chapter 9

4 1 1
                                    


"Hoy Louisa, pag-aralan mo naman ito ng maigi para hindi tayo pabalik-balik sa simula. Alam mo bang napakahirap mong turuan, puro ka reklamo!"

"Eh di tigilan mo 'to" walang ganang sabi ko. Isinubsob ko nalang ang ulo ko sa may table. "It's not my fault kung mahirap akong turuan" dagdag ko pa.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Alam mo bang matalino ka"

"How did you know?" Tanong ko ng hindi pa rin siya nililingon.

"Dahil nakatungtong ka sa College" great! Lord, please sana habaan niyo pa po ang pasensya ko sa lalaking 'to baka matapon ko siya sa outer space ng wala sa oras. "Hay naku, bahala ka sa buhay mo. It's up to you kung mag-aaral ka or hindi, total buhay mo 'yan" I sighed. Kasalan ko ba kung tinatamad ako? Eh useless lang din naman itong pagpapakahirap kong mag-aral kung sa bandang huli, makakalimutan ko na naman ito

"Rain, I'm gonna die" bulong ko. Hinintay kong mag-react siya kaso wala akong narinig kundi ang mga mumunting paghilik niya. Nakatulog na naman siya. Nilingon ko siya. Di ko talaga maiwasang hindi mainsecure sa mukha niya. Talo kasi ako sa kagwapuhan niya. Mukhang nahihiyang tumubo ang mga pimples niya unlike me, may mga pimples paminsan-minsan kapag dumadating ang period ko. Pero pretty pa rin as always. "Rain, I'm scared to death. Ayoko pang mamatay. May gusto pa akong makita" maiyak-iyak kong sambit sa kanya habang hinahamplos ang mukha niya. Buti nalang nasa bahay kami ngayon, dahil kung hindi malamang pinagchichismisan na kami kung bakit kasama ko itong asungot na 'to. Pinagkalat pa naman niyang may relasyon kami.

Napagdesisyonan kong lumabas muna para magpahangin. Wala si Mommy sa bahay ngayon dahil may lakad siya. Ewan ko kong saan siya pumunta.

Matawagan nga si Kuya.

"Kuya" sambit ko agad pagkasagot niya sa tawag ko.

"What's the matter sis? I'm in the middle of my class so better tell me it fast"

I sighed. "No-nothing Kuya. It's just.. that I miss you. Kayo ni Prince, miss ko na kayo" naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi kailangan naming magkalayong magkakapatid? I'm their only Princess and sanay akong laging nandito ang mga kuya ko.

"Sis, you know the reason why-"

"Mister Susuki. Better hang up that phone call. We have still our class so better come here or else you'll be dro to my subject" narinig kong may sumingit sa usapan namin. Prof niya siguro.

"Sis, I'll hang up na, I'll call you later" toot~ toot~

"Kuya..."

"Louis" automatic napaayos ako ng tayo pagkarinig ko sa boses na 'yon. "What are you doing here?" Tanong niya ngunit nakayuko lang ako. Gusto na kasing tumulo ng luha ko. "H-hey" untag niya ng bigla ko siyang yakapin. "Anong-"

"Walang nakaalala sa birthday ko" halos mangiyak kong bulong sa kanya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Hi guys! Sorry sa mabagal na pag-update...

Chan♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unreachable Star (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon