Nagsawa ka na.
Aminin mo na, kahit gaano kaimportante, kaganda, kabongga, pag nawalan ka na ng interes magsasawa at magsasawa ka pa rin.
Tao ka! (obviously) at alam mong ang tao ay may mga basic needs at wants na walang katapusan. tsk. Basic. Pinag-aralan/pag-aaralan mo yan sa management. Kapag nakuha mo na yung wants mo, magkakaroon ka ng interes na mas mataas pa sa bagay na nakuha mo na.
Mahiya ka naman sa jejemon, sila nga sasabihan ka pa ng mga katagang
"ikH4uW £hu@n9 zZ$xaPhu4th nÜâ@4h ajejeje 24_wHüãäN9 tïTîBhæg bibeh!" (Alien sila hindi tulad ng mga taong mapaghangad sa mas matataas na bagay)
Masiyahan ka na dyan! At least yan hindi magsasawa, hindi ka ipagpapalit, kaya masarap magmahal ng jeje, dejoke basta mahal ka, mas masarap mahalin yun! Lalo na pag yummy. AhihihiBago tayo dumiretso sa karinderya dahil sa gutom ko balik tayo sayo. Magiging pabebe ka na, wala nang makakapigil sayo kasi nagsawa ka na. So maghahanap ka ng iba, in the end no choice na yung iiwan mo. Ano pa nga ba? Eh di magiging option nalang siya, mapapabayaan mo na hanggang sa hindi mo na mapansin. Hindi mo namagagamit. Maluluma na. Sa huli masisira na.
BINABASA MO ANG
Bakit Nasisira ang Isang... Cellphone!
RandomSige halika, magdrama tayo. Pagtiisan mo ang trying hard na hugot kasi trying hard na writer pero, buti ka pa nandito, buti ka pa may oras ito pagkaabalahan. Buti ka pa, sana Ikaw nalang, sana tayo nalang. Charing! Salamat in advance