03

30 6 3
                                    


Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Josh. Naninikip ang dibdib ko sa hinanakit.

Those words...

Ang sakit marinig yun mismo kay Josh.. Ako ang sinisisi nya sa lahat ng nangyari kay Mika..

* Uwaahhh!! Uwaaahhh!! *

May narinig akong iyak ng bata sa kabilang kwarto nina Josh.

Tumigil ako sa pag-iyak at tinungo ang kinaroroonang iyak ng bata.

Natagpuan ko ang isang kwarto ng bata. May pink na kuna roon at pinalilibutan ng mga stufftoys at iba't ibang klase ng mga laruan.

Naroon sa loob ng kwarto na iyon si Manang Nesita at karga-karga nito ang munting sanggol na walang tigil sa pag-iyak.

Umagos ang luha saking mga mata.

Pumasok ako at tinanong si Manang.

" Kaninong anak yan Manang?"

" Ah. Ma'am? Anak po ito nila sir Josh at Ma'am Mika. Nakaligtas po ito sa aksidente. Simula po kasi nung nawala si Ma'am Mika, hindi na ito pinagtutuunan ng pansin ni Sir Josh." sabi ni manang at inaalog-alog ang bata. Di parin ito tumatahan.

" Akin na manang." sabi ko kay manang tsaka nito inabot sa kin ang sanggol.

Kamukha nito si Josh. Tinahan ko ito at yinakap. Tumigil ito sa pag-iyak at tumitig sakin.

Marahan itong tumawa.

" Wow. Ma'am napatahan nyo si baby Angelica. At napatawa nyo pa! Naku. Salamat talaga ma'am nahihirapan kasi talaga akong patahanin ito."

Ngumiti ako kay manang at pinagpatuloy ang pagkarga sa bata.

Nawala man si Mika may iniwan naman itong Anghel. Bagay na bagay sa pangalan nitong Angelica.

***
Monday

Kakauwi ko lang galing ng hospital. Bigla akong nakaramdam ng pagkamiss sa bata. Siguradong si manang na naman ang nag-aalaga rito. Di man lang ito magawang alagaan ni Josh. At siguradong busy na naman ito sa trabaho.

Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa sasakyan ko. Minaneho ko ito patungo kila Josh.

Pinagbuksan ako ng gate ni Manang.

" Naku Ma'am! Salamat po at napadalaw ka rito. Di ko po kasi alam kung anong gagawin ko kay Baby Angelica. Umaapoy po ito sa init. Nilalagnat po si Angelica at sinisipon.Di rin ito tumitigil sa pag-iyak.Di ko naman po matawagan si Sir Josh.Out of Coverage. Tatawagan ko po sana kayo kasi alam kong nurse ka po kaso wala rin naman akong # nyo." sabi ni manang

" Ganun ba manang. Sige po." mabilis kaming nagtungo ni manang sa kwarto ni Baby Angelica. Rinig na rinig namin ang malakas na pag-iyak ni Angelica. Namumula ang mukha nito.

Kinuha ko ito sa kuna at kinarga. Totoo ngang inaapoy ito sa lagnat. Napakainit nito.

Kinuha ko ang thermometer sa loob ng bag ko.

Chineck ko ang temperature ni Angelica at mataas nga ang sinat nito.

Tinawagan ko ang kasamahan ko sa hospital at nagpadala ng gamot para sa sinat at sipon ng bata.

Madali namang itong nakapunta rito at nadala ang mga ibinilin kong mga gamot. Di nagtagal ay bumaba narin ang lagnat ni Baby Angelica hanggang sa tuluyan na nga itong humupa. May ininject kasi ako ritong pampawala agad ng lagnat at sipon ng bata.

Thank God at okay na si Angelica. I feel relief.

Kinuha ko na ang bag ko at isinabit ito sa balikat ko. Mahimbing na natutulog na ngayon si Baby Angelica. Nilapitan ko si Manang Nesita.

My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon