First Friend and first crush

171 11 15
                                    

ALISON

Papasok na ako sa school ngayon at syempre nagdala ako ng mga extrang damit baka mabully nanaman ako.

Ayaw ko naman silang patulan e dahil
Baka pag lumaban ako madetention pa ako at malaman nila mommy mag aalala pa sila.

Ginawa ko na ang everday routine ko at nagpaalam na kay Mom.

Sumakay na ako sa bus.

Pero may pumatid sa'kin, si Louis.

Hindi ko nalang pinatulan at naupo na ako sa isang bakante.

Nakatingin lang ako sa may bintana pero diko maiwasang mainis.

Pinagtatawanan nila ako hindi ko alam kung bakit.

"Hey transferee!" May tumawag sa'kin. Wala lang feeling ko ako e.

Paglingon ko, yung Louis lang pala.

Tapos may hawak syang pie at isinalampak sa mukha ko.

Lahat naman ng students nagtawanan.

"Loser!" Lahat sila 'yan ang pinagsasabi.

Pinunasan ko nalang ng towel yung mukha ko.

Tapos maya maya pinagbabato na 'ko ng mga crumpled papers. T*ngina naman. Mga monggoloid ba 'to.

"Loser!" Sigaw uli nila pero 'di ko nalang sila pinagtuunan ng pansin.

Sanay na rin ako nabully narin naman ako dati pero tingin ko mas malala 'to. Buong students ba naman against sa'kin.

Nakarating na kami  sa Hallow High.

'Di muna ako bumaba dahil nagiging wild nanaman sila. I wonder kung mahal ba sila ng mga magulang nila.

Bawat daan nila sa may pwesto ko isang sipa ang natatanggap ko. Puny*ta kayo.

At pagsasabi ng 'loser'.

Nang nakababa na lahat sa bus tumayo na 'ko.

Pagkalakad ko may isang tumayo sa kinauupuan niya kaya nagkabanggaan kami.

Nakita ko siya, si Zayn.

Napayuko ako dahil akala ko magagalit sya o kung ano pero hindi.

"Sorry" sabi nya sabay alis.

Tingin ko hindi siya katulad ng mga kaibigan niya o baka nasa loob ang kulo? I don't know.

Pumasok na 'ko.

May bigla nalang umakbay sa'kin.

Ang leader ng mga bully, si Harry.

"Hi babe " sabay bitaw niya sa'kin at umalis.

Ano daw? Bakit niya ko inakbayan?

And what? Babe? Anong pakulo 'yon king*na.

Maya-maya habang naglalakad ako may sumapak sa'kin at sinipa ako.

What the hell! Ang sakit no'n.

Tapos may mga babae namang pinagsisipa ako sa paa.

"Ano ba!" Sigaw ko.

Saka umalis na sila.

Oh geez, alam ko na kung bakit nya 'ko inakbayan kanina.

Tinignan ko yung likod ko may papel.

Nakalagay 'Punch and kick me please'.

Kotang-kota na sila pambubully sa'kin ha.

Nakayuko lang akong pumasok sa room. Badtrip. Kalma lang Ali kalma.

The Hot Bully [Harry Styles fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon