Chapter 33

13 1 0
                                    

Charmielyn's POV

University

"Hindi ba sila papasok?" Tanong ko

"Anong oras na oh baka hindi" edra

"Alam nyo naman kung anong oras pumapasok si dreama no baka late na syang nagising." Myein

"Eh si jin? Nauuna pa kaya yun satin dito." Tanong ko

"Baka naman magkasama sila fiba hinatid ni jin si dreama??" Claire

"Magkasama san?" Tanong ni myein

"Sa condo-..."

"WHAT??!!! OoO" putol namen kay claire.... kalurkey naman kase magkasama sila sa condo....

"Patapusin nyo nga muna ako!.... ganto kase yon magka building sila same floor ilang room lang yung pagitan ng mga condo nila kaya wag kayong praning ha!" Paliwanag naman ni claire kaya napa "aahhhhh" nalang kame

Ano ba kaseng nakain ng isang yon at naglasing ng tuluyan yung tipong hindi na talaga magising... haysss talaga naman

"Tawagan nyo nga" utos ni myein kinuha ko naman ang phone ko kase alam ko namang walang mga load tong mga to....

Dinial ko number ni dreama at niloadspeaker eto

Ring... ring...

"H-hellow??" (O_____O)

Nagkatinginan naman kameng magkakaibigan kase...... kase lalaki ang sumagot

"Ahh hellow sino to?nasan si dreama?" Sagot ni myein

"Hmm... myein? Si jin to.... wait ha.................. tulog pa si dreama."

(O______O) nanlaki nanaman mata namen... magkasama nga sila sa condo at ang sumagot ng phone ay si JIN.....

"Ahh ehh bakit hawak mo phone ni dreama? Magkasama ba kayo?" Tanong naman ni edra

"Ahh yes, tinitingnan  ko kase phone ni dreama kagabi eh nakatulugan ko. Sorry" Jin

"Owkey!! May balak pa ba kayong pumasok?" Tanong ni claire

"HA??!!! (naalimpungatan ata hahaha) OUCH!! ... aray--..."

"Hala anong nangyare sayo?" Tanong ko

"ahh hehe nahulog kase ako sa upuan. Wait gisingin ko lang si dreama at papasok na kame."

"Oh sige.. bye ingat kayo."

EndCall

"Ohh isara ang mga bibig ha mamaya mapasukan ng kung ano yan, hahaha" natauhan naman ata yung iba at saka isinara ang kani kanilang bibig

"Alam nyo na cucurious ako sa jin na yan. Alam nyo the way na tingnan nya si dreama at  at kausapin para may something eh..." saad ko

"Yeah! Napapansin ko nga din yan. Like kagabi naaalala nyo yung lumabas kame na buhat buhat nya si dreama, bago pa man ako makapasok narinig kong sabi ni jin i think im falling parang may kasunod pa yun eh kaso bigla kase akong pumasok narita ko kase si dreama na naka-ulo sa lap ni jin." Edra

"Hayss wag nga natin sila bigyan ng malisya .... kilala nyo si dreama, at sadyang caring lang si jin." Saad ni myein, pero kung magkaka lovelife ulit si dreama maganfa na siguro kung si Jin ang magiging forever nya bukod sa gwapo na gentleman at caring pa sya diba diba

--
Dreama's POV

"Dreama........"

Hmm... ano ba to ang ingay ingay naman, pero nakakaantok yung boses nya ang sarap sa tenga

"Dreama!!.... gising na..." hmmm.... ang bango naman nun.... amoy strawberry ... hmmm..... naramdaman ko naman may dumampi sa balikat ko at inaalog alog ako

"Hmm...."

"Dreama! Gising na uy." (O__O)

"Waaaahhhh!!--... aray!!!" Hayss... pano ba naman pagmulat ko ang lapit lapit ng mukha ni jin sa mukha ko napauntog naman ang noo ko sa noo nya... ang sakit tuloy

"Hahahahhaha" (o.O)

"Why are you laughing? ?" Tanong ko abat niloloka na ata tong lalaking to

"Hahha... wala, hahaha nakakatuwa ka kase hahaha"

"Bakit mukha ba akong clown ha??" (-__-)

"Hindi.... ang cute mo nga eh (^__^)" ..........

"Siraulo!... teka nga anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Dito kase ako natulog ka-..."

"WHATT!!???"

"Hindi kase ganto... binantayan kita kagabi kase lasing na lasing ka eh baka magsuka ka kaya binantayan kita walang mag aasikaso sayo." Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.... bakit nya ba ginagawa to....

"Hey, its okay.... tara na nagluto ako ng breakfast kain na tayo. Papasok pa tayo." Hinawakan nya ang baba ko na parang inaamo ako, Kusa namang tumango ang ulo ko at tuluyan ng lumabas si jin ng kwarto ko ako naman dumeretso na ng c.r.

C.r.

Humara ako sa salamin at kinakausap ang sarili. "Ano ba dreama nangyayare sayo??!!"..... umiling iling ako "hindi ka dapat nakakaramdam ng kahit ano kay jin." Binasa ko ang mukha ko at muling humarap sa salamin.... mga ilang sigundo naligo na din ako

pagtapos ko maligo dumeretso ako sa closet ko pagbukas ko nahulog ang picture namen ni Jayson..... pinulot ko ito at umupo muna sa kama "sorry..." yun lamang ang nasabi ko at muling itinago ang litrato sa ilalim ng mga damit ko

Nangmatapos na akong magbihis lumabas na ako sa dinning are at nakita ko naman si jin na nag hahayin na ng pagkain.

"Oh anjan ka na pala. Bat ang tagal mo tara ng kumain gutom na din ako" hindi ko na sya sinagot at nagtungo na ako sa upuan ko bago oa man ako makaupo hinawakan ni jin ang upuan ko at saka inalalayan akong umupo

"Thank you" sambit ko, parang naman nagulat si jin sa sinabi ko

"Oh??" Saad ko

"Wala wala hehehe.... tingnan mo ang ganda mo kapag hindi ka nagsusungit (^__^)" parang naman umakyat ang buong dugo ko sa mukha ko.... hayyss ano ba to nakakainis naman

Nakita ko namang nilalagyan ni jin ng pagkain ang plato ko.

"Kain na (^__^)" pag aaya nya, tahimik lang ako sa pagkain si jin naman kwento ng kwento ng kung ano ano nalaman ko na sikat pala eto sa korea hindi daw sya napapansin dito sa pinas kase iniba nya daw ang style nya.... nagtaka naman ako eh mukha lang naman syang normal ang cute cute--... err did i say that?? Hmm i mean ang cool nyang tingnan tapos iniba nya pa style.nya sa lagay na yan ha. Tapos parang nagugustuhan nya na daw dito sa pilipinas kaya baka dito na din nya magpatuloy hanggang naka graduate... madami pa syang naikekwento ang daldal talaga neto...

"Tska i think yung the one ko nandito sa pilipinas." Natigilan naman ako sa sinabi nya

"Isang bwan kapa lang dito tapos tingin mo may the one kana agad?"

"Yes. Actually muntikan ko na syang mabangga nung gabing yun, ang angas nya nga eh."

"Mabangga?" Tanong ko

"Oo, buti naka preno ako kung hindi, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kung masaktan ko man sya." Kinilabutan naman ako sa sinabi nya

"Hindi siguro maruning tumingin sa kaliwa't kanan yung babaeng yun kaya muntikan mo na syang masagasaan"

"Actually oo hahaha, bigla kase syang lumabas sa isang iskinita--..."

"Iskinita??? (o.O)" takang tanong ko naman

"Oo eh... hehehe." Kita ko naman syang napaiwas ng tingin sakin at sumubo ng pagkain.

Ayokong maging assuming pero, bakit pakiramdan ko ako yung tinutukoy nya.... hay nako sumasakit ang ulo ko dito!!!!

------------------------------------------------------

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon