako at bumukas ang pinto. Niluwa nito ang boss ko na hindi pa nagpapalit ng damit at may kausap sa telepono

"Wait a minute Ruzell, I'll call you later" binaba nito ang tawag at tumingin sakin

"Ahm.. Gusto sana kitang maka-usap tungkol sa plano natin" sabi ko

"What plan?"kunot noo nitong tanong

"The Road for being a parent" madamdamin kong sagot kaya tinignan niya ako ng masama

"Pero seryoso may mga lists na ako na nagawa para sayo" kinuha ko ang papel sa bulsa ko at inabot sa kanya. Binuksan niya iyon at binasa

"No.1 send and fetch them from school, No.2 play and sleep with them, No.3 know their favorites and hobby, No.4 attend their events in school, No.5 play sports with them, No.6 always asked their day, No.7 don't forget to check on them No.8 help them on homework, No.9 watch Harry Potter with them? And No.10 play UNO cards with them" tinignan niya ako ng mabasa ang 9 and 10

"Is this even necessary?" Tanong nito

"Oo naman, maganda kaya ang Harry Potter at masaya mag-laro ng UNO" Sagot ko

"Harry Potter are for nerds" he stated

"Hoy hindi kaya! Maraming moral lessons doon noh saka children's book naman talaga ang Harry Potter pero siguradong tatamarin kang basahan sila kaya panoorin niyo na lang"

"Fine, but I can't promise to always send and fetch them from school because I also have work, but I'll do my best to give them my time"

"Okay just follow those steps, lalo na yung pang ten siguradong magka-kasundo kayo. Iyon lang good night boss" tumango lang siya at sinara na ang pintuan, wala manlang manners. Pumunta ako sa kwarto ko at naglinis, agad din akong nakatulog

--------------------

"Ano feeling reyna ka na porket Nanay ka ng mga bata?" Guest who said that? No other than Precy, do you still remember her? Siya yung nag tour dito sakin sa mansyon, akalain niyong nandito pa pala siya

"Wala akong ginagawa, I'm just doing my job to the twins" sagot ko

"Bakit akala mo ba hindi namin napapansin na pati kay Sir Damian ay nakikipaglapit ka narin? Pinaayos niya pa ang dating kwarto nila ni Ma'am Celine para lang sayo" bitter nitong sabi

"Wala akong kinalaman sa Celine na iyan, kung ano man siya ni boss. Tinutulungan ko lang naman siya at ang mga bata" hindi ko alam kung anong problema niya at talagang inirapan niya pa ako. Hindi siya sumagot at umalis na lang sa kusina. Sino ba kasi yung Celine na yon at asan na siya? Kung makapag salita si Precy ay akala mo na-agrabyado ko siya.

----------------

1140 words

INSTANT MOMMY ? !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon