Prologue

18.2K 390 8
                                    


"Hindi naman siguro masamang mangarap. Isa lang naman ang pangarap ko. Ang makamtan ka"

Isang malakas na tawa ang bumuga sa bibig ko dahil sa hugot ng best friend ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla bigla syang humugot ng ganun. Pinag uusapan kasi namin ang tungkol sa work ko tas biglang pasok sa usapan ang boyfriend nya.

"Anong nakakatawa don?" mataray na tanong ni Bianca. Sya ang best friend ko.

"Lahat ng yon. Anong pumasok sa isip mo bakit ka biglang humugot ng ganon?" natatawa ko pa rin na tanong.

"Just repeating his 'words' Rhian." quote and unquote nya.

"Tigilan mo ko Bianca. We were talking about my newly work at sa kompanya na pinag tatrabahuhan mo yon. So, I need your answer if yung boss ko ay mataray" sabi ko. Kasi yun ang tanong ko. Nag apply ako sa GLRA Co. then hired naman ako agad. Doon din nag t-trabaho si Bianca. Yun nga lang nasa Executive Department ako kung saan laging na doon ang President ng company. In short secretary ako.

"Gusto mo talaga malaman? Very well, ito na sasabihin ko sayo." She decided. She cleared her throat first. "Mabait sya. Maunawain, hindi masungit. Hindi suplada. At hindi mataray." She stated. Habang sinasabi nya yon lalong lumalapad ang ngiti ko.

"Talaga?!" Hindi ko makapaniwalang tanong. Kung ganito ba naman ang magiging boss mo, mas ayos!

"Joke!"

Huh?

"Kabaligtaran ng sinabi ko ang ugali nya. Kaya nga tinanggap kang secretary kasi she fired the last secretary na na-hire noong isang linggo lang." sabi nya at seryoso sya don.

"Hindi nga?" kabado kong tanong. "Yup. Kaya good luck." Nakakaloko nyang sagot at parang nakakainsulto ang dating.

Oh no. Buti pa si Bianca hindi nya makakasama ang Ms. President nilang yun. Kasi si Bianca nasa Credit and Collection Department. Supervisor sya don. Running for Manager ang posisyon nya. Paano pasado sya ng CPA. 1 take lang. Eh ako kailangan ko pang ituloy ang ACCT. TECH ko to Accoutancy para makapag take ng CPA. Eh sa ngayon kailangan ko ng trabaho. Kahit na kinukuha na ako ni Dad para mag trabaho sa kompanya nya, mapilit ako na kailangan ko muna mag trabaho sa iba para mas matuto ako.

"I think familiar sya sayo" dagdag pa nya bago mag sip ng juice nya. Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. Familiar man o hindi tapos ganon ang ugali baka hindi ako magtagal. Hay, bahala na. Panindigan mo to Rhian. Kailangan mong maging handa at alert. Baka ipa-chop chop ka nalang nya bigla bigla kapag nag kamali ka.

"Wew. Grabe ka naman Rhi. Hindi naman ganon kasamang boss si Ms. President" biglang sabi ni Bianca.

"Huh?" curious kong tanong.

"Ipa-chop chop? Seriously? Mataray sya pero hindi sya evil. She's just a bitch." sabi pa ni Bianca. Ano bang pinag sasabi nito at bakit alam nya ang iniisip ko.

Oh My God! Hindi kaya mind reader na ang best friend! Oh no!

Nasa ganon akong pag-iisip ng may tumapik sa noo ko. Walang iba kundi si Bianca. Sya lang naman ang kasama ko.

"Aray! Bakit mo ginawa yon?!" inis na tanong ko. Sapo-sapo ang noo ko.

"Kung ano ano kasi yang iniisip mo. Hindi ako mind reader. Masyado lang talaga malakas ang boses mo at parang hindi day dream ang ginagawa mo kasi lumalabas ang boses mo." mataray nyang sabi sa akin.

"Tse!" irap ko.

Basta bukas kaya mo yan Rhian. Katulad ng sabi ni Bianca, she's just a bitch. 'Just' it means sisiw lang sa akin yan. Why? Ang dami ko nang nilabanan na BITCH noong high school. I mean hinarap ko lahat ng pag subok at pang aapi ng mga bitch sa akin noon. At hindi ako nag patalo, by means-hindi ko sila pinapansin. Kasi pag pinansin ko sila lalo nila ako bu-bully. Pero may isa talaga na sobra akong iniinis. Kahit na anong gawin kong hindi pag pansin sa kanya sa mga bully nya. Hindi nya pa din ako tinitigilan. Pero nag pasalamat ako ng gumaraduate na sya. Kasi Senior sya non, at junior pa lang ako.

Hindi ko naman sila masisisi kung bakit bully ang abot ko sa kanila. Why, kasi chubby ako non at lagi nila ako iniinsulto. Anyways, Ayoko na balikan, masyado lang nakakainis.

Very well, kailangan kong mag handa bukas at maging alert sa mga iuutos nya. Good Luck sayo Rhian. Kaya mo to.

Beautiful Bitch BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon