Ooops
Ang sakit ng balikat ko. What the? Heto na naman tong kumag na to kun makaasta kala mo pagmamay-ari na nya ang buong kalsada na dinadaanan namin.
Napalingon na lang ulit ako sa kanya. Sigurado na kasi ako, sinadya nya mangyari to. Sinadya nya na banggain ako mapansin ko lang sya.
Nakita kong nakangisi lang sakin ang dalawang lalaking kasama nya. Mga itlog na ugog katulad ng pinuno nila.Mga gwapo nga pero mas mukhang lamang ang pagkagago.
At ang pinaka gwapo at pinaka gago rin sa kanila ay nakasimangot na nakatingin sa akin. Sya pa talaga ang may dapat mag react ng ganyan? Sya na nga ang bumangga sa akin diba?
"Luis Sandro Lim, so it's you again huh?"
Pagkatapos ko iyun sabihin at ngitian sya ay naglakad na ko ulit palayo sa kanya. I don't care if my smile looked fake for them. Ang ayoko lang ay ang makagawa kami ng eksena sa harap ng maraming tao. Tigilan na sana to ni Sandro. Hindi na nakakatuwa.
Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko pero mas pinili kong huwag ng pansinin. Mas gugustuhin ko pa atang huwag ko marinig ang pangalan ko mula sa bibig nya. O kahit na anong salita basta galing sakanya.
It's creepy for me. Nakakakilabot. At ayoko ng ganitong pakiramdam. At ayoko makaramdam ng kahit na ano sa kanya. Kahit ang 'creepy' pa. Basta ayoko lang. Ayoko na.
Pumara agad ako ng jeep pa monumento. Kailangan ko na umuwi agad galing work. Pagod na ako. Gustuhin ko mang mag grocery muna bago umuwi ay hindi na iyun ang gagawin ko. Baka malaman kong may stalker pala ako. Ayoko mag assume pero pinangungunahan ko na agad ang kutob ko. Mahirap na kasi. Di rin ako makapagpigil na at baka bumigay na lang ako bigla sa stalker ko. Manyari,hindi na ako makauwi at mamalayan kong hubo't hubad na ako sa kama nya.
Fuck Sid,don't imagine yourself from that. You must be better than that diba?. Masasayang lang ang lahat-lahat kung bibigay ka na lang ng ganun-ganun sakanya.
Ewan ko ba at paano nya nagagawan ng paraan ang mga bagay-bagay mapeste lang nya ako. Kung bakit kailangan ko pa rin sya makita. Inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Lumipat na ako ng bahay. Nagpalit ng sim sa cp. Even facebook, i deactivated it. Simula nung naghiwalay kami ay sinigurado ko wala na dapat kaming komunikasyon at konektado sa isa't isa. Mahirap noong una pero kailangan ko sanayin ang sarili ko. If you want to moved on, you need to exert an effort for that. Kahit na may mga gabi pa rin mukha nya ang naiimagine ko bago ako makatulog sa gabi.
Kailan ko ba sya maiwawala sa sistema ko?
Kasi miss ko na sya. Heto na naman ako. Kakasabi ko lang e. Huwag dapat makaramdam kahit na ano sa kanya. Abnormal talaga ako. Kasalan ni Sandro to.
