Chapter 8

3K 84 7
                                    

Zoe

"Manang what's this?!" Galit na galit na sabi ni Damian, habang nakatingin ng masama sa nakaahing adobong sitaw, sinigang na baboy at chapsoy

"Walang magre- reklamo, diba sinabi ko sainyo na dapat kumain kayo ng gulay" strikta kong sabi, para akong nanay na nakapamewang sa harapan ng tatlo kong anak na nagiinarte

"And I told you we don't want to eat those leaves" masungit nitong sabi

"Hepeppep Dahil ikaw ang nakatatanda dapat na ikaw ang kanilang gayahin, bilang isang butihing ama dapat ay maging good role model ka sa dalawa kaya dapat ikaw ang maunang kumain" lalong bumusangot ang mukha ni Damian sa sinabi ko

"Who are you to order me?" If looks could kill malamang pinaglalamayan na ako

"Ako si Zanya Chloe Sanchez at ikaw Boss ay kailangan ng maupo at kainin itong niluto namin ni Manang" hindi ko siya hinintay na makasagot at hinatak ko siya pa-upo, ako pa ang naghain ng kanin at nagsandok ng adobong sitaw

"I won't eat that" nilapit ko sa bibig niya ang kutsarang may kanin at sitaw , habang siya ay pilit na nilalayo ang bibig sa kutsara

"Sige ka kapag hindi mo ito kinain araw araw na tayong maggu- gulay gusto mo yon? " pananakot ko sa kanya,  sana effective

"I could order food"

"Ano ka ba?! Bakit mo binabaleawala ang pagkain?! hindi dapat tinatanggihan ang grasya. Gusto mo bang matulad kayo sa mga taong walang makain kaya kahit pagkain sa basura pinagti-tiyagaan na? Hindi mo ma naiisip yung mga bata at ibang tao na todo kayod sa buhay para may makain lang? Hindi ka ba nanonood ng mga documentary, hindi mo ba alam na may mga taong masaya na kahit saging lang ang kinakain mula umaga hanggang hapunan? Hindi mo ba alam na yung ibang tao nga ayos na basta may kanin tapos asin lang ang ilalagay nila para magkalasa ang pagkain? Hindi mo ba alam sa Africa
na milyong milyong tao doon ang gutom at maraming batang malnourished? Hindi ka pa ba magpapasalamat na ikaw kaya mong magkaroon ng supply ng pagkain pang isang taon tapos porket ayaw mo lang ng gulay babaliwalain mo na? Hihintayin mo pa bang maranasan mo yung mga bagay na pinagsasabi ko sayo bago ka matutong kumain nito? Hindi ka pa-------"

"Shut up I'll eat it okay?" Na- okray yata siya sa mga pinagsasasabi ko at walang sabi-sabing sinubo ang kutasara, halos masuka suka siya habang nginunguya ang pagkain at mabilisang lumunok at uminom ng tubig

"Very good! Oh kayong dalawa naman James and Xander, see? Kumain ng gulay ang Daddy niyo kaya dapat kayo rin" napipilitan silang umupo at pinaghain ko sila ng kanin at sinigang na baboy syempre hindi ko nakalimutang isama ang talbos at labanos, at syempre ginaya din nila ang Daddy nila na mabilisang ngumuya at uminom ng tubig. Ngiting wagi ako ng maubos nila ang pagkain

"Tsk. Quit smiling you look creepy" busangot na sabi ng boss ko

"Masaya ako eh, very good naman pala kayong tatlo kaya dapat at least twice a week maggu-gulay tayo" nakangiti kong sabi sakanila, dahilan para lalong malukot ang mukha nila

--------------------
Thursday ngayon at apat na araw na lang ay pasukan na, binigyan ako ni boss ng pera para daw sa pambili ng gamit ni Zeke kaya umaga pa lang ay lumakad na ako para maipa-dala sa kapatid ko ang pera. Pag balik ko sa mansyon ay dumiretso ako sa kwarto ng kambal at naabutan ko silang nakahiga sa kama at nakataas ang kamay at paa

"Hi kids, anong ginagawa niyo? Did you took a bath?" Sinuklay ko ang buhok ng dalawa habang nakahiga sila

"Look Mom my legs and hands are longer than James" masayang sabi ni Xander

"But mine is more cute, right Mom?" Tinignan pa ako nito na parang nanghihingi ng kakampi. I smiled and nod at him, its true mas chubby kasi si James kaysa kay Xander, at mas matangkad si Xander ng ilang inch kay James

"Yup at parehas kayong pogi" pinisil ko ang ilong nila na sobrang tangos na mana sa Daddy nila "Tara ligo na kayo para mag amoy pogi din kayo"

"Kapag amoy pogi na po ba kami marami kaming chiks?" Nakangising tanong ni Xander

"Ikaw ang bata mo pa chiks na agad iyang nasa isip mo di ka pa nga tuli eh"

"Mom I don't want chicks I want a puppy" inosenteng sagot ni James

"Yup wag muna kayong mag chicks Xander, mag puppy muna kayo" natatawa kong sabi kay Xander napakamot siya sa kilay niya at pumasok na lang sa banyo

"Maybe he doesn't like puppy" inosenteng sabi ni James

Pinatulog ko na sila James at Xander pagkatapos nilang magharutan at maglaro ng x box, alas nuebe na pero hindi parin umuuwi yung Daddy nila ang tinde naman ng trabaho niya 15 hours o baka naman nag bar yun at namingwit ng chiks kaya kung anu-ano ang natututunan ni Xander eh. Lumabas na ako ng kwarto ng dalawa at didiretso na sana sa kwarto nila Manang ng marinig ko ang tunog ng makina ng kotse, pumasok si boss at nakita ako

"Zanya come here" akala ko ay iaabot niya sakin ang attaché case dahil nakita kong ganun ang ginagawa ng katulong sa teleserye at movie pero hindi, tinitigan niya lang ako

"Ahm....Ano po yon boss?" Hindi ko mapigilang itanong dahil ilang minuto lang siyang nakatingin, bumuntong hininga siya at nilagay sa bulsa ang kamay

"Nothing... You'll move your room, the two asked me last week on why the hell are you sleeping in the maids room, that's why I renovated the room beside them so it'll will be easy for them to go to you" sagot nito

"Hindi niyo naman po kailanga-----"

"What done is done so don't argue about  I'm expecting for you to do your job before I find if you're lying or telling the truth" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya,

Its all part of the job

Pumasok ako sa katabing kwarto ng kambal, kaya pala niya ako panapipili noong nag mall kami dahil dito gagamitin nakita ko yung bedsheets na bunny at may tatlong unan sa kama may lampshade din at single sofa may mga abstract painting sa pader tapos may wallpaper na pastel paint, babaeng babae ang dating ng kwarto at ang comfy ng ambiance. Humiga ako sa malambot na kama and I easily relax hindi ko namalayang nakatulog ako


---------------
I reposted the Chapter 8 kaya yung iba hindi mabuksan. Sorry dahil na published ko ito kahapon ng di pa tapos.🙇

INSTANT MOMMY ? !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon