Chapter 2

6.1K 180 1
                                    

Nilalamig ako at nangangawit sa pagkakatayo. Ilang minuto na akong ganito; gising pero hindi ko maimulat ang aking mga mata. Hindi ako makagalaw at hindi makapagsalita. Pano ako nakapunta sa ganitong sitwasyon?

~

Pagtalikod ko dalawang lalaking naka-itim ang lumapit sa akin, at hindi lang sila basta naka-itim, nakasuot sila ng suit and tie. "Come with us," sabi nung isa na mejo mahaba ang buhok. May iba sa mga mukha nila, kutis porcelana at hindi ko mawari kung anong kulay ang mata nila.

Bigla nalang nila akong hinawakan sa braso at dinala papuntang kotse. Nagpumiglas at nagsisigaw ako. Pero walang tao sa sementeryo. Walang nakarinig sa akin. Kaya napagpasyahan kong tumigil nalang. Dahil kung ito na nga ang katapusan ng aking buhay, malugod ko itong tatanggapin. Magkakasama sa kami ng aking pamilya.

Nung makarating kami sa kotse, huminto sila sa paglalakad, lumapit sa akin ang lalaking may maiksing buhok, at ngayong tinitigan ko s'ya dun ko nalaman ang kulay ng kanyang mata. Crimson colored.

"Sleep", utos nya. At wala akong nagawa kundi sundin ang utos nya.

~

Pinakiramdaman ko ang paligid. May mga ingay na nagmumula sa isang kumpol na tao. Mahihinang pag-uusap na para bang nasa isa silang okasyon na bawal mag ingay. Lumakas muli ang kabog ng puso ko. Nasaan ba kasi talaga ako?

Nakarinig ako ng yabag ng tao papunta saakin. Hinawakan ako ng dalawang pares ng malambot na kamay, parang kamay ng mga babae. Gusto ko sanang umangal pero naalala kong hindi nga pala ako makagalaw.

Huminto kami matapos ang ilang hakbang. At nabuksan ko na ang aking mata ngunit hindi parin ako makagalaw. Nasilaw ako ng spotlight na nanggagaling sa itaas.

Tumambad sa akin ang mga taong nakausot ng pormal na damit. Nakatingin sila sa akin. Ano bang nangyayari?

Bigla nalang may nagsasalita sa intercom.
" Cassandra Knightley, 21 years old, no family alive, single and has no sexual history." Paano nila nalaman ang mga bagay na ito tungkol sa akin? At mas lalo kong ikinagulat ang mga sumunod nitong sinabi. "Bought by Mr. Voltaire."

Binili? Ako?

Hindi na ko nakapag isip pa ng maayos nang bumalik ang mga lalaking kumuha sa akin sa sementeryo. Hindi parin ako makapiglas. Para bang may sariling pag iisip ang katawan ko at marahan akong sumama sa kanila. Muli ay dinala nila ako sa kotse.

Nanlulumo ako. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ito? Ito na ba ang kapalaran ko? Ang humarap sa iba't ibang pangyayari na hindi ko maintindihan? At ngayon ibinenta ako sa lalakeng hindi ko kilala. Ano na ang nangyayari sa akin?

Sinakay nila ako sa kotse at inulit ang pinakaunang salita na narinig ko sa kanila; "Sleep."

-

Sa pagkakataong ito, nagising ako  na hindi paralisado, hindi nakahubad at higit sa lahat;  totoong gising ako. Paano ko nasabi? Dahil nasa sarili kong kama ako ngayon. Sa malambot at paborito kong lugar; sa bahay ni Lola. Ang puting kumot na nagbibigay sa akin ng init sa tuwing kailangan ko ito ay nakabalot sa aking katawan. Pagtingin ko sa kaliwa ay ang munti kong kabinet na may plorera na puno ng bagong pitas na mga bulaklak. 

Tumayo ako at marahang hinawi ang puting kurtina na humaharang sa liwanag na nagmumula sa munti kong bintana. Doon, ay nakita ko ang munting hardin ni Lola na puno ng samu't saring bulaklak, pero nangibabaw sa lahat ang paborito nyang bulaklak; puting rosas. Nang umihip ang hangin papunta sa akin ay nalanghap ko ang halimuyak ng mga bulaklak; payak at mabango.

Nawala ang atensyon ko sa hardin nang may kumatok sa pinto.

"Lola?"

Siguro ipanaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip. Kung saan pumanaw na si Lola at binili ako ng taong hindi ko kilala.

"Oo, panaginip lang yun," pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Tumakbo ako papunta sa pinto para makita s'ya, para mayapos ng kanyang malambing na haplos, para marinig ang kanyang malamyos na tinig.

Pero imbis na makita si Lola, nakita ko s'ya. Oo, s'ya. Isang babae na hindi ko kilala.

"Sino ka?" tanong ko sa knaya na may halong pagtatakha.

"Gisingin mo na ang isip mo at bumalik ka na sa realidad ngayon din." Marahan nyang sabi.

"Anong sinasabi mo?" sabi ko na pilit inaalis ang atensyon ko sa masamag panaginip. Panaginip lang yon. Hindi yon maaaring magkatotoo. "I am home."

At sa isang iglap, naglaho ang inakala kong tahanan sa aking mga mata. Parang pintura na binasa ng ulan na ngayon ay nawawala na.

Natigilan ako, at napasinghap; hindi makahinga.

"Pa.. Paanong.. Paano nangyari yon!" naguguluhan kong tanong. I am home. I know that. Naamoy ko pa ang mga bulaklak, hindi ko imahinasyon ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Napaupo ako sa kama na ngayon ay may kulay grey na sapin, at napapunas sa aking mukha gamit ang aking kamay.

"Illusion." sabi ng tinig ng isang babae. Nang mag-angat ako ng ulo ay wala na ang babae kanina sa may pinto. Sa harap ko ngayon ay isang babae na may itim at mahabang na buhok na nakasuot ng kulay pulang balabal. 

Ilusyon. Napuno ng luha ang aking mga mata. "Bakit mo kailangang gawin to?" hindi ko napigilang sumigaw, habag patuloy na umaagos ang aking mga luha. "Tell me!"

Unti-unti syang lumapit sakin at bumulong. "To show the home you loved for the last time. Because you are not going to go back there anymore. Never."

"What are you?" tanong ko sa kanya, ang boses kong tila hangin nalang sa aking bibig.

"Witch." At naglaho sya sa isang kurap na nag-iwan ng amoy ng nalalantang rosas.

The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon