To my ever favorite author of Reaching You, thank you for creating Ren. I dedicate this chapter to you.
************************************************************************************************************
"Teka lang, huy mama! Teka!" Takbo ako ng takbo. Kanina ko pa kasi hinahabol yung guy na naka-hood. Bakit ko ba siya hinahabol? Ewan.
"Oy ha, nakakapagod maghabol ng lalaki! Teka nga mama! Stop in the name of love!" malakas kong sigaw. Eh ayun, tumigil naman yung lalaki. Hay salamat. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ang maghabol ng isang hamak na lalaki. Di sila worth it sa attention ko. Well, di naman ako man hater. Well, slight. Doon lang sa mga balasubas, manloloko, playboy, anak ni barabas kay medusa and the likes. Parang magkakaroon ako ng altapresyon, Miriam Defensor level, kapag may nakikita akong babae na umiiyak dahil sa isang lalake. Ang sarap iprito nung... yung puso nila. Ay tama, wala nga palang mga puso yun. Ang napaka-ironic nitong nangyayari ngayon dahil never akong maghahabol ng lalaki. Over my dead and uber sexy body. So, bakit nga nag-aaksaya ako ng pawis para sa lalaking naka hood na ito? Mukha namang hoodlum eh. Habang papalapit ako sa mamang naka-hood, na hanggang ngayon nakatalikod pa rin, eh biglang umulan. Oh my gosh, basang-basa sa ulan ang drama ko ngayon. Langya lang. >.<
Anobeyan, bakit nababasa ako? May sira ba bubong namin? Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, mahirap na baka magka flash-flood dito sa room ko. Pwede ba yun, eh nasa second floor ako? Ewan, bakit ba ako tanong ng tanong? Pagdilat ko ng mata ko, eh nagulat ako ng makita ko yung kapatid ko na nakatayo malapit sa kama ko... at may dala siyang tabo habang nakangisi ng nakakaloko. Burahin ko yang ngiti sa labi mo eh, kakabad-trip naman. "Bumangon ka na nga, batugan! Malapit ka nang malate sa school." sabi niya habang papalabas na ng room ko. Tiningnan ko yung alarm clock sa may table malapit sa bed ko and... oh my golly gawgaw! Late na ko! Bakit di niyo ako ginising ng maagaga? Bakit di ako ginising ni alarm clock? Bakit nag fi-freak out with friends na naman ako dito? Kaya ayun, tumalon agad ako from my bed. Eh may, activity pa naman kami ngayon. Nakakainis lang, parang prosecution side lang sa impeachment ni CJ Corona. Record breaking ang araw na ito dahil natapos akong maligo, nag-ayos ng sarili at kumain within 30 minutes. Ayaw kong ma-late. Makakatikim ng hagupit ni Heera yung kapatid kong si Kiera mamaya. Pinatay niya pala yung alarm clock dahil naiingayan siya. Ano ba ang silbi ng alarm clock, eh di ba para mag ingay para magising yung nagpapa-alarm? Epic talaga itong sis ko. Ayun, nambadtip pa talaga dahil ancient technique yung ginamit para magiaing ang isang tao. Ang pinaka-naiinis na way para manggising. BAD TRIP talaga. Kaya ngayon, papunta na ako ng school. Buti na lang at hindi pa ako late, i accomplish mo kaya lahat ng morning routinary activities within thirty minutes. Try mo? Ang normal kasi ay 2 hours a day eh, kaya windang na windang yung world ko ngayon. Di pa nga maayos yung pagkakasuklay ko eh. Nakakahiya naman. Well, di rin naman ako pansinin dito sa school. So, wala ring makakapansin kung magulo ang buhok ko, may kulangot sa mata at muta sa ilong. Ay baliktad! ^=^
Oh, oh! Binabawi ko na yung sinabi ko kaninang di ako pansinin sa school. Center pala ako palagi, center ng kabulastugan nitong mga schoolmates ko. Lalo na itong mga Bitch Girls na akala mo kung sino. Kesyo boyfriend ng MVP, kesyo Ambasadress sa school eh ganoon na makaasta. Talo pa ang presidente ng Pilipinas. Nakakainis lang. "Hoy, weirdo! Bad hair day ka ngayon? Di mo ma-afford ang suklay? Poorita ka? HAHAHAHAHA!" sigaw ng nagngangalang Steffie, the bitchest among the bitch. Nakakaloko talaga itong mga Bitch Girls, feeling maganda. Hipon naman! Sexy nga, she-who-must-not-be-described naman ang mukha. Well, mataas ang standards ko eh, kaya di sila pasok sa category ng magaganda. Patuloy pa rin sila sa panunukso at katulad ng ginagawa ko noon, hindi ko sila pinapansin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang classroom ng biglang hinarangan ako ni Steffie, the so-called queen bee.
"At bakit di mo ako pinapansin ha, dukha?" Ouch ha. Ansaket nun ha. Di ako dukha, by the way, nagmumukha lang akong dukha ngayon dahil ayaw kong maka-caught ng attention. Simple lahat ang mga gamit ko. Nothing flashy kumbaga. "Eh, pasensiya na PO at di PO kita pinansin. Paumanhin PO ulit." Sagot ko sa kanya. Nakakainis ang pagmumukha ng babaeng ito. Di pa nga ako naka-get over sa pagtawa niya sa aking dukha, eh may second blow pa pala! "Hoy babaeng mababa ang lipad, hindi pa ako matanda para gamitan mo ng salitang po." Sasampalin pa ata ako ng babaeng ito, nakaposition na yung kamay niya para ipahalik sa pisngi ko. SYET, SASAMPALIN AKO! Oh my golly pechay! Napapikit na lang ako at hinintay na dumampi sa akin yung filthy niyang kamay. Wala naman akong magawa dahil ayaw ko ng away, mahirap na at baka magkagulo. Mapasugod pa ang parents ko sa school at yun ang ayaw kong mangayari.