Chapter 4
~
Wahhhhhhh!!!! Panaginip lang pala. Tsk
Pawis na pawis akong bumangon sa higaan sabay kuha ng tubig at uminom.
Napanaginipan ko na naman si kier. Yung lalaking muntikan ko ng mahalin ng buo. Kaso . . .
(Flashback 2 years ago....)
"I'm so proud of you shea for your performance mas lalo ka ng gumagaling baka sa susunod ikaw na yung pangbato ng university for this upcoming PRISAA event" papuri ng coach namin.
"thank you coach it's nice to hear that pero focus po muna ako sa studies ko kasi tagilid ako sa isa kung major subject" pagpapalusot ko.
"oh ganun ba. But, I hope na ma-catch up mo yun para makasali ka. Oh sige mauna na ako may appointment pa akong pupuntahan."
"salamat coach"
Actually wala naman talaga akong balak sumali sa ganyan. Kaya swimming lesson yung pinili ko sa p.e para pumayat ako, dahil nga naman daw sa maganda ang performance ko ayun tuwang tuwa din tong mga barkada ko kasi may dahilan na sila para mag cheer at pumunta sa mga ganyang event. Hindi rin kasi kami mahilig manuod ng mga laro sa school. Palagi kami sa coffee shop, sa canteen, sa bar basta kung saang lugar na marong pagkain. Yan ang bisyo namin, ang kumain :)
Papunta na ako sa shower room para mag bihis. pag bukas ko sa locker may napansin akong sulat may mga design pa ang cute ng pag kagawa. Binasa ko yung sulat . . .
Dear shea,
Hi. Matagal ko na itong gustong sabihin sayo na matagal na kitang gusto. hanggang nahulog na ako sayo. Sa mga araw na palagi kitang minamasdan, Yung mga ngiti mo na nagbibigay sigla saakin,. Pero sino nga naman ako para palitan mo yung feelings ko sayo. Sana dumating yung araw na magkaroon ako ng lakas ng loob para magpakilala sayo.
-unknown
Natuwa naman ako sa nagsulat nito. Haha may nagkakagusto pa pala sakin? Patanong kung tanong sa aking sarili. Tinago ko sa locker yung sulat at dumeretso sa cafeteria kung saan nakatambay ang squad.
~
Hanggang sa palagi nalang ako nakaka receive ng sulat tapos dun lang inilalagay sa locker ko. Nacucurious na ako kung sino yung unknown na yun kaya one time nag ispiya ako. Nag suffer talaga ako na hindi pumasok sa mga subjects ko, nasa gilid lang ako ng mga locker para tignan kung sino yung naglalagay ng sulat sa locker ko.
2 hours, 3, 4, 5 wala parin -_-
Hanggang may nakita akong cute na batang babae siguro na sa age of 6, naka uniform ng pang elementary sa university na to at dere deretsong pumasok sa shower room, papuntang locker ko??
Pinuntahan ko sya.
"Hi baby ikaw ba yung palaging nag lalagay ng sulat sa locker na yan?" patanong ko.
"opo" inosente nyang sagot.
"sino yung nag uutos sayo para ilagay yung sulat sa locker no. 205?" tanong ko ulit.
"yung kuya ko po"
"anong name ng kuya mo?" curious kung tanong.
"si kuya kier po. Sige ate mauuna na po ako kasi hinihintay na ako ng car pole."
Magtatanong pa sana ako sa bata kaso tumakbo na ito. Kier yung name? Unfamiliar sya sakin. Binasa ko yung bagong sulat nya saakin.
-Hi shea balita ko ikaw daw yung ipanglalaban for upcoming event. Galingan mo ah. I wish na manalo ka :) kanina hindi kita nakitang pumasok bakit ? nagkasakit ka ba? alagaan mo yung sarili mo ha? -
BINABASA MO ANG
Love knows no end
RomanceLove yan yung binigay ko sakanya na hinigitan ko pa ang buhay para lang maiparamdam sakanya. -Mico