Chapter 2 (1): Mr. Pres... ahem, Elwood

44 4 2
                                    

"Ay tae.." Naglalakad ako ngayon papuntang gate, pauwi na sana ako ng maalala ko yung "note" na ibinigay ni Mr. President. Nakakainis naman o! Nakakainis dahil gabi na nga, 7 PM natatapos yung class ko, matatagalan pa talaga ako dahil nga pinatawag ako ni Mr. President. Amfufu at antae! Mag-oonline pa naman ako mamaya kasi nga may business kaming pag-uusapan ni Sensei. So help me espiritu ng pechay! Kaya imbes na papunta akong gate, eh nag u-turn ako papuntang student's council office. Di pa rin ako maka-get over sa nilalaman ng letter... lech talaga! Ako pa talaga ang may kasalanan, eh nananahimik lang naman ako. Pero, okay na rin. Ayaw ko ng away pero sana ma-areglo ko ito kay Mr. Pres. I WANNA GO HOME BADLY! I wanna rest and do my thing. T_T

Mabilis akong naglakad patungong SC office dahil gusto ko na talagang matapos itong unwanted appointment ko and eventually, makauwi na. Pwede bang mag-teleport na lang? Yung gaya kina-Goku ng Dragon Ball Z? Nakakapakod pows! Habang papunta ako sa office eh, nag-iisip ako kung ano ang maaaring parusa yung ipapataw ni Mr. Pres. Community service? Money? Katawan ko? EHHHHH! Nangagarap lang ng gising, ambisyosa ko te! Babangasan ko yung....niya, pag in case lang naman "ito" yung  ibibigay na punishment niya. Nakakasuka naman itong iniisip ko. I'll go with community service na nga lang. 

"Ah miss... miss? Anybody there? Yuuhuu?" Hala, bat may creature dito sa harap ko? Hindi lang basta creature, hanep sa kagwapuhang creature! Di ako masyadong nakaka-appreciate ng male beauty and noon isa lang ang exception doon sa weird outlook ko. Si Eugene Elwood Young. Ngayon, mukhang madadagdagan pa ata. Di naman masama ang mag-appreciate eh, kahit nasa business ako ng pagsira ng kanilang mga so-called relationships. Di ko napansin na may nakaharang na pala sa dadaanan ko at kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan. Nakakahiya naman.."Ah, bakit? May kainlangan ka ba?" tanong ko dun sa guy. "Ah, wala naman miss. Nakaharang ka kasi diyan sa daan at nag-alala ako baka na-heart attack ka na sa kinatatayuan mo" nakangising sagot ng mamang ito. Antipatikong lalake, kung may namamatay lang sa tingin ay baka kanina pa ito bumagsak sa lupa. "Sorry naman at salamat po sa inyong insightful reminder. Makikiraan po." patuya kong sabi sa kanya. Mabuti na lang at kusa siyang nag back- off para paraanin ako. Dahil kung hindi niya talaga ako pinadaan i'll kick his shin yung level na talagang maluluha siya sa sakit. Bad trip ako ngayon eh, kaya lumalabas yung wild and sadista side ko. "Ah, miss..." tinawag ako ulit ni Mamang Kulit. Dahil nga may manners naman ako, lumingon ako sa kanya sabay sabing "yes?". "Ako nga pala si Mikael Karmelote... ^_^" sabay walk out. Ano yun? nevermind.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng SC office. Kakatok na ana ako ng biglang bumukas yung pintuan, kaya yung pagmumukha ni Mr. President yung nagawa kong pinto. "Naku po, sorry po at ginawa kitang pintuan. Peace!" nagpa-cute na lang ako para di niya dagdagan yung parusa ko. Di ko alam kung effective. Well, di naman siguro yun ground for punishment diba? Mukhang reasonable naman itong mamang ito. I hope talaga... "Nandito ka na pala Ms. Puentavilla, pasok ka and please wait for a sec may kukunin lang ako." at diretsong lumabas ng SC office. Habang wala pa si Mr. President ay naupo muna ako sa sofa na naroon. Ngayon  lang ako nakapasok dito kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na mapag-aralan ang loob ng silid. Well, maganda ang interior. Para ngang hindi estudyante ang may-ari eh. Minimalist ang tema ng silid, although not too grand ang design, masasabi namang may taste ang Mr. President namin. Nasa linya ako ng pag-iisip ng biglang pumasok si Mr. Pres. "Sorry to keep you waiting, Ms. Puentavilla." hinging paumanhin ni Mr. Pres. "Ah, ok lang yun. Bakit mo ba ako ipinatawag? Well, aside sa alam mo na.." Di na ako nagpaligoy-ligoy sa kanya dahil nga, gusto ko na talagang umuwi to the highest level. "Ms. Puentavilla, what you did earlier, we cannot tolerate it. Di ka pwedeng gumawa ng gulo dito sa school and because you did, you will be sanctioned. But before that, you may defend yourself against all the accusations of Steffie." Leche, ang biatch pa talagang yun ang may ganang mag-reklamo. Nakakabwiset lang. "Alam mo, Mr. President.." nagsisimula na akong mag-explain ng biglang suningit si kamahalan, "Elwood.." uy, FC? first name basis agad? Nevermind. "Alam mo, Mr. Pres.." pinaningkitan niya ako ng mata "ahm, Elwood. Di naman talaga ako ang nagsimula. Sila naman talaga, tahimik nga lang akong naglalakad ng bigla silang humarang." blanko pa rin yung mukha ni Mr. Pres.. Elwood kaya ayaw ko nang magsalita. "Yun na yun?" tanong ni Elwood. "Oo, yun na yun."

"Heera, ayaw kong maging unfair sa iyo at sa kanila. Here, you must defend yourself in any accusations dahil I will decide based on the facts i've gathered. So, yun lang ba talaga ang sasabihin mo?" gusto ko na talagang umuwi kaya ang sagot ko sa kanya "May huli pa akong sasabihin, GUSTO KO NANG UMUWI, PWEDE BA?" di ko maiwasan ang mairita, wala talaga ako sa mood ngayon. Napailing na lang si Elwood. I DON'T CARE ANO MAN ANG VERDICT NIYA, KAHIT MAG COMMUNITY SERVICE AKO OKAY LANG MAKAUWI LANG AKO NG MAAGA NGAYON. PLEASE LET ME VANISH FROM HERE. AMFUFUFUFUF! T_T 

"Heera, naka-decide na ako ng best solution for your situation... It seems fair naman and hindi mabigat ang ipapatrabaho ko sa iyo." Tumango-tango ako habang nagsasalita si Elwood. Good... Community service lang naman pala eh.. SISIW. CHICKEN. CHICKEN NOODLE SOUP... Achecheee. "You will be my assistant for a month, after class mo ay dumiretso ka rito para tulungan ako sa mga gawain ng SC." Homaygosh, for real? Please let me vanish...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Heartbreaker's ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon