Keisy's POV
Nandito kami sa canteen, nakakacurious talaga yung si Jeifer e. Basta friends na kami hehe.
"Ano kakainin nyo?" tanong saamin ni Camila
"Libre mo?" kuminang naman yung mga mata ni Janice
"Gaga, asa ka, ako oorder kkb, 'summera 'to" binatukan nya si Janice at inirapan, binelatan lang sya ni Janice at sinabi ang order.
Nag away ang mga bata.
inorder ko ko lang is Burger at Drinks, tutal breakfast pa lang naman.
Pinalabas muna kami matapos yung nangyari kanina. First day pa lang naman daw so pwede pa.
"Hello Keisy" napatingin naman ako sa tumawag saakin. Napataas kaagad ang kilay ko.
'Sino ba 'tong unggoy na 'to? Kala mo close kami'
"......" di ko sya sinagot, bakit? tanong ba yun? Di naman.
"Ano Keisy beybs, ano gusto mo kainin? Ha?"
Ay kabadtrip. Isa pang babes ne'to, malilintikan na 'tong hinayupak na unggoy na 'to e.
"Bey-----"
"Fudge!!! Di ka ba titigil sa kakatawag saakin ng babes na yan?!" nagulat naman sya.
"Boy-----beyboy, sasabihin ko, a-ano sabi ko nga bibili na lang ako ng adobong baboy para ulam ko, s-sige bye!" kumaripas ng takbo yung unggoy. Buti naman. Aba. Kala mo kung sino.
"Iba ka talaga Keisy" sambit ni Camila, kakabalik nya lang galing counter, kinuha ko kaagad yung burger at drinks ko. Agad akong sumubo.
I. Dont. Give. A. Shit
"Alam mo naman ako, galit ako sa haliparot, nakakadiri" sambit ko at kumagat sa burger.
Kumain lang kami at nang matapos kami ay naglakad na patungong classroom ang mga paa namin.
"ANO! LUMABAN KA NGANG BABOY KA!!? ANO?!"
Napatigil kaming tatlo dahil sa kumpulang nagaganap sa may tapat ng flag pole ng school.
Lumapit kami dun at nakita ko yung lalaki kanina, yung mukhang unggoy, may binubully na naman. Hay nako. Sarap iumpog 'to sa harap ng puno ng matauhan at bigla na lang umakyat sa taas ng puno at nag 'oohh ohh - ahh ahh'
"ANO! LUMABAN KA! T*NGINA MO PALA E! MANGAAGAW! IKAW NA BABOY KA PINANSIN KAAGAD AKO NGANG MASKULADO HINDI! MALANDE!!!!!"
Susuntukin na sana nya si ------ wait sino ba 'to? Nagtingkayad ako para maaninag kung sino.
FUDGE!!!! ANONG GINAGAWA NG UNGGOY NA 'TO SAKANYA?!
Binangga ko lahat ng tao para makadaan ako at mapunta sa harap.
"HOY! ANO YAN!" sumigaw na ko sa galit
"ANO SA TINGIN MO 'YANG GINAGAWA MO?! ALAM MO NAMANG TRANSFEREE LANG SYA DITO TAPOS TATRATUHIN MO NG GANYAN? HA? SINO KA BA? AT ANO NAMAN GINAWA SAYO NI JEIFER PARA IKAPUTOK NG BUCHI MO YAN?!" natahimik sya at yung mga tao sa paligid. Nagsimula silang mag bulung-bulungan. Pinapakalma ako ni Janice at Camila pero di ko sila pinansin at nagsimula ulit magsalita
"AT ISA PA?! ANO NAMAN KUNG BABOY SYA AT MASKULADO KA?! KUNG PANGIT NAMAN UGALI MO DI KA TALAGA MAPAPANSIN NG BABAENG SINASABI MO! MAS BUTI PA ANG HAYOP, UGALING TAO, KESA SA TAONG UGALING HAYOP!!! MAGHANAP KA NANG MAPAGTRIPAN AH?!" nanlilisik na ang mga mata ko.
"S-sorry Kei-keisy-----" di ko sya pinatapos "WALANG SORRY SAAKIN, SAKANYA KA DAPAT MAGSORRY!" sabay turo ko kay Jeifer.
Ngayon ko lang napagtanto na ang dumi na ng uniform nya, puro bakas ng sapatos at may pasa sya sa mukha at dumudugo ang labi nya sa gilid.

BINABASA MO ANG
My Fatty Lover -On-Going-
RomanceNa-achieve ko ang goals ko, isa na lang ang kulang, yun ay ang LOVER ko, yung magmamahal saakin ng buong buo. Kahit pa mataba ako. (c)May2016