Chapter 26

277 3 0
                                    

SATURDAY MORNING.

10am.

hala nako. baka andoon na si Thony MyLabs ha

usapan ata kahapon mga 9am ata?

Tumakbo ako papuntang sasakyan ko.

Nasa School na ko..

pagpasok ko sa Gate ng Highschool..

nakita kong may nagiisang kotse doon

hu-WOW the Yellow car Koenigsegg CCX?

O___O

Mas maganda pala say un sa personal

Nagpark ako sa tabi non…

Tapos hinanap ko na si Thony…

Asaan kaya yon?

Hmn..

Walang masyadong tao kasi Saturday

Saka walang pasok yung 1st-2nd year College.

Kasi may Meeting daw yung Officers?

Pero yung 3rd-4th meron ata…

Nagpunta ako sa garden ng Highschool..

Baka nandoon.. kase madalas ko syang nakikita doon.

Ang layo layo ng Building namin dito.

Tapos may malapit naming garden don..

Gusto pa dito..

Ayun.. may naka higa..

Nilapitan ko.. si Thony nga..

Ang hilig nitong matulog.

“Nandyan ka na pala? Kanina pa

Kita hinihintay, nakatulog pa ko. ”

Gising pala. Kala ko tulog

Gusto ko pa naming Halikan sa pisngi.

Joke! Hahaha!

“Ay.. pasensya na, late kasi akong nagising e.

Nasan na yung sa Project?”

“nasa sasakyan na. tapos na kanina pa.

Ang tagal mo kasi e.”

“ay di mo sinabing tapus na sana di na

ko nag punta.”

“wala akong number mo bago yung Sim ko e”

Pumikit ulit sya.

“Ganun ba?”

Tinabihan ko sya. Naka humiga.

“Hoy.. bat ba madalas ka dito sa garden na to?”

“Wala lang.. simula nung Highschool dito na ko

Tumatambay. May sinisilip kasi ako.”

“Ah.. sino naman?”

Dumilat sya saka tinuro yung

Building ng Highschool.

“Dyan oh.. doon kasi sya nakaupo

Sa tabi ng Bintana..”

“Ganun? Highschool parin ba un?”

“hindi, Haha! Yaan mo na yon.”

Ay.. E sino naman yun? Si Dianna kaya?

Lagi na ngang kasama tas sinisilip pa nya?

Sapakin ko tong poging lalaking to e!

“Uy, Anthony..” kinalabit kalabit ko.

Nakapikit kasi saka din gumagalaw

“gala tayo. Sige na.”

Biglang dumilat sya.

“San naman?”

Love at First Sight [My Campus Crush'Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon