Chloe's POVNasaan na ba yung babaeng yun? Tssk. Late na naman siguro. Kahit kailan talaga napaka bagal kumilos ni Anne. Nauna na akong pumasok. Nandito na ako ngayon sa first subject namin. Wala pa namang prof dahil maaga pa. Nagbasa na lang ako ng libro. Kung hindi niyo naitatanong ay mahilig akong magbasa. Bookworms ako eh. Ganun din si Anne.
Habang nagbabasa ako, naramdaman kong gumalaw ang upuan na nasa likod ko. Aish! Don't tell me nandito na siya? Aish! Okay, I admit. Para akong na crush at first sight kay Warren Cabrera. Ugh!
Sa kinamalas malasan nga naman! Nalaglag yung bag ko sa likod ko. Nakakainis naman oh! Tatalikod na sana ako para pulutin yun nang biglang may kumuha nito at inabot sakin.
Sht! Bakit ang gwapo niya? Yung blonde hair and bangs na nagtataklob sa kilay niya. Pointed nose, pinkish lips and makinis na face. Ugh! Daig niya pa kutis ko. Huhu T__T
"U-um...T-thanks" Aish! Why am I stuttering? Sht Chloe!
He just smiled at me. Omg! He smiled at me! Nag-uumpisa pa lang ang araw ko eh nabuo mo na agad...Warren Cabrera.
Anne's POV
Naglalakad ako sa corridor papunta sa first subject ko. Nauna na kasi si Chloe sakin. Nalate na naman kasing tumunog yung alarm ko eh. Kainis!
Habang naglalakad ako eh napansin ko ang pagbubulungan ng mga estudyante sa paligid.
"Bagay sila no?" Girl 1.
"Ugh! Akin lang dapat si Kurt eh!" Girl 2.
"Ang gwapo talaga ni Kurt. Omg!!" Girl 3.
What the?! Anong sinasabi ng mga 'to? Sa pagkakaalam ko eh ako si Anne at babae ako. Bakit si Kurt ang pinag-uusapan nila. Napahinto naman ako ng maramdaman kong may kasunod ako.
I looked at my back and saw him. Aish! Kaya naman pala eh! Nasa likod ko 'tong mokong na 'to eh! >_<
"Hanggang dito ba naman susundan mo ko?" Bulong ko sa kanya na may halong pagka-inis.
"I'm not following you. I'm going to my fvcking first subject. The hell I care to you" He said in cold tone. What the?!
Hindi na ko nagsalita at sinundan nalang siya. Mukhang pareho kami ng pupuntahan eh. Infairness, ang ganda ng likod niya ha. Tsaka para siyang model kung maglakad. Lahat tuloy ng babae ay sa kanya nakatingin at yung iba ay kinikilig pa. I mean karamihan sa kanila kinikilig.
Pumasok na kami sa room at halos lahat sila ay nakatingin samin. Nandito na rin si Chloe at nakatingin din siya sakin. Halata namang gulat na gulat siya. Tss. Umupo na ako sa tabi ni Chloe at si Kurt naman ay umupo na sa upuan niya.
Bumulong naman sakin si Chloe. "Girl, ba't kayo sabay ni Mr. Pogi?" Tss. Sabi na eh.
"Tss. Hindi kami sabay. NAGKASABAY lang!" Totoo naman eh! Nagkasabay lang naman talaga kami eh.
"Ayieeee" Sabi niya at kinikilig pa. Sinusundot pa ako sa tagiliran. Aba! Loka 'to ah? Baka nakakalimutan niyang siya ang lumalovelife samin dalawa.
"Stop it Chloe! Baka gusto mong sabihin ko kay Warren na crush mo siya? Nanjan lang siya sa likod mo oh!" Pagbabanta ko sa kanya at pasimple akong lumingon kay Warren na ngayon ay nakapikit at may nakapasak na earphones sa tenga niya.
"Bessy naman di na mabiro"She said in sweet tone. Yeah! Childish din 'to minsan eh. Hahaha!
Nag-umpisa na ang first subject namin which is Filipino. At ngayon ay last subject na namin. Napansin ko naman na puro tulog ang mga tao sa likod ko. Si Kurt, Derrick, Miggy at Ryke ay puro tulog. Tanging si Art, Alex at Warren lang ang gising at nakikinig. Pansin ko rin na hindi sila pinapansin ng Prof namin kahit natutulog sila. Seriously?! May favoritism ba dito? Bakit? Sila ba ang may ari ng school na 'to? Kainis lang ah! >_<
"Bessy let's go malling tayo!" Pagyayaya ni Chloe habang nagliligpit ng gamit. Dismissal narin naman namin. Since wala akong trabaho ngayon, sasama ako kay Chloe sa Mall. Remember what my mom told me about my schedule? MWF lang ako sa school at Tuesday and Thursday ay sa office ako.
"Let's go!!" Pag-agree ko naman sa kanya.
Hinatid kami ng driver ni Chloe sa Mall. Hindi narin ako nagpasundo kay Manong dahil sabi ko ay may pupuntahan kami ni bessy.
"Bessy bibili lang ako ng watch" Pagpapaalam ko sa kanya. Mahilig kasi ako sa relo. Parang naging collection ko na yun simula pa high school ako.
"Sige bessy. Punta lang din ako sa Bookstore. You know baka may bagong book. Hahaha!" She said at nakipagbeso sakin. Naghiwalay na kami ng landas ni bessy.
Chloe's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa NBS. Nagpipili lang ako ng mga bagong books. Hanggang sa may nakita ako....
"Illuminae"
Kukunin ko na sana yung libro nang biglang may kamay na huramang. Sabay naming nahawakan yung libro kaya ang nangyari ay nalaglag ito. Pupulutin ko na sana ng biglang unahan niya ko.
"Ano ba?! Ako nauna dito ah?!" Sabi ko atsaka siya tiningnan.
What the? What is he doing here?
"I'm sorry Ms. Akala ko tinitingnan mo lang yung libro kaya kinuha ko nalang" Sagot naman niya. Omg! Ang gwapo na nga niya, ang gwapo pa ng boses niya.
"A-ah a-ano o-kay lang. I-yo na yan. Hehehe!" Aish! Why am I stuttering? Nakakahiya naman sa poging nasa harapan ko ngayon. Huhuhu!
"No. This is yours right?" Pag-abot naman niya sakin ng libro.
"H-hindi. Hindi ko pa naman nababayaran. Iyo na lang." Sabi ko naman saka siya nginitian at umalis na sa harap niya. Nakakahiya naman kasi pautal-utal ako. -__-
Huhu. Yung "Illuminae" ko. T__T
Lumabas ako ng bookstore ng malungkot. Malungkot kasi hindi ko nabili yung libro. Masaya kasi nakita ko si Warren. Ang ultimate crush ko. Hihi.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang humawak sa balikat ko.
"Here. I bought this for you" Inabot niya sakin ang isang supot ng NBS atsaka tuluyan ng umalis.
Tinitigan ko ang supot atsaka ito binuksan. Nung makita ko ang laman ay sobra akong nagulat.
Binili niya nga yung libro. Pero hindi para sa kanya. Kundi para sakin.
BINABASA MO ANG
THIS POSSESSIVE MAN IS A MAFIA BOSS?!
Fiksi RemajaCold, Hard-headed, Stone-hearted and most of all "MAFIA BOSS" one word to describe him. Kurt Vincent Mijares. The Leader of one of the most Notorious Gang Group in the World "THE X-MIDDLETON" What if you fell inlove with a gangster that has a opposi...