Chapter 6

13 1 1
                                    


"Naiintindihan ko naman eh. Ang akin lang bakit kelangan mong itago sakin ang lahat? Wala ka pa bang tiwala sakin? Dreama------dalawang taon na tayo hanggang ngayon pa ba-" naiiyak na ko promise (ToT)

"NO!.... I mean, no...... Jin its not what you think"

"And what??!!! Tell me!!" Huminga muna ako ng malalim bago mag salita, nandito kame sa opisina sa isa sa mga minamanage namen na restaurant. Naipaliwanag ko na din ang lahat sa kanya pwera yung kay Jason-

"What!!??" Napahilamos naman ng mukha si jin siguro'y pinapakalma nito ang kanyang sarili, unti unti syang lumapit sa dereksyon ko na nakaupo ngayon sa couch at pinagmamasdan ko ang sahig. Pinipigilan kong umiyak. "Im sorry Gerlpren. *sign* okay please gusto ko lang malaman bakit ganon? Ano ba talaga ang dahilan?" Hinawakan nito ang kamay ko at saka pinunasan ang pisngi ko..... Pisting mga luha to sabi ng wag kayong lalabas mga lapastangan!

"A- *sob* ayaw ko kase na------- na mawala ka din s-sakin *sob*..... A-ayokong mangyare sayo *sob* ang nangyare kay J-Jason" bigla nya akong niyakap mukha namang kumbinsido na sya sa sinabi ko kaya mas lalo akong napahagulgol sa balikan nya. Bumalik yung sakit oo kahit ilang taon na ang nakalilipas masakit pa din talaga kapag binalikan mo

"Hush baby.... Hindi ako mawawala. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Nandito lang lage ako sa tabi mo ha. Tahan kana" awtomatiko naman akong tumahan at napangiti dahil ngayon hundred percent akong sure na safe ako... Safe ako dahil nandito sya sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at pinunasan naman nito ang mga tumulong luha sa mata ko "mahal na mahal din kita." Saka ko sya hinalikan sa labi. Passionate kiss-

"Maam----- OH MY GOD! S-sorry po" napahinto naman kame sa ginagawa namen ng biglang pumasok si Cindy ang kinuha kong manager ng Restaurant na to. Nagkatinginan naman kame ni jin at saka nagpakawala ng tawa...... Hayss sana lage na lang kameng ganto

Bumalik ako sa swivel chair ko at saka may kinontak sa telepono.

"Get in" yun lamang ang sinabi ko saka ibinaba ko na ang telepono. Wala pang 5 sigundo ay may kumatok na sa pintuan at iniluwa nito si Cindy

"I..... I'm s-sorry maam, sir" utal na saad nito habang nilingon naman nito si Jin na nagbabasa ng news paper sa couch habang umiinom ng kape oh diba sir na sir hahaha. Tumango lamang sa kanya si Jin at gayun din ako saka may mga pinapirmahan lamang itong ilang papeles tungkol sa restaurant at saka lumabas na din.

Mga ilang oras din ang lumipas nang pamamalagi roon ni Jin at saka nagpaalam na pupunta lamang sya sa isa pang branch ng aming restaurant. Pinayagan ko naman sya dahil mau tiwala ako sa kanya at alam kong hindi sya marunong mang babae hahaha subukan nya lang di aabutan ng kinabukasan ang babae nya wahaahahaha..... (Okay o.a.)

Nag beep ang phone ko kaya chineck ko ito

From : Hans

Maam, Its Black Monorious

Napahawak naman ako sa baba ko at iniisip ko kung ano yung organisasyon na yon black monorious?? Bakit parang ngayon ko lang narinig yon?? Dali dali ko naman kinuha ang susi ng motor ko at palabas na sana ako ng opisina ng biglang bumukas ang pinto

"Ohh gerlpren san ka pupunta?" Gulat na tanong ni jin ng mapansin nyang hawak hawak ko ang susi ng zack ko

"Ahh ehh..... Jan lang" pagiimbento ko "jan lang pala eh sama na ako-" pinutol ko ang sasabihin nya pamamagitan ng halik sa labi nya "boypren mabilis lang ako okay. Dito ka na lang okay. I love you" at saka lumabas na ako ng opisina. Hayss di pa kita pwedeng dalhin sa HQ Jin. Masyado pang mapanganib?




"Hans" tawag ko sa kanya ng makapasok sya sa opisina ko. Nandito na ako sa HQ sa opisina ko para pagusapan kung ano ang Black Monorious

"Maam hindi ko po matiyak kung saan nag mula at sino ang mga tao nito masyado ho silang mailap. Ginawa ko na po ang lahat para makakuha pa ng impormasyon tungkol sa kanila pero wala na po akong iba pang nalaman bukod sa pangalan ng kanilang grupo" tumango tango naman ako sa pagpapaliwanag ni Hans.

"Ngayon ko lamang narinig tong organisasyon na ito" bumuntong hininga na lamang ako dahil wala din akong ibang maisip. "Tiningnan mo na ba kung may mga kumpanya sila?" Tanong ko

"Meron po ang BM Company ngunit isang bentedos anyos na babae ang nag papatakbo nito hindi ko po maisip na ang isang babaeng bentedos anyos eh makakapagpatakbi ng gantong organisasyon" pagpapaliwanag muli nito

"So what do you mean. I cant handle a organisation like this??" Pagtataray ko. Haller ilang taon akong nag simula na patakbuhin ang isang gantong organisasyon tapos sasabihin nya hindi nya maisip na may 22years old na babae ang nagpapatakbo ng isang pumapatay na organisasyon?

"No maam. I mean-" pinutol ng isang katok ang sasabihin nya at biglang pumasok ang isa sa mga tauhan ko

"M-maam, may tao po sa baba" bungad nito. Umiling iling naman ako dahil ang ayoko sa lahat eh yung may kausap ako tapos may sasabat na- "TELL ME WHERE IS SHE??!!" napapitlag naman ako ng may sumigaw mula sa ibaba ng aking opisina, rinig na rinig ko ito dahil nakabukas pa din ang pintuan. Agad naman akong tumayo at awtonatikong nag tungo sa ibaba dahil alam ko kung kaninong boses iyon at hindi ito ang tamanh oras para sa kanya na maparito

"He's on me" cold kong sagot at saka binaba ng mga tauhan ko ang mga baril nila. Agad naman itong nagtungo sa dereksyon ko. Wala akong makitang takot mula sa mukha nito.

"We need to talk" agad ko naman syang hinila pataas sa aking opisina. "Jin! What do you think your doing?! I told you na may pupuntahan lang ako diba. Hindi ka maaaring pumunta dito. Bakit mo ko sinundan??!!" Histerikal kong saad ng makapasok kame sa opisina ko. Hindi sya nagsalita bagkus may tinititigan sya mula sa likod ko kaya napatingin naman ako doon. Nakita ko si Hans na nakatayo sa gilid ng swivel chair ko at saka nag bow ito kay jin. "Lumabas ka muna Hans." Malamig kong sabi at saka nagtungo sa swivel chair ko. Napahawak ako sa sintido ko. Pinapakalma ko ang sarili ko para hindi ito pagmulan ng away namen ni Jin

"Who is he?" Cold na tanong ni jin. Bakas mo rito ang pagka irita sa boses nya. Napatunghay naman ako at huminga ng malalim

"He is my-"

"My what??!!" Napalaki naman ang mata ko. Wait bakit galit to? Diba dapat ako ang magalit sa kanya dahil sinundan nya ako?

"Tauhan ko sya jin. There's no need to worry!" Napasinghap naman ako. Sya naman ay umupo sa couch na malapit sa kinatatayuan nya

"So what now? Bakit ka nandito? Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka? Na sinundan mo ko? Paano na lang kung mapahamak ka sa labas kanina ha? Anong gagawin mo?" Sunod sunod kong tanong hindi naman ito sumagot. Okay galit sya alam ko ganyan yan pag galit ayaw mag salita.

May isang minuto din akong nakipagtitigan sa walang emosyong Jin ng bigla itong magsalita "tell me everything Dreama" napairap naman ako

"I've already told you ev-" putol nya sa sasabihin ko.

"Except this!" Napataas na ang boses nga. Nanginig naman ang katawan ko. Hays eto na nga ba sinasabi ko eh

"Jin...." Malumanay kong saad "this is our Head Quarters dito lahat nangyayare ang mga trainings. Dito lahat nagaganap ang mga meetings namen about sa mga untold organisations. Dito kame bumubuo ng mga plano at nandito lahat ng armas na kakaylanganin namen kung sakaling kelangan nameng gumamit nito" tumingin ako sa kanya na tila nagiintay pa ng sasabihin ko "at ang mga taong may hawak ng baril na nakita mo sa bawat sulok ng lugar na ito. Yan ang mga tauhan ko" napatungo naman ito. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayare dahil alam nya na kung ano talagang nangyayare sa buhay ko. Lumapit ako sa kanya at tinabihan sya sa upuan

"Boypren. Sorry. Sorry for not telling you about this. Ayoko lang na madamay ka. Ayokong mawala ka sakin. Ayokong masaktan ka. Dahil mahal na mahal kita kaya as much as possible hindi ko sinasabi sayo anh tungkol dito dahil ayokong mapahamak ka" hinawakan ko ang baba nya at unti unting inangat ang mukha nito. "Mahal na mahal kita Jin." At saka hinalikan ito. Tumugon naman ito.

Sana ngayong alam na ni Jin ang lahat, sana walang magbago. Sana hindi sya mapahamak, sana maprotektahan ko sya. Sana

------------------------------------------------------

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon