Chapter 3
Nang makarating si Lance sa isang restaurant hinanap niya muna ang kanyang lola. At ng makita niya ito agad niya itong nilapitan.
"Good Evening, Gran!" masiglang bati ni Lance sa lola nito at staka nag-mano.
Matanda na ang lola ni Lance kaya madalas itong nakakalimot. Ni pangalan ni Lance nalimutan niya at dahil na rin sa malabo ang mata ng lola niya, minsan nagpapakakamalan siyang si Zia - ang kakambal nito na babae.
"Zia apo," sambit ng lola niya.
"Not again," James' whispered.
"Binilhan pala kita ng bagong damit. Ito oh, dba ang ganda," sabi ng lola nito staka ibinigay kay Lance ang isang maikling, bulaklaking damit.
Napatingin tuloy ang mga tao sa paligid nila na parang naguguluhan.
"Ang gwapo pa naman sayang naging bakla lang," rinig ni Lance sa katabing table.
Napahiya tuloy si Lance at pilit na lang ngumiti sa lola niya bilang pag galang at tila pinaparating na nangustuhan niya ang binigay na damit nito.
Nung hindi pa namatay si Zia siya talaga ang laging nakikipagkita sa lola nila kaya mahal na mahal niya ang dalaga. May alzhiemer kasi ang lola nila kaya akala nito na hindi patay ang paborito niyang apo at si Lance ang nagsisilbing Zia pagkaharap ang lola nito. Gawa na rin na kakambal sila syempre may mga feature na magkapareho sila. Kaya parang si Zia talaga si Lance sa malabong mata ng lola nito.
Nag iisang anak lang ang daddy ni Lance, si Roch. At staka patay na rin ang ama nito. Si Roch, Lance, at Rose ang nagsisilbing tagapagmana ng lahat ng ari-arian nila. Walang kahati kaya ang yamanyaman nila. Minsan ng nagkapatid si Roch pero ampon lang ito at naging pabotiro pa ng kanyang ama. Nang namatay ang kanyang ama, kusang lumayo ang ampon na ito dahil para sa kanya wala na siyang kakampi sa pamilya na iyon. At hanggang ngayon wala na silang connection o naririnig na balita tungkol sa adopted sister niya.
Nasa condo nakatira si Lance at busying busy naman ang kanyang mga magulang kaya nagkikita sila ng kanyang lola linggo linggo para hindi tuluyang makalimutan ng lola niya si Lance. Nakatira ang lola niya sa bahay nila Roch pero hindi sila parati nagkikita gawa ng trabaho.
~ "So ano ang gagawin mo?" tanong ni Alex kay Claire.
"Wala. May magagwa pa pa ako?" malungkot na sagot nito.
"Hay, ang hirap naman niyan best. Pag sinabi ni Mr. President kailangan wala ng kokontra."
"Hay buhay. Ganyan talaga"
Nasa isang bar sina Claire at Alex ngayon. Siyempre iinom para makalimutan ang problema.
"Isang beer" sabi ng isang lalaki sa gilid nila.
"Sayaw tayo dali," yaya ni Alex kay Claire habang may dinadala na inumin.
"Susunod na lang ako"
"You sure?"
Tumango na lang si Claire at staka umalis naman si Alex.
Habang si Alex ay enjoy na enjoy sa kakasayaw sa dancefloor si Claire naman ay seryosong naglalaro sa iPhone niya ng...
"Uy, Temple Run!" disturbo ng lalaki sa gilid niya.
"Ah, Oo nga!" sabi ni Claire na hindi man lang tumingin sa nagsasalita.
"By the way. Im asldkjs," sabay abot ng kamay nito.
Napatingin naman si Claire sa kamay nito na nakaharang sa phone niya. Dahang-dahang tiningnan ni Claire ang lalaki hanggat sa mag-abot ang mga mata nila na parang pareho silang napatigil at napatitig sa isat-isa.
(_____________________________________)
Ilang sandali lang ay bumalik na sa realidad si Claire.
"Ano uli ang pangalan mo?" tanong ni Claire.
"kasdajks"
"Huh? Ingay kasi," sabi ni Claire sabay turo sa tinga niya.
Magsasalita na sana ang lalaki ng magkagulo sa loob ng bar. Agad namang nilapitan ng dalawa ang mga taong nagkakagulo sa gitna ng mapansin ni Claire na si Alex ay nasali sa gulo. Nilapitan naman ni Claire nag kaibigan ata staka sumunod naman yung lalaki.
~Sa labas ng Bar~
"Ano ba ang nagyari?" alalang tanong ni Claire.
Dahil sa kalasingan ng kaibigan hindi tuloy makapagsalita ito nga maayos.
"Ang daya mo naman oh! Ako may problema diba? Ikaw dapat mag-aalaga sakin. Tapos ganito, patay ako ni Tita nito," reklamo ni Claire sa kaibigan na ngayon ay nagsusuka sa kalasingan. Napasobra ata.
"Ok lang ba siya?" tanong ng lalaki.
"Nandiyan ka pa pala!" sabay tingin ni Claire.
Hindi na lang kumibo ang lalaki.
"Uhmm pwede favor?" sabay smile ni Claire.
"HUH?" gulat ng lalaki.
_____________________________________________
Yehey naka pag-update na rin ako. Please continue supporting this story :))
VOTE, COMMENT, AND BECOME A FAN!
Salamat sa paglagay nito sa Library niyo :)) Thank you so much!
xoxo, God Bless!

BINABASA MO ANG
Fortunately Yours
FanfictionArranged Marriage Forbidden Love Popular Family, High Expectations And that`s Claire's life. What will you do if you will be Claire??