Lumipas ang isang buwan. Nahihiwagaan ako dito sa guitarist na cross enrollee. Hindi ko alam pero parang nacurious ako. Sino kayang hindi!? Eh halos lahat naman ng classmate namin kinakausap niya pati yung ibang girls. Bakit ako hindi. May problema ba sakin??
HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! Napa-amoy tuloy ako sa hininga ko. Hindi naman bad breath. Inamoy ko din kili kili ko. Mabango naman, wala naman akong body odor. Grabe nakaka-degrade ng pagkababae ito ah.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit mo inaamoy yung leki-leki mo?" bigla akong napatingin sa kaniya. "Mukha kang shunga shunga. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tatawa-tawa pa tong bwisit kong bestfriend.
"Tatawa-tawa ka pa. Eh inaamoy ko lang kaya yung kili-kili kong mabango. Amoyin mo." sabay habol ko sakanya para ipa-amoy. Napatigil ako nung feel ko na nakatingin pala halos lahat, hindi pala halos, LAHAT pala. Pero bigla atang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nung napatingin ako sa kanya. Sino pa ba kundi sa lalaking naligaw sa department namin. Uggghh.. We are always like this. Tsaka dati nung first year, ayos lang kasi parang wala lang. This time, it's different. And it's because of him.
"He-he-he, sorry guys. Mabango kasi yung rexona eh. Try niyo." sabay hila kay Anna palabas ng room.
"Hahahhahaha. Made my day Ruth. Nako. Pulang pula mukha mo kahit hindi ka kaputihan, akalain mong namumula ka din pala. HAHAHA!"
"Wow, ah. nahiya ako teh, parang ang puti puti mo din ha."
"Pero ma-iba ako teh, mabango talaga yung rexona? Pa-amoy nga."
"Shongek hindi ako nag-deodeodorant, palusot lang yun, wala akong masabi eh."
"Sino kasing college student ang sasabihin yun, seriously teh, anong meron sayo ngayon?"
"Waley, nagugutom lang kasi ako."
"So nakaka-busog ang pag amoy sa kili-kili ganun? HAHAHA."
"Tawa ka pa Anna, makakatikim ka talaga sakin ng batok." bigla naman siyang tumigil. Haha, scared yan eh, masakit kasi ako mambawi. Grabeng kahihiyan talaga kanina. Ayos lang sana kung wala yung lalaking guitarist na yun. Anong bang pangalan nun, isang buwan na pero bakit hindi ko alam?
"Ok, sorry sorry. Hindi ko lang kasi mapigilan. Hindi na ako magtatanong. Tara kain nalang tayo, libre kita."
"Yess!!!! Kahit buong araw mo ako pagtawanan kung may libre naman."
"Hoy, huwag assuming teh, tubig lang ililibre ko sayo. Haha."
"Ah, ganun pala ah, meron pa naman sana akong sasabihing place para dun sa project mo sa photography. Pero wala eh, tubig lang pala."
"Ui hindi naman mabiro,anong gusto mo. Brownies? Chuckie? Juice? Cake? lugaw? Masahe?"
"Hep, bakit ang daldal mo nagyon Anna? Haha, joke lang, brownies lang gusto kong ipalibre. Pagkatapos ng klase, puntahan natin yung place."
"Waaaaahhh."napayakap sakin si Anna. "Ilabyooooooouuuuuuuuuu talaga Ruth, ikaw na."
"Anna, hindi ata tayo makakapunta dun, baka kasi mamamatay ako sa higpit ng yakap mo eh."
"Sorry teh, na-carried away ako eh. San ba yun?"
" Sa tabi-tabi lang. Pahatid nalang tayo kay kuya. 30 mins lang naman yun. Don't worry."
" Sige."
|| don't be a silent reader po. be a fan.. Follow po and vote.. comment nadin po para sa ikabubuti ng story..salamat||
rhenireesh ^_^v
BINABASA MO ANG
CU's Stolen Couples (CSC)
Novela JuvenilUniversity's Stolen couple.isang page sa facebook na isang matchmaker. Si Ruth na walang pakialam sa salitang lovelife ay mabibiktima ng CSC.. Eto nba ang umpisa ng pagkakaroon ng lovelife niya???