The Rules

608 26 1
                                    

Alyssa
(POV KO PA RIN TO) HAHAHA

Medyo naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

Naging kami ni kiefer kagabi.
Sinagot ko siya kagabi.
Pagktapos ng game.

Nagising ako 3am ng umaga dahil hindi talaga ako makatulog sa nangyayari.

Hindi ko alam kung dahil ba to sa pagkapanalo namin kagabi o dahil sa ginawa ni kiefer.

Sinampal sampal ko ang sarili ko na baka nanaginip lang ako.

" Hoy! Baliw ka?" Biglang mag nagsalita sa likod ko

Si denden.

" Naiintindihan ko namang kinikilig ka pa rin hanggang ngayon pero please lang magpatulog ka muna oh" sabi ni den at bumalik na sa pagkakahiga niya

" Hindi ako kinikilig noh! Hmmm.... Hindi ka ba natutuwa? Champions tayo! Whoooooo!" Sigaw ko

" arayyyyyy!!!" Sigaw ko ng biglang may lumipad na unan sa mukha ko

" whooooo!!! Champions tayooo!!!" Sigaw niya at bumalik ulit sa pagkakahiga

Minsan talaga hindi mo alam kung nananaginip ba to o sadyang dinadalaw lang ng ka abnormalan eh!

------

Nagising ako sa pamilyar na boses..

Pag mulat ko ng mata ko..

" What?! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong

Si kiefer na nasa gilid na kama na nakaupo.

" Sinusundo ko lang po yung girlfriend ko" mahinahon niyang sagot

" Okay bye, lovebirds. Kakain ako sa Mcdo. Langgamin sana kayo diyan. Pwe" paalam ni denden

At naiwan kaming dalawa dun ni kiefer

"Kiefer hindi mo pa sinasagot yung mga tanong ko. Ano yun? Ano yung kagabi? Ano yung tayo? Naguguluhan ako. Please iexplain mo" tanong ko sakanya at umupo siya sa kama

" Please help me with this, Alyssa" sabi niya

" Saan? And paano ako makakatulong?" Tanong ko at hinawakan niya ang kamay ko

" We need to pretend as a couple" sagot niya

" seriously? Anong trip mo? Pati ako idadamay mo sa trip mo? Ano ba kasing...." Hindi niya ako pinatapos magsalita

" Please be my girlfriend" sabi niya bigla

" I said yes"

" Why did you say yes?" Tanong niya at medyo nakakaloko yung ngiti niya

" That was only because ayaw kong mapahiya ka sa harap ng maraming tao" sagot ko at tumawa siya

" Really? Hahaha as if I know crush na crush moko" pang aasar niya

" No joke but why did you have to do these? All of these?" Seryoso kong tanong

The Rules of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon