Pangatlo

32 0 0
                                    

Jeifer's POV

Mataba man ako sainyong paningin, okay lang, wala na 'kong pake sa kahit ano pa ang inyong sabihin, basta ako, masaya na 'ko dahil may kaibigan na 'ko na tanggap ang ano man ang itsura ko.

Parang tula lang ah.

Kaibigan?

Oo. Kaibigan ko si Keisy. Ang bait at ang ganda pa. Maswerte ako sakanya.

Mahal?

Oo naman. Mahal ko sya. Kasama yun sa pagkakaibigan e.

Pero, di ko alam. Naguguluhan ako sa nararamdaman kong 'to. Mahal ko na ata si Keisy matapos ng ilang buwan na kami'y magkasama.

Sinubukan ko namang pigilan, kaso ang hirap, ang hirap hirap, lalo na kung masyado na syang attach saakin.

Gusto ko man umamin kaso nato-torpe ako, mataba na nga ko't pangit, ano pang pag asa ko sa isang Keisy Camille Jung?

Wala

Mahirap umasa, kaya sa lahat ng mga ginagawang move ni Keisy na masyado akong nagkakaroon do'n ng pagasa ay di ko na itinutuloy, iniisip ko na caring lang talaga sya at sweet, nothing more, nothing less, ngayon pang si Duterte na ang presidente. Ayaw ko syang makulong dahil lang sa iniisip kong paasa sya.

Teka, ba't nasali si Duterte? Duterte tapos sa South Korea? Ay nako. Lutang na 'ko

Ayaw kong umamin sakanya, masakit kasi mareject pero shete, ewan ko talaga!

"Jei-jei!" pamilyar na ang boses na iyon saakinq

"Kei..." tawag ko sakanya nang makalapit sya saakin.

Sa sobrang close namin yan na ang tawag namin sa isa't isa

Nakita kong kumunot ang noo nya at may bakas ng pag aalala ang kanyang magagandang mata.

"Uy, may problema ka ba? Mind to share it?"

Sasabihin ko ba? Sige na nga. Ang hirap din itago e.

"Kei.."

"Oh?" sagot nya saakin

"Nagmahal ka na ba?" tiningnan ko ang itsura nya. Ngumiti sya bigla at parang may iniisip na malalim.

"Oo" sagot nya nang nakangiti

Ang swerte naman ng mahal ni Keisy.

Hinawakan ko yung dibdib ko, parang may tumutusok kasing karayom, masyadong masakit.

"Oh, okay ka lang ba?" ay nakita nya pala. Tumango lang ako at ngumiti.

"Ba't mo pala natanong?" tanong nya saakin.

Ito na sasabihin ko na talaga. Wooh.

"May nagugustuhan kasi ako"

Napalunok sya.

"S-sino?"

"Ikaw"

Ayan yung gusto kong sabihin.

Pero ngumiti lang ako sakanya at "ang hirap ng sitwasyon ko Kei" binago ang topic

Aish! Di ko kayang umamin e! Nauurong dila ko.

"A-ahh ganun ba? Ano bang nangyari?"

Baka kasi di mo 'ko magustuhan

"Di ko kasi alam kung gusto nya ba ang chubby haha" tumawa ako ng peke.

Napangiwi si Kei at parang may binulong.

"May sinasabi ka Kei?"

Lumingon sya ng mabilis saakin at umiling.

"A-ano aalis na pala ko Jei-jei!" tumango ako at tumayo sya galing sa pagkakaupo sa tabi ko "s-sige! Bye!" Tumakbo sya palayo.

My Fatty Lover -On-Going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon