[A.N. : nasa EK parin sila ditow sa Wheel of Fate]
Chapter 28
[Anne’s POV]
Unti-unting tumataas yung sinasakyan namin…
“Anne, Totoo yung sinasabi ko.. ngayon palang
Ako nakapunta dito”
“HAHAHA! Totoo ba yon? Bakit?”
“Tss! Wag mo nga akong tawanan nakakahiya e,
Sa totoo lang nung bata palang ako gusto ko ng
Pumunta sa Amusement park. Ayaw lang ni Papa.”
Nakita ko malungkot yung mga mata nya.
“Kase nung bata palang ako.. gusto ni Papa
Mag aral ako ng mabuti.. lalo na nung namatay
Si mama.. mas lalo nya kong pinag higpitan.
Nung nagging Highschool ako.. tinuturuan na
Nya ko kung pano magpatakbo ng nigosyo,
Tuwing inaaya ko sa Papa sa Amusement park
Lagi syang tumatanggi pang bata lang daw to
Yung trabaho nalang daw yung pagka abalahan ko.
Ngayon ko lang naranasan na sumaya sa buhay ko
Salamat sayo Anne.”
Tumulo yung luha nya.. Pinunasan ko naman.
Jusko pala to.. Garabe talaga yung mga Chekwa
Lalo na sa trabaho. Wawa naman tong Mahal ko.
T____T
“Nako, Wala yun.. haha! Di ko nga alam na
Totoo yung sinasabi mong di ka pa nakakapunta
Dito e. sorry pinag tawanan kita.”
“HAHA! Okay lang yun. Nga pala Anne.
Nung wala ba ko may nagging BF ka ba?”
“Wala. Hinihintay kiya kita..
Pero ngyun ngayun lang na kras-an ko
Si Kevin.. E nung dumating ka nawala
Naman agad. Kagulo nga e.”
“HAHA. Hinintay mo ko ng Dalawang taon?”
“Oo nga. Eto oh. Hirap kaya non.”
“Yeah. I Know. Mahirap ding
Mahiwalay sayo ng ganun katagal.”
Nabigla naman ako sa sinabi nya.
“Ha? Ano sabi mo Thony?”
Tumingin sya sakin…
“Totoo yun Anne.”
“Ibig mong sabihin may Gusto ka
Na sakin noon pa?” Tumango sya.
“e bakit di mo manlang ako pinapansin non?”
“Simula palang nung nakita kita nung
Nag e-enrol palang ako.. doon sa may
Labas ng Principal Office.. non palang parang
Gusto na kita di ko naman alam kung bakit.
Iba kasi e.”
Kilig naman ako don.. :”>
“e bakit di mo nga ko pinapansin. ”
“Kailangan lang.. saka di ko pa nun
Alam yung totoong nararamdaman ko,
Nalaman ko lang yun nung di mo na ko
Sinusundan tas di kita nakikita ng mga
Dalawang Linggo ba yon? Basta.”
“Ah.. kaya pa bangga bangga ka pa ganun?”
“Haha. Yea…”
Biglang nag ring yung Phone ni Thony.
[Anthony’s POV]
Sinagot ko yung tawag..
“Hello Pa?”
“Asaan ka ba ngayon? Anong oras
Na.. kanina pa nag hihintay yung
Magulang ni Dianna diba sabi ko
Sayo ngayon paguusapan yung kasal
Nyo ni Dianna?!!”
Sabi sa kabilang linya..
“Pero Pa diba sinabi ko na sayong…..”
“HINDI! KUNG ANO GUSTO KO
YOON ANG MASUSUNOD!!!!! UMUWI KA NA DITO!!”
Binabaan na ko.
“bullSh*T!”
[Anne’s POV]
Nagulat ako kay Anthony bigla
Kasing nagmura.
“uuuyy? Bakit? Kailangan mo na
Bang umuwi? Malapit naman na tayo sa ibaba.”
Pagka baba namin.. hindi na kumikibo si
Thony.. hanggang hinatid ako sa Bahay namin.
Nasa tapat na kami ng bahay namin..
Bumaba sya saka pinag bugsan ako ng pinto ng sasakyan.
Naglakad kami papuntang Gate.
Bigla nanaman ng ring yung Phone ni Thony..
“OO NA! NANDYAN NA!” nakasigaw si Thony..
Ano kaya yung ngyari?
“sige Anne, Kita nalang tayo bukas.”
Lumapit sakin si Thony tapos bigla akong….
HINALIKAN sa…..
Pisngi..
HAHA. Kayo ha?
Nagulat ako don sa ginawa nya..
Naglakad na pala si Thony papuntang
Sasakyan nya.. tapos nag bye na sya..
Edi ayon wala na..
Pumasok na ako sa bahay namin..
“Hoy! Anne, Gabi na ha? Bat ngayon kalang?” – Si KUYA
“Wala kang pake..” pumasok na ko
Sa kwarto ko.
Nag Shower at humiga na..
The Best tong araw na to. ^_____^
nakangiti ako hanggang sa makatulog..
BINABASA MO ANG
Love at First Sight [My Campus Crush'Series]
Teen FictionUnang kita palang ni Anne kay Thony ay nahumaling na sya sa magandang mukha ng binata. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya para dito sa tuwing nakikita nya ito. kaya ang ngyari ay sunusundan nya ito kahit san ito pumunta.. ng lumakas ang lo...