Chapter 5

9.3K 364 36
                                    


(Rhian)

"Aarrgghh!" I groaned. Hindi ako mapakali sa hinihigaan ko. Kanina pa akong higa/bangon, turn left, turn right hindi pa rin ako makatulog.

Paano ba naman kasi hindi ako makakatulog, bawat sa pag pikit ko si Glaiza ang nakikita ko. I mean yung ngiti nya. First time ko yata syang makitang ngumiti na pati ang mata nya ay may halong saya. Yung scene kanina na humingi sya ng tubig. Ngiting ngiti sya, kahit na nakipag sagutan sya sa mga relatives nya.

Napagkamalan pa akong stalker dahil alam kong warm water ang iniinom nya kapag stressed sya. Eh sa lagi ko kayang nakikita na yun ang kinukuha nyang tubig sa H.S noon. At FYI, katabi lang kaya ng room namin ang dispenser na kinukuhanan nya ng tubig.

Nag death glare pa sya sa akin dahil naging slow pa ata ako kanina. Lumabas ako pero pinabalik nya kaagad ako at don muna daw ako sa loob. Gusto daw nya ng kausap pero hindi nya ako kinakausap.

Kaya dinala ko nalang sa loob ng office nya ang mga papers na ginagawa ko. Okay lang naman daw sa kanya basta may kasama sya sa loob. Ayaw nya daw ng nag-iisa. Ngumiti nalang ako sa kanya kahit feeling ko nakatitig sya sa akin all the time habang ay ginagawa ako. Ayaw ko naman maging assumera baka matarayan ako ng wala sa oras.

Pero nag taray pa rin sya pero hindi sa kundi kay Ms. Kat nang pumasok ito sa loob.  May inabot lang sa akin, sinupladahan agad ni Madam Bitch, "Lumabas ka na. Nababadtrip ako sa mata mo" pero syempre hindi papatalo si Ms. Kat, sumagot sya ng "Mas nakakainis yang mata mo. Mukha kang kwago sa umaga. Bwiset!" sabay bagsak ng pinto. Natawa naman ako kasi para lang silang mga bata na nag aaway. Tumigil nga lang ako sa pag tawa ng mapansin kong ang sama nya tumingin sa akin. Ano ba yon, KJ eh.

Pero nakaka-tense ang mga pangyayari kanina. Yung sagutan, mga kakaibang sagot nya at parang hindi nya tatay ang kausap nya. Ayaw nya mag patalo. Ang talino nya lagi nalang sya may sagot.

Naramdaman ko rin ang mga kamay nya na nakahawak sa wrist ko. Natigilan pa nga ako kasi may iba akong naramdaman. Parang kanina lang nya ako nahawakan ng ganon katagal.

Mag hahanda na ako ng payong, kapote at bota baka kasi umulan at bumagyo dahil sa mga pag ngiti ngiti nya. Girls gotta be prepared. Hehe. Jk lang.

Napapitlag naman ako ng mag vibrate ang phone ko. In-open ko at unknown ang nakalagay.

Unknown

9:43

>Hi, midget!

Midget? Sino to. Makapag text ng MIDGET akala mo si Glaiza.

Wait.

Hindi kaya si Glaiza to? No way, kasi hindi ko pa naman kinukuha ang number nya. At hindi nya kinukuha ang number ko.


9:44

Sino to?<

Reply ko. Ano bang oras na? Hmm. 9:45 na. Ang gabi na pala.
Nag vibrate muli ang phone ko.

9:45

>Your boss

Shit si Glaiza nga?! Anong rereply ko. Walang ano ano, nakapag type ako ng ikatataray nya.


9:46

Hinda nga?<

Ang tanga lang Rhian. Napaka unprofessional mo sumagot. Pumikit nalang ako sa susunod kong mababasa. Pero syempre mumulat ako para mabasa ko. Hehehe.

Beautiful Bitch BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon