02

28 6 2
                                    


Nagkukulitan kami ni Josh nun sa loob ng aming bahay ng may biglang nag doorbell sa gate.

May inaasahan na talaga kaming bisita. Darating kasi ang pinsan kong babae at ang tita ko galing France.

" Sandali lang." Sigaw ni mommy at nagmamadaling lumabas ng pinto.

Pumasok si mommy kasunod ang pinsan at tita ko. Kinuha nila yaya ang mga gamit at bagahe nila at inilagay sa taas ng kwarto.
Nagmano ako kay Tita Roshelle nung saktong lumapit ito sa pwesto ko.

" Ang laki mo na iha. "

Ngumiti naman ako kay Tita.

" OMG Anayasha!! It's really you! i missed you so much!" sigaw ni Mika at tumakbo papunta sa kin sabay yakap ng mahigpit.

" MIKA! Oh my God! I missed you too! It's been a long year before kitang nakita. Lalo kang gumanda.! '' puri ko rito.

Siya si Mikaela Dela Fuente. My cousin. I can say na maganda talaga sya! makinis at maputi ang kulay ng balat nito na nagmistulang labanos. Magkasing edad lang kami at matanda pa ko sa kanya ng dalawang buwan. Matangos ang ilong nito at mayroong pouty lips. Maganda sya at the same time, cute! Namiss ko talaga sya ng sobra. Huli naming pagkikita nung pumunta kami ni mommy sa France. Super close talaga kaming dalawa nun. Bukod kay Josh sya rin ay nagmistulang girlbestfriend ko noon sa France.

Teka, si Josh nga pala!
Biglang may tumikhim sa likod ko. Busy kasi kami ni Mika sa pagyayakapan at pagkakamustahan kaya nalimutan ko nang ipakilala si Josh sa kanya! :3

" Ahem, By the way Josh. Eto nga pala si Mika. Mika Dela Fuente, my cousin. And Mika? This is Joshua Hilmerd. My Bestfriend. " pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti naman sila sa isa't-isa at nag shake hands. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kakaibang titig nila at ang paglamano ng kanilang mga kamay ng matagal.

I feel something inside me na parang pinupukpok ng martilyo.
I don't know pero ang sakit makita sa mga makita nila na tuwang-tuwa silang makita ang isa't-isa.Kumawala ako ng isang mapaklang ngiti.

" Oh by the way cous! Dito na pala ako mananatili sa Pilipinas! And I'm going to live here in your house kasi si mommy babalik sa France. May importante pa syang business na gagawin dun. Hinding-hindi na tayo magkakalayo Anya! Oh my! Tsaka sa school mo na rin pala ako mag-aaral ng college" sigaw ni Mika tsaka ulit ako niyakap ng mahigpit. I bitterly smile and hugged her back. Nakita ko kay Josh na masaya sya sa narinig.

***

Pareho kami ng University na pinasukan nina Josh at Mika. Josh take an Arcitech course. Si Mika naman ay kumuha ng kurso na pang medisina. Gusto kasi nitong maging Doktor same as her Father. Ako naman ay nurse.

Naging close narin sina Josh at Mika. Minsan nga iniisip ko na parang sila na tuloy ang mag bestfriend. Kumikirot ulit ang puso ko. Parang gusto kong pumagitna sa kanila at sabihin kay Mika na layuan nya si Josh! But I can't do that. Mahal ko si Mika at ayokong ma offend sya sakin. Alam ko namang friendly lang sya at gusto nya lang talagang makipagclose kay Josh na I used to be my bestfriend.

Yun na nga, palagi kaming magkakasamang tatlo sa pagpasok ng skwelahan, lunch pati na rin sa uwian. But I feel out of place. Para silang may sariling mundo na masayang nagkwekwentuhan. I can see through Josh that he's really interested to Mika.

Linayo ko nalang ang tingin ko sa kanila at nagkunwaring may katext sa phone.

Dumaan ang maraming araw. Bigla nalang nila akong niyayang mag dinner sa isang mamahalin na restaurant. Di ko alam kung anong meron o kung ano yung okasyon kung bakit nila ako inimbitahang pumunta rito. Sa pagkakaalam ko wala namang may birthday saming tatlo. Pero kahit na ganun, sumang-ayon nalang ako sa kanilang dalawa at sumama. Umupo silang dalawa sa harapan kong table. Nagkatitigan sila saglit at humarap sakin.

My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon