Rey POV
Tulak tulak ko ang malaking basurahan galing sa iba't ibang kwarto ng mga bata. Nakita ko ang mga Practice Teachers na abalang abala sa kanilang Booth. Dinidisenyuhan nila ito ng puting tela sa labas kaya't hindi na makikita kung anong nasa loob ng bakikadang bakal.
Sa kabilang banda naman ay nakita ko ang aking anak na tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan ng kanilang barkadahan. Kamukhang kamukha talaga nya kanyang yumaog ina. Parang kailan lamang noong nandirito pa sya at masayang inaalagaan si Jaimielle. Gusto ko man ibigay lahat ng gusto nya ay hindi ko magawa dahil sapat lamang ang kinikita ko sa aming pang-araw araw. Hindi man ako nakapagtapos ng elementarya ngunit ang gusto para sa anak ko ay makapagtapos hanggang kolehiyo. Laking pasasalamat ko ng binigyan si Jaimielle ng pagkakataon na makapasok dito sa private school na pinagtatrabahuhan ko na walang bayad. Halos 10 taon na akong naninilbihan sa institusyong ito kahit binigyan nila ako ang prebilehiyo at ganoong pagkakataon.
"KUYA REY HULI KA!!" si Vin at Franz ay hawak ang magkabilang braso ko.
"Mga Sir, bakit-" hindi na ako nakapagsalita dahil hinila na nila ako sa kanilang booth.
"100 hundred po ang bayad pag gustong lumabas agad. Pero kapag nag-stay po rito sa loob ng 20 minutes ay libre na po iyon." nakangiting paliwanag ni Ma'am Ace.
"Ganun ba?" Napakamot ako sa aking noo. "Kulong nyo nalang ho ako, wala akong pangpiyansa e." sagot ko sakanila. Pinapasok nila ako sa loob. Nakita kong may dalawang monoblock doon. Sakto naman at makakapagpahina ako na hindi nasisilip ni Tisoy. Kapansin pansin din na may speaker na nakakunekta sa labas.
"MAY BAGONG HULI!! IPASOK NA YAN!" sigaw ng isa sa mga Practice Teachers.
"Sir, Ma'am. Ayoko po....Juliet... Sam! Tubusin nyo ako please!" napatayo ko agad dahil alam ko kung kaninong boses ang may-ari non.
Pagbukas ng barikada ay bumungad saakin ang gulat na si Jaimielle. "'T-tay" pati pala sya nahuli nila. Nakita ko ang lahat ng Practice Teachers ay nakangiting maluwang sa amin bago isinarado ang barikada.
"Loko talaga sina Maam at Sir." nakangiting umiiling na sabi ko.
Ilang saglit na tumahimik ang paligid. Pinilit kong tumingkayad sa barikada ngunit masyadong mataas nito at hindi ko magawang makasilip sa labas.
Nabasag nalamang ang katahimikang ng biglang may tumunog na musika na nanggaling sa speaker.
Tomorrow morning if you wake up and the sun does not appear... I will be here...
Nakita ko nalang na bumubuhos ang luha sa mata ni Jaimielle. "Oh, bakit ka umiiyak? Bakit? Naku kang bata ka! makakalabas naman tayo rito e. Ikaw talaga." mas lalo pa syang umiyak dahil doon.
"t-Tay , h-hindi naman d-dahil doon k-kaya a-ako umiiyak, umiiyak ako dahil ang dami ko pong naging kasalanan sa inyo." nahihirapang sabi ni Jaimielle.
"anong pinagsasabi mo. Tumahan ka na nga. Naka mamaya makita ka pa ng mga kaeskwela mo sabihin iyakin ka. At tuksuhin ka pa dahil sakin."
"Tay, yun na nga e. Wala na akong pakialam sa kung anong sasabihin ng iba ang importante ay kayo ang tatay ko. Gusto ko lang humingi sa inyong ng maraming patawad dahil sa kamalian ko sa pagtrato sainyo simula noong mawala si Nanay. Ang laki ng naging kasalanan ko. Ikinahiya ko ang taong naging rason kung bakit ako nandito. Ikinahiya ko ang tatay ko na nandyan lagi at handang suportahan ang lahat ng gusto ko kahit na nahihirapan na sya ng husto. Alam ko pong hindi lang sakit ng katawan ang lagi nyong iniinda pag dating sa bahay pero alam ko rin po na maging ang puso nyo sa sobra na ring nasasaktan dahil sakin. Kaya, sorry po tatay sa mga asal ko na ipinakita sainyo. Sorry po." pinunasan ko ang luhang lumalandas sa kanyang pisngi.
"wag ka nang umiyak 'nak kahit hindi ka naman mag-sorry papatawarin parin kita." nangingilid narin ang luha ko ng yakapin nya ako. Ang tagal na panahon ko ring hinahap ang malambing na si Jaimielle. Manang mana talaga sya sa kanyang ina.
"Kahit ano pa ang gawin mo 'nak. Tatay mo parin ako na laging sumusuporta sayo. Ikaw nalang ang kayamanan ko. Mahal na mahal kita anak."
"Mahal din po kita tay at sorry po sa lahat lahat.Kayo po ang nag-iisang Top Serve ng buhay ko."
Wakas
Leave a vote and comment.
![](https://img.wattpad.com/cover/71491311-288-k809702.jpg)
BINABASA MO ANG
Top Serve (Complete)
Short StoryMa-rerealize mo kung sino ang Top-Serve ng buhay mo.