BeaRdy the first meeting

519 26 3
                                    

3 years na ang lumipas at nagpatuloy pa din ang "fake" nilang relationship.
Lalo pa silang nagexcel sa mga sports nila at dun sila nakilala bilang mga Phenom Couple.

Alyssa's POV

4th year na kami at hanggang ngayon wala pa rin kaming nakukuhang championship. Sina ate gretch grumaduate na last year.

Ako naman ang naging captain ball ngayon. Mahirap na responsibility pero kakayain para sa team.

May mga bagong recruits naman kami from other school. Si bea de leon from poveda. Therese Gaston from UST where I came from. Maddie Madayag from Davao(?) and Jhoanna Maraguinot from La Salle.

Andito naman ako sa BEG ngayon para kausapin yung mga bagong recruits at eto nanaman si kiefer kasama ko. Kahit kailan ang kulit eh buti nalang andito si den kaso may kausap pa sa phone.

" Hi! So guys welcome to the family!" Salubong na bati ko sakanila

" Babe ang baduy mo talaga" pang aasar ni kiefer

" SINONG BADUY?" Pasigaw na sabi ko at nagfake smile ako

" Ako yung baduy babe. So welcome dito sa ateneo!!" Biglang sabi mi kiefer at winelcome niya yung mga bago

Tsk kiefer kahit kelan ka talaga ang kulit mo.

" Kuyaaa!" Sigaw ng boses sa likod namin

" Yow!" Sagot ni kiefer sa kapatid niyang si thirdy

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay thirdy

" Wala naman ate aly. Napadaan lang" sagot niya at tumingin siya kay bea

" Napadaan lang ba talaga o may dadaanan talaga?" pang aasar ko

" Hey guys so sorry.. So since we've met already.. Hmmm i think you guys already know me.. Hehe us" biglang sabi ni den na bumalik na

At nag nod silang lahat na parang nahihiya pa

" So guys this is my brother Thirdy" pagpapakilala ni kiefer kay thirdy

Isa isa naman inintroduce ng mga bagong recruits ang mga sarili nila kay thirdy.

Kitang kita ko naman si thirdy na kanina pa nakatingin kay bea. Hays mana sa kuya talaga.

" Uy bat yan ang tinititigan mo? Ako lang dapat!" Biglang bulong ni kiefer saakin

" baliw ka talaga. Tingnan mo yung kapatid mo tingin ng tingin kay bea. Manang mana sayo masyadong chickboy" sabi ko at hinawakan niya kamay ko

" Sayo lang ako" sagot niya at kinindatan niya ako

After 5 hours ng usapan at training. Agad naman akong bumalik sa dorm at di ko namalayan na nasa likod ko lang pala si den.

Pumasok na kami sa room at agad akong humiga sa sobrang pagod.

" 3 years na kayo ni kiefer.. Nakita ko yung reaction mo nung sinabi niyang sayo lang siya.. Kelan ka ba aamin?" Biglang tanong ni den

" hindi mo matatago sakin yun. Roommates tayo. Alam kong fake yung relationship niyo ni kiefer.. So babalik tayo sa question ko... Nahuhulog ka na ba?" Dagdag na sabi niya

Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinasabi niya pero wala akong magawa.

" kung ano man to.. Hindi na yun mahalaga" sagot ko at tumayo ako mula sa pagkakahiga

The Rules of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon