chapter 3

1 0 0
                                    


Chapter 3

[Shea's pov]

Ilang araw na kasama ko na naman yung tinuri kung squad. Ayun dating gawi out of place. Yung feeling na ang saya saya nila sa topic nila samantalang ako hindi man lang makarelate, ni hindi ko alam kung sino yung tinotopic nila, nakikitawa nalang ako. Ang sakit sa bangs ayoko ng damdamin hahahaha !

Ayon uwian na pala di man lang ako makasingit sa kwentuhan nila di ko naman kasi mga kilala yung pinagkekwentuhn nila haysss -_- Oo na attention seeker na ako.

"Ui shea! Lipat tayo ng tambayan" - gio

Yan si gio, sya lang naman palaging taga tawag sakin, taga puna. Actually marami talaga kami sa squad pero di ko na ipapakilala kasi singit lang sila sa storya ko hahaha at mga wala naman silang kwenta. PURO KABITTERAN NA NANAMAN AKO syettt >,<

Magkakasama kami pero nakikita ba nila yung presence ko?

Kuha ng I-touch, paslak ng earphone, volumes up then forget the bullshit arounds me di naman kase ako kasama sa kwentuhan nila kaya magpapaka out of this world nalang talaga ako :#

Wait ...

Parang si mico yun ah ??

MIIIICCCOOOOO !!! I shouted, while I catch the attention of others nakatingin silang lahat saakin. Parang ngayon lang sila nakarinig ng sumigaw kung maka tingin sila parang ang laki ng kasalanan ko.

"Sorryyy !!" nag peace sign nalang ako

Kamag anak ba ni mico si splash? Ang bilis nya naman mawala sa paningin ko!! Alam ko sya yun eh. Tsk makauwi na nga lang..

"Guys una na ko marami pa akong gagawing artworks" I said

Yan tayo eh k.j ka na naman shea mamaya ka na umuwi sabay sabay na tayong umuwi." sila

Takte! Ako pa ang k.j? yan sila eh ayaw nila akong paalisin kasi gusto nila may display silang maganda. Enebeyen! I wish na makita ko ulit si mico." I pouted". Bat kasi pati cellphone hindi uso sakanya? Tao ba sya! Tapos walang gf? eh parang mas gwapo pa sya sa pinagkakaguluhan dito sa school? May schizoid personality disorder ba sya? Nakaka stress isipin .

Yan ako kausap ko palagi imagination ko kulang nalang mabaliw na ako! Atleast di ako iniichepwera :)

"c.r lang ako guys" -sam

"sama ako sam!" yes! Yes! Makakaalis narin. Pabulong kung sabi.

"tara shei" pagyaya ni sam

While walking . . .

" shea? Saan na yung ipapakilala mo saamin?" pag open topic ni sam

"Hindi ko nga nakita ngayong araw eh. Pag makita ko ipapakilala ko na talaga yun sa inyo" sabi ko.

"Tapos reto mo ako ah :) haha peace! Para may new member ng squad diba?"

"ah eh? Hehhehe Oo nga" paputol kung sagot. Hindi ako papayag na maclose nila si mico. Akin lang si mico! HAHAHA! Ang selfish lang ?

Dahil isa lang ang c.r dito si sam na yung naunang umihi . Tutal hindi naman talaga ako naiihi. Habang naghihintay may naririnig akong nag uusap sa kabilang bakod. Napalapit ako para makinig.

"paano kung mahuli tayo kevin?!"

"paanong mahuhuli? Kinakain na yun ng mga isda sa dagat! At walang nakakita sa ginawa ng mga tauhan ko"

Natatakot lang ako sa kung anong pwedeng mangyari. Nakokonsensya lang ako dahil nagawa mo yun sa kapatid mo"

"mangengealam ka pa!" sabay tunog ng parang sinasakal "gusto mo atang sumunod Bea!"

Biglang may tumakip sa bibig ko at binuhat ako para ilayo doon sa bakod kung saan naganap ng may nag uusap ......

Mico??

"shea anong ginagawa mo dito! Delikadong lugar to! 8pm na ng gabi nasa labas ka pa?

Sabay napayakap ako kay mico. Namiss ko sya eh! "sorry" yan lang nasabi ko. First time kung makita si mico na nag aalala.

"Wag mo ng uulitin to ah. Wag ka ng gagala mag isa na walang kasama nagaalala ako" he said and he respond my embrace tightly.

"salamat mico ha. May kasama naman ako eh nandun sila" then I point out kung saan nakatambay yung mga friends ko.

"kahit na. wag ka ng lalabas ng gabi na di mo ako kasama."

Nakikita ko talaga yung pag aalala ni mico, natutuwa ako sa expression ng mukha nya. Dahil sa kinikilos nya napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ganyan na sya kaconcern sakin. I feel safe in mico's side.

"dapat uuwi na ako kanina e kaso ayaw pa nila ako pauwiin sasabihan pa nila akong k.j" I pouted.

"kala ko ba lalayo ka na sakanila?"

"nakaupo lang akong mag isa sa soccer field nakita nila ako kaya yun napasama nalang ako, tska di naman kasi kita nakita kanina" sagot ko.

"hayaan mo palagi na kitang sasamahan. Para di ka na nag iisa. Tara uwi na tayo ihahatid na kita" straight nyang sabi.

Syettt kinilig ako dun ah! Pigilan nyo ako hahaha ! "aasahan ko yan mico ah. Sge salamat tara." ganyan lang para di halata!

While walking.....

"namiss kita agad" pagbasag ko sa katahimikan.

"talaga?"

Aba! Parang pumalakpak lang yung tenga neto ah! Kapal kala nya porket namiss ko sya may gusto na ako sakanya ! Pwe!

"HAHA joke lang yun eto naman ang tahimik kasi." palusot ko.

"I feel it wasn't a joke. Okay lang yan namiss din naman kita eh" sabay ngiti nyang nakakatunaw.

Bat ka ba ganyan mico! Please wag ka ng ngumiti mahuhulog ako nyan eh :3 my weakness kills me waaahhhh >,<

"dito na pala tayo eh. Salamat mico ha." change topic kung sagot.

"wala yun sge goodnight."

~

-sa kwarto-

1 week pa lang kaming magkakilala ni mico Ang gaan na kaagad ng feelings ko sakanya, ewan bat ganito :3 ang weird nya nga lang, bakit sa dinami rami ng mga girls dito sa university ako pa yung nagustuhan nyang lapitan? Di naman ako masyadong kagandahan. Kabaitang taglay lang :) ang swerte ko lang ang gwapo ng bago kung friendship ngiti nya pa lang parang mahuhulog na ako.

OPPSS! Hanggang dun lang at ayoko na ng Love masakit yun -_-

Napaisip ako sa mga narinig kung nagkekwentuhan kanina malapit sa CR, ang harsh naman nung? Kevin ba yun? Pinatay nya yung sarili nyang kapatid tsk. Mga tao nga naman ngayon wala ng takot. 

Love knows no endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon