Anne's POVKasalukuyan akong naglalakad ngayon sa corridor. Wala parin ako sa sarili dahil sa sinabi nung Kurt na 'yon kahapon. Pagkatapos niya akong sagutin ng ''Nothing" eh iniwan na agad ako. -___-
May pagka bastos talaga yung lalaking halimaw na 'yun. Hays!
"Huy bessy okay ka lang? Naka shabu kaba?" Pang-aasar sakin ni Chloe. Ano ba 'to bigla bigla nalang sumusulpot kung saan-saan eh.
"Wala. May iniisip lang ako bessy." Sabay na kaming naglakad papunta sa classroom namin.
"Hoy Dianna Louise Lee may tinatago ka ba sakin?! May lovelife kana ba ha?!" Umaandar na naman ang pagiging chismosa ng bestfriend ko. Tssk!
"Tss. Wala 'yun sa dictionary ko noh!" Pag mamatigas ko. Wala naman kasi talaga diba? Tss.
"Sus! Baka si Mr. Mijares yan ha?" Halos masamid naman ako sa sarili kong saliva ng marinig ang apelyidong iyon. Bakit ba ang lakas ng impact sakin nung mokong na 'yun? Nakakainis ah!
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa upuan ko. Kinuha ko ang earphones ko at ipinasak iyon sa tenga ko. Habang nag-eenjoy ako sa pakikinig ng music ay napansin kong biglang tumahimik sa paligid ko. Inangat ko ang ulo ko sa pag-aakalang may Prof na pero halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.
Pitong nag gagwapuhang lalaki na naglalakad palapit sa mga upuan nila. Napako ang tingin ko sa pinakagwapong nilalang na ngayon ay nakatingin din sakin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko at itinuon ito sa bintana sa gilid ko nang bigla akong may maalala.
"Nothing. I just want to know. And I don't want to see you with somebody else"
"I don't want to see you with somebody else"
"I don't want to see you with somebody else"
"I don't want to see you with somebody else"
"I don't want to see you with somebody else"
Parang music na nagpa'play ang mga salitang 'yon sa utak ko. Aish! Snap back to my senses ng may marealize ako.
"Imposible naman yun eh! Baka naman guni-guni ko lang yung narinig ko kahapon diba? Oo nga baka guni-guni ko lang yun!" Bulong ko sa sarili ko.
"Talking to yourself huh?" Halos mapatalon naman ako sa boses ng nagsalita. Oh God! Nakalimutan kong nasa likuran ko nga lang pala siya. Aish! Nakakahiya! Para pa naman akong baliw na nagsasalita mag-isa dito. Huhu! T___T
Narinig niya kaya yung sinabi ko? Whaaaa! Baka narinig niya tapos isipin niya na ang iniisip ko ay yung sinabi niya kahapon. Whaaaa!! I'm so dead! Huhuhu T___T
"Ahh...Hehehe" Ewan ko ba pero pakiramdam ko ang init init sa paligid ko. Eh airconditioned naman itong classroom. At nararamdaman ko din ang pag-init ng mukha ko. Hindi ko rin siya magawang tarayan ngayon. What the hell is happening to me?!
Hindi naman nagtagal at dumating na ang Prof namin na may kasamang isang lalaki. Wait!
What?!
Why?!
Bakit siya nandito?!
"OMYGOD! He's back!" Narinig kong gulat na sinabi ni Chloe. Alam niyo ba kung sinong tinutukoy niya? Well, si Dave Torres lang naman. Ang childhood friend namin ni Chloe.
But wait! Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nagbabakasyon lang siya? Bakit parang dito na rin siya mag-aaral?
"Please introduce yourself" Sabi ng Prof namin.
"I'm Dave Torres." Walang ganang pagpapakilala niya. Bakit parang ang seryoso niya ngayon? Hindi naman siya ganito kahapon nung nagkita kami ah?
Tumingin ako sa katabi ko at hanggang ngayon ay nasa state of shock parin. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na nagkita na kami ni Dave kahapon.
"You can sit at the vacant chair infront of Ms. Lee" Hala! Bakit sa harapan ko pa? Sa bagay sa harapan ko lang naman ang may bakanteng upuan.
Naramdaman ko naman na sakin nakatingin si Dave habang papalapit sa upuan niya. Nginitian niya ako at nginitian ko lang din siya. Narinig ko naman ang pag-ismid ng mokong sa likuran ko.
"Tsss" -_____-
Nagsimula na ang klase. Nagdiscuss lang ang Prof namin at ganun din sa ibang subject. Lunch time na ngayon at nagliligpit na kami ng gamit ni Chloe. Nandito parin si Dave at mukhang kami ang hinihintay.
"Dave? You're back! Whaaa!! Namiss ka namin David!" Masiglang bati ni Chloe kay Dave. And yeah! She used to call him 'David' instead of Dave.
"Ofcourse! Namiss ko rin kayo. Lalo kana Anne-Anne" Napabaling naman ang tingin ko kay Dave. He used to call me 'Anne-Anne' until now huh?
"Namiss karin namin David" At si Chloe na ang sumagot. Hahaha!
"So let's go? Lunch na tayo. Sumama ka na samin Dave" Pagyaya ko sa kanya. Hindi naman siya tumanggi at dumiretso na kami sa cafeteria.
Hindi ko naman maiwasan na hindi mapansin ang mga tao sa paligid namin. Well, I know naman na gwapo si Dave. Besides, laking Canada pa siya. Matangkad, mabait, matalino, gentleman at gwapo. Yan ang pagkakakilala ko sa kanya. Inaamin ko rin na mas gumwapo siya ngayon. Pero ewan ko ba kung bakit sa tuwing idedescribe kung ano ba ang salitang 'Gwapo' ay isang tao lang ang pumapasok sa isip ko. Si Kurt. Tss!
Si Chloe na ang nagpresintang umorder. Hindi naman na ako umangal dahil tinatamad akong tumayo sa pwesto ko.
"Akala ko bakasyon ka lang? Dito kana rin mag-aaral?" I asked him. He is sitting infront of me nga pala.
"Yeah. My mom planned to transfer me here. Noong una, I refused. Pero nung nalaman ko na dito rin kayo nag-aaral, pumayag narin agad ako."
"And namimiss na kasi kita Anne-Anne" Nagulat ako sa sinabi niya. Well, kung hindi niyo naitatanong. At kung bakit parang medyo naiilang ako sa presence ni Dave, lagi kasi kaming pinagpapares dalawa. I admit na naging crush ko rin siya noon. But that was a long time ago at sobrang bata ko pa noon. Nagustuhan namin ang isa't-isa. But then, inilayo siya sakin, sa amin ni Chloe.
"Really? Don't worry namiss din kita Dave" Namiss ko rin naman siya eh. Kaibigan ko parin naman siya. At hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay pa sa kanya. Ngayon pa ba? Ngayon pang pakiramdam ko na may nagugustuhan na akong iba? Tss.
"Hep hep! Putulin niyo muna ang lambingan niyong dalawa at nagugutom na ko" Bigla bigla na namang sumulpot 'tong si Chloe.
![](https://img.wattpad.com/cover/65556901-288-k758061.jpg)
BINABASA MO ANG
THIS POSSESSIVE MAN IS A MAFIA BOSS?!
Подростковая литератураCold, Hard-headed, Stone-hearted and most of all "MAFIA BOSS" one word to describe him. Kurt Vincent Mijares. The Leader of one of the most Notorious Gang Group in the World "THE X-MIDDLETON" What if you fell inlove with a gangster that has a opposi...