Pang-lima

21 2 0
                                    

Nakahanap ka na ng kapalit.

Classmates katulad sa previous chapter, may kapalit na worthless na sayo yung isa.

Tandaan mo, ang pagmamahal mo ng sabay sabay ay hindi maaaring maging pantay pantay kahit kailanman. Bakit? Kasi malandi ka, what I mean is may different level of intensity ang bawat bagay. (maharot lang talaga yang utak mo)

Sunod ka kasi sa uso. Hindi mo na naisip kung anong mangyayarin dun sa isang bagay na iiwan mo nalang basta basta!

Matapos mong gamitin! Pagsawaan! Gawing option, hindi mo pa rin nakita yung saya na naidulot niya sa buhay mo. Hindi mo naimagine yung mga sacrifices na ginawa niya mapangiti ka lang. Hindi mo naisip kung gaano siya nagmukhang tanga mapasaya ka lang sa mga oras na hindi ka pinapansin ng crush mo, sa mga panahong stress ka kasi dapat nagrereview ka for tomorrow kasi may quiz/exam niyo na. Kung gaano niya tiniis ang pangduduro mo sa kanya pag sinusumpa mo yung mukha nung crush ng taong gusto mo. Sa panahong siya yung kasama mo nung broke at broken hearted ka.

Wala e, nakahanap ka na ng bago. Nakahanap ka na ng replacement. Wala nang space for the old one. WALA NA. MAG MOVE ON KA! WAG KANG BABALIK KINGKONG KA!

Bakit Nasisira ang Isang... Cellphone!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon