Prologue

35 0 0
                                    

Yllana's POV

There's this certain time when I just think about what had happened, look back and saw myself confused about everything. I felt dumb and stupid. Well, that WAS before.

Buhay nga natin hindi forever, kami pa kaya? Lahat may ending, lahat dapat matapos. After 3 relationships that I had, hindi parin ako natuto. Eto na naman ako ngayon, umiiyak. Iniwan na naman ako-- no, NILOKO na naman ako. Oo, ako lagi ang na-aagrabyado. Ewan ko ba kung bakit pa ako nagmahal ulit. Bakit ba kasi hindi natin mapigilan ang mahulog sa MALING TAO?

"Bakit pa ba kasi tayo pumapasok sa isang relasyon kung alam naman natin na matatapos lang din ito?" biglang tanong ko bilang pagbasag ng katahimikan. Hawak-hawak ko ang isang roll ng tissue habang nakatulala. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. I know I won't find the answers to my queries just by staring to nowhere. Pero alam ko rin na hindi ko makukuha ang mga sagot kung hindi ko sila hahanapin mismo.

"Eh bakit pa ba tayo nabubuhay kung alam nating mamamatay lang din tayo?" sagot ni Rege. Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Ang tanga ko talaga. Tama nga naman siya. Bakit pa ba ako nabubuhay? Para gamitin ng iba? Para maging girlfriend nila saka iiwan rin naman pag may nahanap na mas maganda?! Well basically, ako naman talaga ang nakipag break. Pero masyadong masikip ang dalawa sa isang puso! Ayokong magmukhang tanga. Na kahit harap-harapan ka na ngang niloloko, todo tanggap ka parin.

Buti pa si Rege, sa dami ng pinagdaanan ko, andito parin siya. He sees my pain, feels my sorrow. He saw the worst of me. Every heartbreak, he's beside me. Bakit di nalang siya ang minahal ko ng higit sa kaibigan? Bakit hindi nalang siya ang naging boyfriend ko imbes na yung gagong nag two time sakin?

"Alam mo kasi, there are things that are better just the way it is. Gets mo? May mga bagay na hindi dapat. Siguro mas mabuting hanggang dun nalang yun para walang conflict. Baka kasi pagsisihan lang natin ang posibleng mangyari." bahagya akong napangiti sa sinabi niya. He might not know it but he answered my silent questions. Siguro nga dapat hanggang dun lang kami. Mas better na reason ay baka may iba para sa kanya. Malay ba natin?

Bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang aking mga kamay saka ako tiningnan sa mga mata.

"Be strong. Don't give up Yll. You have me. Andito lang ako, ang bestfriend mo! You have gone through worse. In fact, this should be easy for you, right? You can get through this, I know you can." sabi niya sabay ngiti. Kung virus nalang sana ang ngiti, willing akong magpahawa, kaso hindi eh. Napayuko nalang ako sabay pahid ng luha ko na nangingilid na naman. Hindi dahil sa na touch ako sa sinabi niya. Kundi dahil kumirot na naman ang dibdib ko.

"Sana every heart break akong magka amnesia." usal ko. Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagpatak ng luha sa pisngi ko, kasabay ang pagpahid ni Rege.

"Shh, don't say that." Hinawi niya ang buhok na tumabing sa mukha ko. "Wag ka nang umiyak, gumaganda ka eh. Pangit ka pag di naiyak, mas gusto ko pa naman yun." dugtong pa niya saka tumawa ng mahina.

"Cheer up, malapit na ang pasukan. Ayoko namang magmukha kang sabog sa unang linggo ng pasok. Baka isipin pa nilang naging tambay ka sa kanto buong bakasyon." sabi niya. Alam kong sinusubukan niya lang akong patawanin. Napangiti ako, ayoko namang masayang ang effort niya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ngayon na may kasama ako kumpara nung bago pa lang ang sugat na halos gusto ko nang maglaslas. Sana lang mawala na agad ang sakit. Sana makalimutan ko na ang mga nangyari. 

"Hey, wanna go out? Alam mo na, to freshen up a bit. I was just wondering if you'd like to—"

"Yeah, sure."

Bakas sa mukha ni Rege ang pagka gulat sa sinagot ko, pero agad din itong nawala at napalitan ng ngiti.

Siguro nga kailangan ko ring lumabas. Maybe all I need right now is  to face a different environment, and be in a new atmosphere. I can barely breath because of stress and anxiety. Hindi siya kawalan, at ipapakita ko sa kanya, na nandyan man siya o wala, ipapatuloy ko ang buhay ko.

"I'll wait for you outside." sabi niya sabay tayo bago humalik sa noo ko. My eyes are locked on his back as he walked towards the door. Though I'm still in awe of what he just did a while ago, I can't keep my lips from twitching sideways. He's very thoughtful as usual.

After a quick shower, agad akong nagtungo sa closet to choose my OOTD. Just a simple loose sleeveless black crop top paired with high-waisted white shorts and with my hair tied in a messy bun. Dahil wala naman akong kaartehan pagdating sa mukha, lumabas na ako sa kwarto for I know, Rege's been waiting for 15 minutes or so.

"Are you sure you guys are gonna be alright?" rinig kong tanong ni mama na nasa baba. Kausap niya siguro si Rege.

"Of course, tita."

"Ma, di naman kami masyadong lalayo. It's not as if we're going out of town, nothing to worry." sabi ko pagkababa ng hagdan. Napalingon naman silang dalawa sa gawi ko.

"Sorry to keep you waiting." baling ko kay Rege.

"Nah, sa totoo lang ang bilis mo nga eh. You're faster than usual." he chuckled. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano pero di ko namalayang tumatawa na pala ako.

"Was that a compliment?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

He chuckled, "Pft... probably?"

"Whatever Rege." nakangiti akong umirap sa kanya saka bumaling kay mama. "Bye, mom. Anyways, we'll be back before nightfall." paalam ko saka humalik sa pisngi niya.

"Oh, just take your time." sabi niya nang may ngiti.

Yan ang gusto ko kay mama, she's very thoughtful and considerate. She's the best mom for me. She actually knows when to be strict and when to be loose.

Alam niya kung ano ang nangyari, I was supposed to introduce him to her. But two days before that, I  saw him with another woman at the cinema. I was with Yva and Rege that time, birthday kasi ni Yva nun and we were supposed to have a movie marathon. Well, apparently, that's what Mikee thought. Nung nasa bahay na kami ni Yva, Rege suddenly said he's taking us out so we cancelled our plans.

Hindi ko inasahan na makikita ko ang BOYFRIEND ko na may kasamang iba. At first, I thought she was just his cousin, or maybe a relative. Wala naman sana akong balak na sundan sila pero nang makita kong hinalikan siya nung babae sa LABI, hindi na ako nagdalawang isip na sumunod. When they came to a stop near a jewelry shop, his eyes caught me. Hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng mga paa ko sa department store na tatlong shop lang ang layo mula sa kanila. I never thought Mikee would follow after seeing me. All this time, ako pala ang kabit. Which is beyond my knowledge! Hindi ko alam na may ibang GIRLFRIEND siya sa five months na naging kami.

I tried to act normal and jolly the entire day with my best friends. Besides, it was Yva's birthday. But I guess I overdid it. I just can't avoid my best friends' senses.

--

Hi! Thanks for reading this story, stay tuned because I'll be updating this as often as possible.

By the way, if you have any corrections regarding the grammar, kindly address it to me via pm.

P.S. Add nyo na rin sa library nyo if you want to receive notifications whenever may update na. Hahaha, the decision is yours anyway. 

Ktchao!

MG

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating a DouchebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon