The Heartbreaker's Club

276 3 0
  • Dedicated kay Michelle Dianne Salcedo
                                    

I want to dedicate this to Heart Yngrid, author of many Precious Hearts Romances pocketbooks. Sa kanyang stories kasi nanggaling ang place na Romantico's (Romantico and Campus Girl: Jela). And this place became my favorite imaginary restaurant. Oh yeah! Idol ko talaga si Heart Yngrid kaya buy na kayo ng books niya and read it. It's worth every penny. Di sana siya magalit dahil ginamit ko yung Romantico's dito sa story ko. *Cross fingers*

Dedicate ko rin ito sa friend ko. Mich, read mo to ha. Mwah! :))

I want some honest feedbacks from the readers. Sana marami feedbacks para ma-inspire akong magsulat ng continuation... hehe! :))

Prologue: Mission Accomplished

The place is simply perfect. Romantic ang ambiance, may sweet and sultry music and dim lights.

Yes, this place is perfect for my bombshell plan tonight.

Pumasok na ako sa Romantico's. The name speaks for itself.

Sinipat ko yung paligid at hinanap yung taong ime-meet ko ngayon.

Nakita ko siya sa may table malapit sa wall na may mga pictures.

Kilala ang restaurant na ito for its collage wall which consists of different lover's pictures. Lahat daw kasi ng lovers na nag post ng pictures dun nagkakatuluyan. Well, yun yung narinig ko sa mga sabi-sabi nang mag-research ako about sa place na ito. Isn't this place nice and romantic? Hmmm. Ako kasi pinapili ni William ng place for this date. At ang restaurant ang naisip kong venue. Perfect place for my perfect plan tonight.

Kumayaw siya ng makita niya ako. Signal na yun para lumapit na ako sa kanya. I flashed my big smile and walked towards him.

Tumayo si William habang papalapit ako sa kanya.

"Hi! I'm glad you came and accepted my invitation tonight." he gave me a peck on my cheeks and pulled a vacant chair, yung nasa tapat ng chair niya, for me to sit on.

Hmmm. Nagpapa-impress. Good sign.

Siyempre, di pa rin nawawala yung ngiti ko. Masakit na nga yung facial muscles ko eh.

But it's alright. All for the success of my plan tonight.

Ang tagal kong hinintay tong gabing ito, kaya kailangan kong magtiis kahit na nakakapagod na. After all the hard work, matatapos na rin itong misyon ko ngayon. I hope everything goes alright.

"Diamond, i'm really happy that you accepted my invitation today." sabi niya matapos naming maupo at kunin ng waiter yung inorder namin. Paulit ulit? Paulit ulit? Psk.. Boo

Actually, di ako yung umorder kundi itong lalaking kasama ko. Di ko naman kasi feel kumain, lalo na pag kasama ko itong lalakeng ito.

She flashed another mouth-watering smile and replied "Why wouldn't I accept your invitation William?"

"Yeah" the guy shyly replied.

Timing naman dumating yung inorder namin... ay, yung inorder niya pala.

Buti nalang, dahil ayaw ko siyang kausap. Kaya, ayaw kong magbukas ng topic. Nakakabagot din naman kausap itong isang ito. Boring to the highest level talaga!

Pero pag nagpumilit siya... papakita ko na lang sa kanya yung "don't-talk-when-yur-mouth-is-full" look. Ano yung look na yun? Try niyo, makukuha niyo yan eventually. May innate talent tayong mga pinoy na gumawa ng look na yan. Kwentong barbero... Psk.

Tahimik naman kaming kumain at natapos. Effective yung look ko eh kasi sa tuwing magbubukas siya ng topic, inaarte ko kaagad yung look na alam niyo na...innate sa ating mga pinoy. And everytime na gawin ko yun... napapa-"nevermind" siya. O diba, epektib? [Evil laugh]

The Heartbreaker's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon