~CSC..2

49 3 0
                                    

     1st week palang ng classes kaya mejo nakakatamad pa pumasok. Lagi kaming naka-upo ni Anna sa likod ng room. Ako hawak ang sketchpad, siya naman yung DSLR tumitingin ng pictures. Minsan nga tinignan ko yung laman nun hindi ko naman kilala yung mga andun. Paano eh puro bulaklak, puno, ulap. Amboring kaya nun. Mas maganda pang magdrawing.

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto, napa-ayos ako ng upo kasi akala ko instructor yung pumasok, hindi pala. Pero there's something about him that caught my attention...

..

..

..at yun ay kasi HINDI KO SIYA KILALA. I mean, ngayon ko lang siya nakita, ngayon ko lang siya naging classmate.

"Ruth!, galaw galaw baka ma-stroke." hindi ko namalayan nakatitig na pala ako dun sa guy na may dalang gitara.

"New student ba yan, bakit ngayon ko lang nakita pagmumukha niya dito sa building natin, hindi familiar eh."

"Narinig ko sa classmates natin na cross enrolee daw siya. Engineering naman daw." bakit ako walang narinig.

"Ah ok." hindi ako intresado. Pero ang cool niya. Rak en rol!!! haha.

"Siya yung lead guitarist ng The Coy na banda di ba?" sabi ni Chloe na nasa harap namin. Kaya pala may dalang gitara may banda pala.

"Oo nga, ang gwapo niya talaga. Kyaaaaa" 

"Gwapo agad,malay mo bading yan." pabulong kong sabi. Grabe, parang ngayon lang nakakita ng gwapo? Hindi naman siya masyadong gwapo, ma-appeal naman, may itsura, pero sige na nga let say that he's gwapo. But I don't care.

"Teh, ayos ka lang, lalim ng iniisip ah."

"Nag-iisip lang ako ng i-dradrawing ko mamayang break."

****BREAK****

    Tumambay ako sa garden, as usual. Si Anna may meeting sa photography. Nilabas ko yung sketchpad ko and I start sketching. Little did i know, I'm sketching a guy with a guitar in his back. I-eerase ko na sana pero hindi ko mahanap yung eraser ko. Sakto pang dumaan yung classmate naming yun. Dali-dali ko namang tinago yung sketchpad ko at tumakbo papuntang canteen, parang kailangan ko kasi yung tubig. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, hindi kaya natatae lang ako?

Umupo muna ako sa isang bakanteng table sa canteen. Pinapatahan ko muna yung puso ko kung normal na ba ulit. Hindi nagtagal eh biglang

"Hoy!! Ruth, anyare bakit nakahawak ka dyan sa puso mo? Nahulog na ba yan ulit?" sino pa ba edi si Anna.

"Oo nahulog, este anong nahulog ka dyan, napagod lang ako kakatakbo kanina."

"At bakit ka kasi tumatakbo? Tingin mo elementary ka teh?"

"Kasi hinihila ako ng banyo kanina, naiihi ako, pero sa canteen ako napunta?"

"Pwet mo Ruth, ganyan ka lang kapag may tinatakasan, spill it teh."

"Kasi ano..."

"Kasi??"

"Kasi, parang natatae yung feeling ko kanina eh, yung sumakit yung tyan tapos biglang bilis ng tibok ng puso ko na kinakabahan ako."

"Sintomas na yan ng inlove teh.'

"Inlove mo mukha mo Anna. Hindi uso sakin yan teh."

"Palusot ka pa kasi siguro may crush ka nuh na hindi sinasabi sakin." sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Sino naman kaya magiging crush ko? Eh wala nga akong makitang matino ngayon."

"Weh,anong tawag sa tingin mo dun sa cross enrollee nating classmate kanina?" with that I gave up..

"Nangingilala."  walang ganang sagot ko kay Anna. She won't stop until hindi siya nananalo.

"Nangingilala ka dyan?"

"Slow Anna, malamang inaalala ko kung kilala ko siya. Parang kilala ko siya, parang nakita ko siya elsewhere."

"Ang sabihin mo na-crush at first sight ka sa kanya nuh, aminin mo na, The way you look at him a while ago, it means something teh."

"Yeah, you know better than how I feel." sabi nga nila, "Photographers know how to read what your eyes ought to say." Totoo kaya yun. Ehh hindi ko naman siya kilala, ni pangalan nga niya di ko alam eh.

"Kasi teh, you don't open your hearts."

"So kailangan ko pa-surgery teh? Haha. Saka na yang love love na yan, mag-graduate muna tayo with flying colors." kapag love ang pinag-uusapan. Pass ako lagi, I don't want to be hurt again.

"Sabi mo eh, yiee, Crush niya yung lead guitarist ng The Coy."

"Whateber Anna. Crushin ko mukha mo eh."

rhenireesh ^_^v

CU's Stolen Couples (CSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon