chapter 2

1 0 0
                                    


Chapter 2

Oi shea! Anong pumasok sa kokote mo ha! Binalita pa sa t.v na tumalon ka sa building ng SM? Hindi mo ba alam na kahihiyan yang ginagawa mo? Pag nalaman to ng mama at papa mo naku nalang bata ka!

Sabay pasok sa kwarto ko. Pauwi palang ako kanina naka ready na yung tenga ko para sa sermon ng land lady namin. Land lady kase nag do-dorm ako. Ganyan na ba talaga sila saakin? Puro negative o bad side ko nalang ba dapat yung makita nila? Ganun ba talaga? Imbis na intindihin nila ako pero sermon talaga yung ibubungad saakin?

Oo nagdodorm ako kase malayo ako sa Parents ko, yung mama ko may ibang pamilya samantalang yung papa ko faithful sa pagwowork para makatapos ako. Dalawa na lang kami ng kuya Danielle ko na nagtutulungan sa buhay pero iniwan nya na ko agad . Nauna na sya sa langit dahil sa Leukemia. Love life? Wala ako nyan! Bitter ako jan HAHAHA!

I wish maka move on na yung mga tao sa ginawa ko kanina :3 makatulog na nga lang.

~~

Bat pa kasi ang talino ko eh yan tuloy nababaliw na ako kaka isip! Sabi kasi ni Einstein pag sobrang dami ng iniimagine mo malawak ka mag isip it means matalino ka . Aga aga ganyan naiisip ko! eh ang tagal kasi mapuno ng tubig sa balde.

Patapos narin ako mag prepare para pumasok sa school. I wish na maganda yung araw ko ngayon.

"Good morning Shea" with nakakanga nga nyang smile.

Paglingon ko "ui mico? Good morning din."

Jan ka nakatira? -mico

"Oo nagdodorm lang ako. Ikaw? Ngayon lang kita nakita na dumaan dito ah." sabi ko habang nag susuklay ng buhok.

Sa kabilang street lang ako nakatira. Nakita kita nag lalakad kagabi, mag isa ka lang kaya sinundan kita. Actually sa kabila talaga ako dumadaan. Napadaan lang ako dito nagbabakasakaling makita ka.

Charr naman. Ikaw na! ang bait naman ng bago kung friendship :)

"Ikaw pa." sabay smile nya.

Napa smile na lang ako. Ewan bat nakatingin sa amin yung mga tao kanina ang weird nila. Dahil ba na sikat na ako? Mga tao nga naman haiyss..

~

Hi miss pwedeng tumabi?

Paglingon ko "kala ko naman kung sino. Ikaw lang pala Mico! HAHA alam mo para kang kabute bigla ka nalang sumusulpot."

"Ang ganda naman ng sketch mo." sabi nya

Habang nag ske-sketch "sketch to ng kuya ko inulit ko lang"

Ang ganda naka laminate pa.

biglang tumulo yung luha ko sumakit yung dibdib ko ng pagbanggit ko sa pangalan ni kuya. "ah eh ito nalang kasi yung memories na naiwan sakin ng kuya ko."

"san na pala yung kuya mo?" curious nyang tanong at pinunasan nya yung patak ng luha ko.

"nauna na sa langit."

"Sorry for the question. By the way kumain ka na ba? Wala ka na bang klase?" pag iba ng topic ni mico

Okay lang. wala pa eh hinihintay ko sila lumabas last subject narin naman nila wala narin akong klase kaya inuubos ko na lang yung oras ko sa pag iisketch.

"sinong sila?" tanong nya.

Ah hehehe yung mga FRIENDS ko! Ano ka ba! HAHA ipapakilala kita sakanila.

"shea!" sigaw ni Gio at Sam.

"Oh guys uwian nyo na pala. Meet my new friend Mi- " paglingon ko nawala agad si mico. Grabe! Para talaga syang kabute susulpot tapos biglang mawawala. Sabi ko ipapakilala ko sya tapos bigla syang umalis tsk. "nevermind nyo na lang umalis agad eh hehe"

"HA? Habang nag lalakad kami kanina ikaw lang kaya mag isang nakaupo." sabi ni Gio

"May kasama ako kanina si mico nga!" pagdedefense ko.

"Osige na ano ba yan gwapo ba yang new friend mo?" sabat ni Sam.

Syempre naman! Sya yung savior ko noh. Sya yung sumalo sakin nung nagtangka akong tumalon HAHA!

Sya? Ang gwapo nga shea shet na malagkit nakita ko sya sa t.v! Dapat lang ipakilala mo sa amin yan !

"Oo nga tara kain na tayo" pagyayaya ko.

Tapos nun Hindi ko na nakita si mico nung araw na yun. Nakakainis bigla na lang nawawala parang hangin -_-

Love knows no endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon