Ambilis talaga ng oras malapit na palang mag awasan.
San kaya ulit makatambay? Ayoko munang umuwi kahit pagod na ako dahil wala rin naman akong
makakasama sa bahay dahil kami lang dalawa nung tita ko sa bahay at kapag aawas na ako papasok
naman siya kaya di kami masyadong nagkikita.
Ayun ang tanging communication lang namin ay ang Sticky Note na dinidikit namin dun sa may
White Board sadyang nagpagawa siya ng ganun para pag may sasabihin kami sa isa't isa di na
kailangan itext pa, mahal ang load syaka sayang lang wala naman akong itetext kundi si tita lang
mahal nga ako ng TNT at TM eh lagi nila akong tinetext at nagpapaalala HAHAHA SINGLE BE LIKE :D
Ah! Alam ko na sa park na lang pala ako pupunta para naman malibang libang ako kahit sandali pag kase nasa park ako feeling ko bata pa rin ako dahil yung mga batang nakikita kong naglalaro dun at nagtatawanan at masasaya minsan nga sinasabi ko sa isip ko bakit di pwedeng forever bata na lang yung feeling na wala kang problemang Iniisip. Pero naiisip ko rin na wala nga palang FOREVER kaya tatanggapin kong di na ako pupwedeng maging bata forever! :)
Bye tito uwi na po ako. - Ako
Sige mag ingat ka ha. - Tito Jade
Hahaha tito naman sabi ng sila ang mag iingat sa akin :D - Ako
Palabiro ka talagang bata ka sige bye- Tito Jade
Ano ba yan Tito pati ba naman ikaw iiwan ako, pagod na akong maiwan at masaktan lalo nat yung taong aalis ay yung taong minahal mo ng tapat at totoo. Pwede po bang kahit minsan isipin nyo yung mararamdaman namin bago kayo umalis wag naman kayong pabigla bigla yung feeling na iiwan mo na lang ako sa ere pagkatapos mo aking pasayahin at pakiligin - Ako
Hala kang bata ka? Kumain ka ba kanina? Kung ano ano nanamana ng sinasabi mo - Tito Jade
Joke lang sige po bye tito - Ako

BINABASA MO ANG
"Surreptitious Affection"
Teen FictionLove is would be like the solar system. There are a bunch of planets that can represent people. And then of course gravity holds them together. And gravity is sort of like love. No matter how far apart people are, love can hold them together.