~CSC..5

32 0 0
                                    

  Halos matatapos na ang finals, pero wala pading Mr Coy Castro na pumasok sa classroom namin. Guess what? His real name was Coy Castro. Hahaha. Grabe pwede na ako sumunod sa yapak ni madam Auring. Haha.

"Lalim ng iniisip mo ah Ruth? Puyat ka nanaman ba?"

"Hindi, it's just that paarang may kulang ngayong araw?"

"Anong ngayong araw? Lately nga lagi kang space-out dyan eh? Ano bang problema te?"

"Ewan ko te, hindi ko kasi makuha mood ko sa pagdrawing eh. Hindi ko pa nagagawa yung requirement ko na due na next week!" naiiyak na sabi ko kay Anna.

"Ano ba yung theme nyo?"

"Music is love. Badtrip nuh?" sa dinami rami pa kasing ikakambal sa music bakit 'love' pa?

"Kaya naman pala eh, may kinalaman nanaman sa love yan."

"Pwede naman kasing Music is Hapiness, Music is Life. bakit music is Love pa"

"Oo nga!!!!!!" nagulat ako kasi naman tumayo bigla si Anna. 

"Hoy umupo ka nga, pinagtitinginan tayo dito sa cafeteria eh" natauhan naman siya at biglang umupo. HAHAHAHA,, She's really weird.

"What I am saying is music is hapinnes same as love teh, kasi example kapag broken-hearted ka or inlove, napapakanta ka. O kaya naman music yung karamay mo." bigla naman ako napaisip sa sinabi ni Anna. Oo nag tama siya nung broken-hearted ako nun, music lang yung kausap ko, parang siya lang yung nakakaintindi sakin.

"Hey!! Naiiyak nanaman itsura mo, don't think about the broken-hearted part teh. Think of something happy. Ano ba yung sa tingin mo eh kapag masaya ka eh parang napapakanta ka nalang. Yung kapag naririning mo yung lovesong eh siya yung naiisip mo.. Yung...."

Sa sinabi ni Anna, may isang bagay lang na pumasok sa isipan ko. Kaya naman kahit hindi pa siya tapos eh, tumayo na ako at pumunta ng garden para mag-drawing dun, 

"Hoy Ruth, welcome ha!!! Basta idrawing mo yung insirasyon mo." rinig ko pang sigaw ni Anna.

***

Hindi na ako dumeretso sa garden, umuwi na ako agad. Hindi ko narin pinasukan yung isang minor subject ko. Tinext ko nalang si Anna at alam niyo kung anong sabi niya?

"Go Girl,find your happiness!!" Parang pakikipagtanan lang ang peg ng bestfriend ko sakin.

Prinepare ko na yung drafting table ko, dinikit yung kalahati ng cartolina at nagsimula ng mag-sketch.

"MUSIC IS LOVE"- mali naman kasi yung theme eh, kulang kasi. Dapat ang ilagay music is hapiness and life, same as in love. Etong project kasi namin parang slogan. Pero sana hindi magalit yung intsructor ko kais pinalitan ko yung theme.

After an hour, I came up with a sketch of a band in a cloud. Nasa cloud siya kasi iniisip siya ng isang girl from a  heartbreak. dahil sa kanta nung bandang yun eh, Nainlove ulit siya. She had the guts to move on. Basta parang ganun. I don't know what am I thinking but I named the band 'THE COY'. I decided to just put it into a charcoal drawing.

Habang tinatapos ko yung drawing, bigla akong lumungkot, naisip ko bigla si guitar guy, si Coy. Bakit kaya siya hindi na pumapasok? It seems that my day's not complete without seeing him with his guitar. Sa pag-iisip ko, nakatulog na ako sa table ko.

"Ruth, sorry ha kung hindi kita nakakausap, wala lang kasi talaga akong lakas ng loob. Oo natotorpe kasi ako. Baka kasi sungitan mo lang ako."

CU's Stolen Couples (CSC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon