Chapter 2

2 0 0
                                    

LOVE IS PATIENT........

-----
Grace Pov

Napakadaming paper works.
Puno ng catalogs, magazine,
at iba pang halo halong papel na hindi ko maintindihan..
Seriously lahat ng to aayusin ko???
Ang saklap naman. huhu. +_+

nagtataka siguro kau kung bakit. ganito kasi nangyari.

Flashback.........

Huminga muna ako ng napakalalim para mabawasan kahit pano ang kaba ko pagkatapos kumatok na ko sa pinto ng opisina ng magiging boss ko daw.

tok. tok. tok.

walang nasagot.

Teka isa pa nga.

tok.tok.tok

wala pa din sumasagot. Ano ba yun. Nang tangkain kong buksan nalang nagulat ako ng biglang kusang bumukas ang pinto at may lumabas na umiiyak na babae.

' Hala ka ano yun?? Mali ata akong pinasukan ah'
bulong ko sa sarili.  Kinabahan ako sa nakita ko. Naalala ko ang sinabi ng interviewer sakin Monster daw ang magiging boss ko kaya tinanong nya ko kung kakayanin ko ba daw ang ganun.

"Are you Ms Pangilinan?"

Nagulat ako sa nagsalita. Napaka manly ng boses nya. Buong buo at parang puno ng powers.

Lumingon ako sa nagsalita di ko namalayan na nakaiwang bukas ang pinto dahil sa babaeng lumabas.

Napanganga ako sa lalaking nasa harap ko. Totoo ba to?? Eto yung monster na tinutukoy nila??

Napaka amo ng muka nya. Singkit ang mga mata, ang tangos ng ilong at maliit ang mga labi.

mygawwdd!! Nasa langit na ba ako at nakakakita ako ng anghel??

"I said are you Ms Pangilinan?"

Bumalik bigla ang kaluluwa ko sa pagsigaw nyang yun.

"ah, eh, yes babe, ay sorry ser"
shocks nakakahiya ako. Pautal utal ako baka sabihin nito attracted ako sakanya. Totoo naman. hahahaha.

"Your late!"

huh? napatingin ako sa relo ko. Teka 5minutes palang naman ang lumipas . Di ba laging may grace period na 15 mins???

"Im sorry ser" nakayukong sabi ko. Ako na nagpakumbaba baka mabeast mode to sakin ei first day ko pa naman bilang marketing assistant/ secretary.

" kung lahat nadadaan sa sorry bakit may pulis! "

napaangat ako sa sinabi niya. Nagbibiro ba sya? pero napaka seryoso ng muka niya ng makita ko kaya sumagot nalang ako.

"ahh, kasi po hindi lahat deserving patawarin. Kailangan sila maparusahan?"

"Exactly Ms Pangilinan! Buti naman alam mo yan, and as your punishment sa pagiging late linisin mo ang cabinet na yun."

Itinuro niya ang isang napakalaking metal cabinet na kala mo ilang libong taon ng hindi naayos.

"Huwag kang aalis ng hindi maayos ang lahat ng niyan. At dapat pagbalik ko nakaorganize na ang mga yan."

Kinuha niya ang laptop niya at tumayo sa kinauupuan niya.

"At isa pa. pakilinisan na din ang office ko."

Seriously anong inapplyan ko marketing assistant ba talaga o janitress??? Ni hindi ko man lang alam kun san ang magiging pwesto ko?? Ganun lang yun? umalis na agad sya? Hindi ba niya ko tatanungin ng kung ano ano??? katulad ng Kung may boyfriend na ko o wala? Di nya ba tatanungin??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon