Chapter 35

4.6K 191 62
                                    

(Rhian)

"May pagkakataon ka pang tumakas!" Parang ewan na sabi ni Bianca. Nakasuot sya ng damit pang-abay. Gusto ko sya ang Maid of honor ko kaya sya ang kinuha ko.

"Ikaw din, may pagkakataon ka pa din umurong sa plano mo" baling ni Chynna kay Bianca na nakapag pakunot ng noo ko. Anong pinag sasabi ni Chynna?

Tiningnan ko si Bianca na pinanglalakhan ng mata si Chynna. Nag gegesture pa na wag itong maingay.

"Anong plano?" Tanong ko. Defeated na ngumiti si Bianca sabay kamot ng ulo.

"Eh kasi...Rhi." Sabi nya, di maintindihan kung itituloy ang sasabihim oh hindi.

"Eh kasi ano?" Mataray kong sabi.

Nabubwiset nyang kinamot ang braso nya bago inirapan si Chynna. "Ito kasing pandak na to eh, ang ingay ingay"

"Ganito kasi yon..." Muling huminto sa pag sasabi si Bianca. Nag iisip pa ito ng pwedeng alibi kaya tumingin na ako kay Chynna.

"Itatakas nya si Mandy mamaya. Dadalhin sa Tagaytay"

Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Bianca.

"What the!... Kailan ka pa natutong mangidnap?!" I can't believe she's going to do that! Sa tagal ko nang bespren sya, hindi sya ganyan kadesperada. To think na may boyfriend sya, pero kahit kailan hindi ganyan ang isip nya. In short hindi sya ganong patay na patay sa isang tao. Take note, babae pa at si Mandy.

"Mag explain ka, Bianca!" Inis kong sabi sa kanya. Matapang ko syang tinitigan.

"Noong napag desisyunan kong kidnapin si Mandy, last tuesday. I already kidnapped her. Dinala ko sya sa isang resort" defeated nyang paliwanag.

Seriously?

Umawang ang bibig ko at hindi pa din makapaniwalang tinitingnan sya.

"Don't worry nag date lang kami, sa Laiya" pag lilinis nya ng info. Asus nag linis pa sya ng pangalan nya. Kinidnap nya si Mandy. PERIOD!

"Anong kinain mo at bakit mo ginawa yon?" Naguguluhan kong tanong.

"Ayaw nya akong kausapin eh" she innocently answered.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, tinamaan ka ba kay Mandy?" Tanong ko. Nag pout sya, sabay tango na parang nahihiyang bata.

"Hindi ko akalain bes. Dahil sa pag kakatanda ko may boyfriend  ka at mahal nyo ang isa't-isa." I stated, which is true naman. Ang alam ko may bf sya well, unless naghiwalay sila.

"We broke up" she stated. That surprises me.

Hindi agad ako nakasagot kaya hinintay ko syang mag salita ulit.

"Niloko nya ako eh. Matagal na pala nya akong niloloko." Malungkot nyang sabi. Kitang kita pa din sa mata nya ang sakit.

"Kailan pa to?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti sya ng tipid bago mahinang sumagot.

"Noong isang linggo lang, nakita ko sya sa bar na pinuntahan ko at naroon sya, may ibang babaeng kahalikan"

Tumayo ako at niyakap sya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" Tanong ko.

"Dahil alam kong hindi mo rin mapag tutuunan ng pansin ang mga kkwento ko sayo, lalo pa't punong puno ng 'GLAIZA GALURA' ang utak mo" natatawa nyang sagot at may qoute at unqoute pa ng daliri.

"Interupt ko kayo ha. Pero mag-i-istart na eh" sabi ni Chynna na nakadungaw sa pinto ng silid na pinag titigilan ko kanina pa. Hindi namin napansin na umalis pala sya kanina.

Beautiful Bitch BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon