Simula

15 2 0
                                    



I wanted to share what I had observed while roaming around our school premises. Dahil nga isa akong Practice Teacher sa school ko at nag iin-campus na kami, hindi maiiwasan na pagala-gala sa Elementary Department. Sa first floor makikita ang mga rooms ng Nursery, Pre-school, Grades 1-2 at ang dalawang sections ng Grade 6. Sa second floor naman nandun ang Grades 3-5.


Bukod sakin na Practice Teacher, may mga Mamang gumagala rin oras-oras sa bawat rooms. Naka-color coordinated sila. Kulay dark blue T-shirt na may tatak sa likod na 'TOP SERVE'.


Minsan ginagamit silang panakot sa mga batang makukulit o nasobrahan sa pagka-hyper. Ang linya pa nga lagi, "Kuya, isama nyo nga po yan sa Dark Room". Pero ang totoo, hindi sila nakakatakot at hindi dapat katakutan.


Sila ang araw araw na nagpapanatili ng kalinisan sa aming school. Yung iba ang tawag ay "Mang Johnny" o kaya ay "Kuya Maintenance". Hindi bagay na tawag ang mga ganoon sa kanila. IDOL! Idol dapat.


Siguro sa bawat araw kong sinasabi sa utak ko ang salitang 'Nakakapagod': nakakapagod magsaway ng 'WAG KAYONG MAINGAY' o kaya 'O, UMUPO NA KAYO' at 'TAMA NA YAN', "nakakapagod gumawa ng lesson plan" kasi nakakaubos ng dugo, "nakakapagod tumayo habang nagtuturo", "nakakapagod gumawa ng presentation", nakakapagod...... Wala akong karapatan magsabi nan. Wala pa sa kalingkingan nila ang hinaharap kong pagod. Kaya saludo ako sa mga Top Serves sa school ko. All around talaga sila. Kahit pagod na ay makikipagbiruan pa sila saming mga Practice Teachers na kapag nakapagtapos na raw kami, mag-asawa na raw agad para hindi tumandang dalaga. Pero, sa kabila ng biruan na yun, hindi natin alam na sa likod ng pagpapatawa nilang ay may pasanin pala silang dinadala. Bukod sa sakit ng katawan dahil sa pagod na tinatamo nila sa araw-araw, ay may mas malalim pa silang sakit na nararamdaman. Saksi ako sa matinding sakit na iyon na hindi magagamot nang kahit anong pain reliever. One time...


"Ate Ace, wala ka na bang turo or substitute?" tanong sakin ni Joules. Umiling ako at sinabing "Wala na, bakit?"


"Magpapasama sana ako sa Grade 3- Anthurium. Pinag-sub ako. Wala kasi si Teacher Tessa. May pasasagutan lang naman sa bata at kailan lang ng bantay." Um-OO na ako dahil wala naman na talaga akong gagawin. Magbabantay lang naman pala.


"Uy, uwi na kami ha! OT-eng OT na kami dito e. At itong mga gamit nyo, wala ng magbabantay" paalam nila Stephanie at Carmela samin. Kahit wala namang magbantay wala namang mawawala. Iniiwan nga lang namin sa bench ang gamit namin kahit nakalabas ang laptop, cellphone, at nakabukana sa bag ang pitaka ay walang kumukuha kahit isa. Idagdag mo pa na daanan yun lagi ng mga tao. Sa katunayan nga nan, sa apat na taon ko nang nag-aaral dito ay wala ni isang kaso na ninakawan maliban nalang sa nahulog ito.


" Ah! Sige. Ingat nalang sila sainyo. Bye!!!" paalam ko sa kanila habang kinakapa ko sa bag ang cellphone ko. Ang call time kasi nila ay kanina pang-6:30. Samantalang kami ay kung hindi 11:00 ay 1:10-1:50 pa ang turo.


"Mauuna na ako sa taas Ate Ace, baka magkagulo dun pag walang bantay." Tumango ako bilang sagot. Timing naman sa pagkahanap ko sa cellphone ko. Niligpitin ko muna nang bahagya ang mga nakakalat kong gamit, nakakahiya naman pag-nakita to ng Critic ko baka maichika pa kay Dean. Ilang minuto pa ay na tapos narin ako sa pag-aayos ng mga edited lesson plan. Patungo na sana ako sa hagdan papuntang ikalawang palapag nang....


"TEACHER ACE!!!" matinis na sigaw ni Zoe. Isa sa mga anak anakan ko sa Grade 1. Humarap ako sa gawi nya. Nakita ko syang mabilis na tumatakbo patungo sakin.


"Samantha Zoe, Wag kang tumakbo ng mabilis at baka madapa ka!", suway ko sakanya. Ngunit di nya iyon pinansin dahil agad syang yumakap ng mahigpit saakin na parang isang taon kaming hindi nagkita. Samantalang kasama ko lang sya kaninang mag-recess.


"Saan ka po pupunta Teacher?" nakatingalang tanong nya saakin. Nakita ko nanaman ang kulay brown nyang mata. Na bagay na bagay sa maputi nyang kulay.


" Sa malayong lugar... Bakit sasama ka?" natatawang sagot ko sa kanya.


"Si Teacher naman y, niloloko ako." nakayapos parin na turing nya.


"HAHAHA. Joke! Sa taas lang baby. Lakad na at pumasok ka na sa room mo nandun na si Teacher Kris" kumaway pa ako sa kanya bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad.


Inilabas ko ang cellphone ko para tignan kung nagreply ang Mommy ko. Naubusan kasi ako ng allowance kaya nanghihingi ulit ako. Napangiti ako ng makitang may reply sya.



Humiram k nlang muna kay lolo nadeng mo. Sa byernes pa q punta dyan.


Napanguso naman ako dahil dun. Hindi kasi ako natigil sa totoong bahay namin. Masyadong malayo at magastos. Kaya dito ako nakatira sa lola at lolo ko. Walking distance lang ang layo sa school ko. Magtitipa na sana ako ng sagot sa text nya nang may maulinigan ko ang isang pag-uusap. Napahinto ako.


"Ano ba yan?? Ayoko ng ganyang ulam sa binalot! Nakakadiri. Paano nalang kung makita yan ng mga classmates ko? Anong iisipin nila? Pati, di ba sabi ko naman sainyo na wag nyo nalang akong pagdalhan ng ganyan, bigyan nyo nalang ako ng pera!!Bibili nalang ako sa Canteen katulad ng mga classmates ko." yamot na sabi ng isang High School student. Dahan dahan akong naglakad sa parteng hagdanan. Doon ko nakita sina Kuya Rey at isang dalaga na nakasuot ng uniform na katulad ng isinusuot ng mga High school students sa school dito. Nasa ilalim sila ng hagdan nag-uusap kung saan walang nakakakita sa kanila maliban sa akin.


"Nak, di ba paborito mo itong nilagang itlog na sinasawsaw mo sa maraming asin?-" binuksan pa ni Kuya Rey ang binalutan upang ipakita ang laman niyon. Saka ko lang napagtantong may anak pala siyang nag-aaral dito. Kung sabagay lahat ng empleyado sa school ko ay may 100 % diskwento sa edukasyon. Kaya malamang ay ginamit nya iyon upang mabigyan ng magandang paaral ang kanyang anak.


"-pati, pasensya na at sa makalawa ko pa makukuha ang sahod ko, kaya wala akong maibibigay sayo. Saktuhan nalang ito para sa pamasahe ko."

"Yan nanaman kayo. Mabuti pa iyong mga kaeskwela ko, nakukuha nila ang gusto nila. Isang hingi lang sa magulang nila, bigay agad. Bagong cellphone, sapatos, masasarap na pagkain, damit, gadgets, luho at lahat na. Samantalang ako... Kayo--" tumalikod sya sa kanyang ama.


"Na ano? Na isang janitor lang? Na isang tiga-linis at utusan sa school na' to? Na ikinakahiya mo ako.?...Alam ko naman anak e.... " tumaas bigla ang boses nya ngunit panandalian lamang iyon. Huminga muna sya ng malalim bago nya inilapag sa arm chair ang hawak nya at tumungo sa kanyang bag na nakasabit sa dingding. May kinuha sya doon at iniabot sa kanyang anak.


"Sige na.. May tatlumpung minuto ka pa para makapag-tanghalian." mahinahon na sabi ni Kuya Rey. Tansya ko ay pera iyong inabot nya sa kanyang anak. Walang sabi sabi na tumalikod sa kanya ang anak at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago humakbang muli sa hagdan. Ngunit sandali ulit akong napatigil nang makarinig ng paghikbi. Tahimik sa lugar na iyon kaya't rinig na rinig ko ang mahinang paghikbi na nagmumula sa kinaroroonan ni Kuya Rey.

Top Serve (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon