I'm Anayasha Dela Fuente - Anya for short. My parents are really strict since when I was in a young age. Di nila ako pinapayagan na palabasin sa labas ng aming bahay para makipaglaro sa ibang mga bata. Kahit na isama ko pa ang yaya ko ay di parin ako pwedeng makalabas. May nabalita kasi sa aming subdivision na may nawawalang bata at hanggang ngayon di parin ito mahanap-hanap.Kaya ganoon na lamang ang aking pag-iintindi sa kanila, they are just worried and at the same time scared. Alam kong ayaw nilang mangyari sakin yun because I am just their only child at mahal na mahal nila ako. Naiiwan lamang ako sa loob ng aming bahay kasama ng mga yaya ko. Palagi kasing may business trip ang aking mga magulang. Masaya narin naman ako kahit di ako makalabas para makipaglaro sa iba. Marami akong larong pambahay at nag-eenjoy na ko sa mga ito. Pero kahit na ganoon, di ko parin maiwasan na di mainggit sa ibang mga bata. Malaya silang lumalabas ng kanilang tahanan at nakikipaglaro. Gusto ko rin ma experience na makipaglaro sa mga bata. Gusto ko rin maranasan ang mga larong panlabas. Nakakalungkot isipin na hinding-hindi ko yun kayang gawin.Pagdaan ng mga araw, naroon ako sa loob ng aming gate. May dalawang batang lalaki ang naglalaro ng bola sa labas at ako naman ay pinagmamasdan sila habang salit-salit na pinapasa ang bola sa kanilang mga kamay. Sa di inaasahang pagkakataon, napalakas ng isang batang lalaki ang kanyang hagis kaya napasok ito sa loob ng aming gate. Kinuha ko ito tsaka hinagis pabalik sa kanilang dalawa. Ngumiti ang isng batang lalaki sa akin at sumigaw ng " Thank You!" so I replied " Your welcome)! '' to him. Maya-maya rin ay nagpaalam na sa kanya ang kalaro nyang batang lalaki kaya lumapit sya sakin.
Nasa pagitan namin ang rehas ng aming gate.
" Hi! " he greeted me
" Hello" I greet back
" I'm Joshua Hilmerd but you can call me Josh. By the way what's your name? "
" I'm Anayasha Dela Fuente. And you can also call me Anya."
" Nice name ha, Anya? *smile* Pwede ba kitang maging friend? " he asked
" Of course! I really like the idea to have a friend. "
" Wow. So Anya pwede din ba kitang maging playmate? Halika labas ka dyan sa gate. " sabi nya sakin
" I can't. Di ako papayagan nila mommy. Di ako pwedeng lumabas ng bahay at makipaglaro. "
" Ganon? So sad naman. But pwede parin naman kitang maging playmate eh"
Hinagis nya yung bola nya papunta sa loob ng gate namin. So what I did is I throw it back to him. Salit-salit namin itong hinahagis sa isa't-isa. Para kaming naglalaro ng volleyball at ang rehas ng gate ay nagmistulang net naming dalawa. Walang kapantay ang saya na naramdaman ko noon habang kalaro ko si Josh. At kitang-kita ko rin sa mukha nya ang saya.
Bumalik ulit si Josh sa bahay namin at ako naman ay inaabangan sya sa loob ng gate. Ganun palagi ang set-up namin araw-araw.Sa ngayon iba namang laruan ang dala nya. Inabot nya ito sa sakin sa pamamagitan ng mga butas ng rehas. Masaya na ako roon kahit na ang mga dala nyang laruan ay panlalaki. Pinapahiram ko rin sa kanya ang aking mga laruan. Kung minsan ay ang mga story books ko ang kanyang pinag-iinteresan.
Isang araw ay naabutan kami nila mommy at daddy sa ganoon scene. Naawa sila sa amin ni Josh kaya't pinapasok nila ito sa loob ng aming bahay.
" So, Anya si Josh pala ang new playmate mo " nakangiting sabi ni mommy sa amin.
" Yes mommy" I respond
" It's good to hear that you find a friend Anya. So para naman hindi na kayo mahirapan sa ganoong posisyon. Pinapayagan ko na kayo maglaro dito sa loob ng bahay. Josh, you are free to come in this home. Para naman di mabored si Anya at magkaroon sya ng kalarong bata. "
BINABASA MO ANG
My Childhood Bestfriend
Short StoryI'm inlove with my bestfriend- Anayasha Dela Fuente