Keisy's POV
Ilang buwan ang nakakaraan, ilang buwan na din ang sine-celebrate namin ni Jei.
Masaya ako kasi kahit gaano karami yung taong may ayaw sa relasyon namin ay ganoon din karami ang dahilan para hindi bumitaw sa isa't-isa.
Sa pag-daan ng mga buwan na iyon, alam ko kung ano ang kahinaan at kalakasan ni Jeifer.
Ako.
Napakaselfish man, yun ang na-observe ko.
"Kei, sure ka bang gusto mo bang sumama talaga sa akin? Baka mabigo lang kita."
Nandito kami sa apartment na tinutuluyan ko, madalas si Jeifer dito at masasabi kong napakabuti ng kanyang puso at napakalaki ng respeto niya sa akin at mahal ko siya.
"Oo naman! Tsaka kayang-kaya mo yan! Ikaw pa!" sabi ko sa kanya at sabay kindat.
Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Anong ibig sabihin ng pag-buntong hininga na yan? May problema ba?"
Wala akong sagot na nakuha, pero napakasweet ng natanggap ko.
Isang halik.
"Nako! Gusto mo lang magpalibre eh!" natatawang saad ko sa kaniya
"Ano?! Hindi ah!" napakacute talaga ng baboy kong jowa.
"Mahal na mahal kita, Kei"
Napangiti ako "Mahal na mahal din kita syempre!" 'di naman ako magpapatalo noh!
*ringing*
"Sagutin ko lang ah?" tumango naman siya sa akin at tinuloy niya ang ginagawa niya.
Janice Calling....
[Hello, Keisy! Kumusta ka, yung vacation?]
Namiss ko naman sila!
"Mabuti naman, ikaw ba? Ingat ka jan ah! Aminin ko man o hindi, miss ko na kayo ni Camila!"
[Sus! Kunyari ka pa! If I know hindi naman, kasama mo naman boyfriend mo eh]
Nag-drama ang bata....
"Ewan ko sayo! Hahaha, basta see you sa pasukan!"
[Hahahaha oo na! Kinumusta lang talaga kita, btw! I miss you too!]
"Pasalubong!! Hihihi"
[Psh! Oo na sige na, tinatawag na ako ni Mommy. Bye!]
"Okay, ingat bye!"
"Sino yon?" tanong ni Jei.
"Si Janice, nangumusta"
Tumango naman sa akin si Jeifer. Alam ko naman na nammroblema yan about sa something related to his dream. Wala akong balak siyang pigilan dahil mahal ko siya at gusto ko siyang sumaya.
------kinabukasan------
"Ayos na ba ako? Kinakabahan ako! Mukha ba akong presentable? Kei!!! Ano gagaw------ aray!"
"Sorry! Hahahaha, bakit ba naman kasi kinakabahan! Kayang-kaya mo naman pataubin yung mga tao na nakapila din!"
Nandito na kami sa pag-audition-an niya na entertainment. Yes, gusto niya maging Idol and I can see that he deserve to be those idols.
"Baka 'di ako tanggapin, alam mo naman yung appearance ko" malungkot niyang sabi.
"Akala ko ba may training?! You could lose weight! Wag kang sumuko dahil lang dun, wag silang kumuha ng trainee nila na puro appearance lang wala namang talent, they can't waste that kind of talent of yours!"
BINABASA MO ANG
My Fatty Lover -On-Going-
RomanceNa-achieve ko ang goals ko, isa na lang ang kulang, yun ay ang LOVER ko, yung magmamahal saakin ng buong buo. Kahit pa mataba ako. (c)May2016