Chapter 37

5.2K 210 68
                                    

A/N: Prepare yourselves guys. Hindi ko alam kung magugustuhan nyo yung events...

P.S DON'T SKIP!

. . .

(Rhian)

"I'm fine okay. Nasa banyo si Glai" naiinis na sagot ko kay Ate sa skype. Bored na bored akong tinitingnan sya.

Gusto nya lang kasi ako kamustahin. Okay naman ako. Ang sabihin nya lang may gusto syang malaman o may machika ako sa kanya sa mangyayari sa amin ni Glaiza.

"Oohhh, naliligo." Malisyoso nyang sabi. Kaya nanlaki ang mata ko at pinandilatan sya.

"Ang halay mo!" Sabi ko. Kung katabi ko lang sya, matagal ko na syang nahampas. Ugh! Ang halay eh!

"Anong mahalay don?" Nang aasar na tumatawa ang Ate. Grr. Painosente pa talaga sya eh. "Inulit ko lang ulit yung sinabi mo" natatawa pa nyang sabi.

Ang galing nya talaga mag palusot eh. Pero sa totoo lang, nabeberde talaga ako sa sinabi ni Ate. Yung itsura pa lang kasi ni Ate, mahalay na.

Narito na kami ni Glaiza sa kwarto, I mean sa resort. Mabilis kaming nakarating, mga alas otso. Tapos ngayon naman, pasado alas dyes na ng gabi at yon nga naliligo si Glaiza. Pagkarating kasi namin, cellphone na ang hinagip ni Glaiza. Ang daming tumatawag sa kanya. Yung mga ka negosyante nya na hindi nakapunta kino-congratulate sya. Panay naman ang thank you nya. Tapos, mayamaya tungkol na sa trabaho ang pinag-uusapan.

Nainis na nga ako sa kanya. Kasi imbes na matulog na kaming dalawa, ayon puro trabaho pa ang iniintindi.

Matulog nga ba talaga gusto mo?

Oo! Bakit ba? Pagod na ako. Gusto ko ng matulog. Utak ko talaga mahalay din eh.

"Rhi?" Pukaw ni Ate. Tumaas ang kilay ko. "Ano?" Tanong ko. Sumipat ang leeg ko ng marinig kong may nag sarado ng pinto. Si Glaiza. Tapos na syang maligo.

"Hi" nakangiti nyang bati, nagkukuskos sya ng kanyang buhok gamit ang isang tuwalya. Nakatapis sya ng tuwalya. Imbes na bumati din ako natutop ang mga labi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buo nyang katawan. Parang nag i-slow motion ang bawat galaw nya. Ang mga tubig na tumutulo ay mabagal na bumaba mula sa kanyang pisngi patungo sa leeg hanggang sa balikat.

Napalunok ako at umawang ang bibig ko. "Aba aba Rhian Denise Howell! Isusumbong kita kay Mommy! Ganyan ka ba patay na patay kay Glaiza?! Halos tumulo ang laway mo?! Anong nakikita mo ha? ha? Patingin nga din ako!" Tuloy tuloy na sabi ni Ate. Nakop! Oo nga pala, kausap ko pa pala si Ate sa skype.

Daglian kong pinindot ang end call at sinara ang laptop. Para akong tanga na umayos ng upo habang awkward na nakatingin kay Glaiza.

"Sino yon? Ate mo?" Nakangiti na tanong ni Glaiza. Umupo sya sa kama. I don't know kung ako lang talaga ang nakaka pansin ng pag ka husky ng boses nya o sinasadya nya yon?

"Y-Yes..." Sagot ko.

Ano na Rhian? Kaya pa?!

Nakangiti pa rin si Glaiza. Yung ngipin nya talaga nakalabas. "Eh bakit mo i-nend?" tanong nya. Hindi talaga nawawala ang ngiti nya.

"Ah eh k-kasi..." Uutal utal na sabi ko. Ano bang isasagot ko?

"Ano?" ngiti pa rin nyang tanong. Tangina Glaiza! Ano bang ngiti yan! Nakakaakit na!

"Ano? Rayray c'mon. I want to know what you and your sister talked about." Sabi nya. Ipinatong nya sa kama ang tuhod nya at binent yon, habang isang binti ay nakababa. Don, napunta ang atensyon ko. Lalo na sa nagawang butas ng tuwalya sa pagitan ng hita nya.

Beautiful Bitch BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon