"Good Bye Class!" pagpapaalam namin sa mga bata. Katatapos lang namin magpasagot sa mga bata. Parte iyon ng weekly assessment ng mga ito patungkol sa isang aralin sa Matematika.
Hindi parin mawala sa isip ko ang senaryong nasaksihan ko kanina lamang. Wala akong sinabihan tungkol doon. Nakakalungkot lang dahil ganun ang asal ng anak ni Kuya Rey sakanya.
Iyong tipong gagawin mo ang lahat para lang sa anak mo. Kahit na magutom ka at magpakapagod ka para lang maibigay ang lahat gusto nya. Pero hindi man lang ma-appreciate ng maayos ang lahat ng efforts mo. Masakit yun.
Pagbaba namin, nakita ko ulit si Kuya Rey na nag-aayos ng upuan sa room ng mga kinder. Patapos na sya roon at lilipat na sya room kung saan katapat ng bench na pinaglagyan ng bag namin. Hindi mababakas sa mukha nya na may hindi pag-uunawaan sa pagitan ng anak nya kanina.Nakangiti syang bumati sa amin. Magiliw naman naming sinagot iyon.
" Naku! Kuya Rey, naisahan ka nanaman ni Kuya Tisoy. Hindi ka nanaman tinutulungan." pabirong sabi ni Joules. Na-timing naman na paparating na si Kuya Tisoy.
"Aba! Ma'am narinig ko yun!Ang sipag ko nga ho." tatawa-tawang sabi ni kuya Tisoy
" Nyek. Nyek. Maniwala na man kami." pang-aalaska pa namin.
"Ay sus! Ikaw naman ang magtapos nan at ako naman ang magsisipag kuno." baling ni Kuya Rey sa kasamahan. "Sige po Ma'am, una na po ako dun." nakangiting pa syang humarap saamin.
Kinabukasan, nag-umpisa na ang sportsfest ng mga bata. Nahahati sa 5 grupo ang bawat estudyante simula Kinder to Grade 6. May iba't ibang kulay na nakalaan sa bawat grupo: Blue, Red, Yellow, Pink at Green. Matapos sindihan ang Torch, nagpamalas na sila sa pagalingan sumayaw at kung gaano ka unique ang kanikanilang yell sa Cheerdance Competition. Nakakatuwa dahil sa pamamagitan nito ay nahahasa ang psychomotor skills ng mga estudyante. Maging ang intellectual capability at social interaction nila ay na-enhance rin.
Sa pangalawang araw, ang mga palaro sa umaga ay may kinalaman sa bola katulad ng basketball, soccer at badminton ang labanan. Noong hapon naman, ay mga in-door games at board games ang labanan.
Sa huling araw ng Sportsfest, ang bawat Grade level ay may dapat may kanya kanyang booth na naka-assign. Sa Grade 1 ay Jail booth. Kaming mga Practice Teachers ang naka-assign para doon. Sa Grade 2-4 naman ay Food booth, Sa Grade 5 ay Horror booth at sa Grade 6 ay Photo booth.
Dahil kami ang bahala para sa Jail Booth, kailan namin ng barikadang bakal para magkunwaring kulungan ng mga mahuhuli namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/71491311-288-k809702.jpg)
BINABASA MO ANG
Top Serve (Complete)
Short StoryMa-rerealize mo kung sino ang Top-Serve ng buhay mo.