- After 2 years -
Its Sunday Night.. mga 8:30 na ata ng Gabi..
wala akong ibang ginawa kundi mag Facebook
at mag basa ng mga kweto sa Wattpad magdamag..
bigalang may nag Chat sakin. *TOK*
Si Ther, kasama doon sa Chat si Rizze.
Ther :
|Hoy mga dude..
Kharizze :
|hu-why?
Me :
|Yup?
Ther :
|sinabi ko na kay Kaz.. yung alam nyo na..
yung Mahal ko sya..
Me :
|Oh ? ano sabi ni Jeanne?
Ther :
|Ehhhhhh............ Hanggang Friends lang
daw talaga tingin nya sakin. HOHO. XD
Me :
|awts.... ang adik mo kasi HAHA! wawa.
Kharizze :
|bakit ba kasi kaibigan mo pa yung minahal mo alam mo naman..
baka maapektohan yung pagiging magkaibigan nyo.
Me :
|Oo nga, katangahan kasi nito. tskk!
Ther :
|Oo nga e.. e yamuna andyan na e.. Hays. :(
Me :
|uy.. out na ko. bukas nalang anung oras na e. bukas nalang
natin pag usapan yan ne.
De ayown, nag out na ko inaantok na din kasi ako..
kaya humiga na din ako... ayon natulog na ko.
------------------
Kakagising ko lang.. gumayak na din agad ako.
pagka gayak ko bumaba na ko, para makakain..
then..
pagkatapos kumain, sumakay na ko sa Porsche Carrera GT
ko. Hehow. kailangan talagang sabihin s'yempre.
nag park na ko sa parking malapit sa building. mag ta-Time na
di na tuloy ako naka punta sa Green field ng soccer doon kasi kami
nagkikita ng mga kaibigan ko bago pumunta sa kanya-kanya naming Classroom.
e traffic kasi kanina kaya medyo na late na ko. tssk.
nandito na ko sa Building ng Tourism.
2nd year college na nga pala ko after 2 years na e, HAHA.
saka kaka-18 ko lang last Month.. binilan ako nila mama
ng sasakyan yung Porsche nga.. saka nakakatuwa nga nun
yung crush kong 3rdyear Varsity player ng Basketball
sikat sya sa buong school yung Parner ko. Ampogi nun. HAHA!
Ngayon na nga lang ako nagka-Crush
simula ng nawala na si Thony.. nung tumagal nay un
pinaintindi ko sa sarili ko na hindi na sya babalik.
Ang grabe kaya nun nung pag alis ni Anthony.. din ko
na pigilang umiyak tuwing gabi.. miss na miss ko na sya nun.
Pero ngayon parang Ready na ulit akong ma inlove
Di ko naman na siguro Mahal si Anthony sa sobrang tagal na
saka di naman na sya babalik.
Nakarating na ko sa Room namin..
nakita ko si Ley na nakaupo sa tabi ng Bakanteng silya.
Classmate ko sya sa lahat ng Subject buti nalang nga
para may kasama ko..
Dumeretso na ko doon kung nasaan si Ley.
“Oh.. Bakit ngayon ka lang? kanina ka pa naming
Hinihintay sa Green Field. Di ka naman dumating.” – Ley
“Ah.. e pano sobrang traffic kanina sa dinaanan ko. Nakakainis
Nga e.”
“Ah.. ganun ba? Kanina pa nag time buti na una ka kay
Sir dumating. Alam mo naman yun galit sa late.”
“Oo nga e. inaantok ako di ako nakatulog mabuti kagabi e.
Tulog lang ako saglit, gisingin mo nalang ako pag nandyan na si Sir.”
“Okay.”
Dumukdok na ko sa desk ko.
Maya maya…
may narinig akong nag salita…
“Hey, Miss.. can I sit here?”
Yung tinutukoy nung lalake yung inupuan ni Ley kanina
Hinanap ko si Ley.. baka nakaupo na sya sa
Talagang upuan nya sa likodan lang nya.
Tumango nalang ako. Sabay dukdok ulit.
uy..
may kaboses yung lalake promise..
di ko lang matandaan kong sino….
BINABASA MO ANG
Love at First Sight [My Campus Crush'Series]
Teen FictionUnang kita palang ni Anne kay Thony ay nahumaling na sya sa magandang mukha ng binata. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya para dito sa tuwing nakikita nya ito. kaya ang ngyari ay sunusundan nya ito kahit san ito pumunta.. ng lumakas ang lo...