Chapter14

3.7K 105 0
                                    

[Dedicated to @zambazamba kasi napaka supportive niya sa story kong Her Accidental Husband]

Kasalukuyang pauwi si Yeng na nakabusangot ang mukha mag iisang lingo na rin na hindi siya pinapansin ni Nixt Naiinis siya ba't ba kasi napaka oa nito. Kung makaasta naman ito ay parang mag-on sila. Sana naman kilabutan siya noh grrrr.. Pati tuloy itong lalaking to pinoproblema niya. Haiiiyyy napapaisip pa siya noon. Hindi naman siya namomroblema sa lovelife niya noon ah.

Tuloyan na ngang marami ang nagbago sa buhay nya. Nagparebond lang siya at binago ang sarili tuloyan na ring nagbago ang takbo ng buhay niya.

Napatingin naman si Yeng sa taong nakaharang sa harap niya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Tanong ni Leechy sa kaniya sa nagdaang anim na buwan tuloyan na niyang ibinaon sa limot ang lahat. Madali lang sa kaniya ang mag move on lalo na't bago pa naman sila at nasa process pa siya. Mabuti nalang at mas maaga niya itong nalaman

Simula din ng kausapin siy ni frus ay hindi na sila nag-usap ulit.

"S-sige"

"Gusto ko lang sabihin sayo na patawarin mo ko sa lahat ng nagawa ko sayo, gusto ko ring sabihin sayo na sa lahat ng nagawa ko hindi ko iyon pinagsisihan alam mo kung ano ang pinagsisihan ko? Yun ay kung bakit nag tagpo pa ang landas natin at ang mas malala naging bestfriend kita *smiles* nakakatawa noh ? Nainlove pa ako sa boyfriend ng bestfriend ko."

"Leechy..."

"Inagaw ko talaga siya sayo at alam mo Yeng ? hinding hindi ko itatangi na naiinggit ako sayo  simula pa lang noong nagkakilala tayo. Ba't ba kasi kahit na hindi ka naman kagandahan noon at kasikatan pero ang dami-dami mong kaibigan kinain ako ng inggit ko."

"Leechy"

"Sana patawarin mo ako Yeng"

"Alam mo Leechy hindi ko alam ang sasabihin ko sayo, para kasing sobra sobra na ang kakapalan ng mukha mo para sabihin sakin yan,pero naisip ko mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan tsaka isa pa ang babata pa natin. Salamat din dahil sa inyo natuto akong kumilala ngayon ng mga taong  mapagkatiwalaan at hindi alam mo nagalit talaga ako sa ginawa mo pero ano pang magagawa ko? Nakaraan na yon ang importante ay kung ano tayo ngayon i miss you bestfriend."

Nakangiting sambit ni Yeng gayon na lamang ang pag-iyak ni Leechy at niyakap ang kaibigan.

"Huhuhu bakit ba kasi ang bait-bait mo Yeng ?huhuhu"

"Lahat tayo mayroong mga hindi kaaya-ayang ugali nasa sayo lang naman kung paiiralin mo o hindi. Ayoko ng gulo Leechy tsaka ang sarap kaya sa pakiramdam magpatawad ng isang tao."

"Huhuhuhu"

Lingid sa kaalamang nakatingin din pala si Frus sa gawi nila. Huli naman para magsisi alam niya sa sarili niya na ang lahat ay may rason kung bakit.

TBC
Zerenette


Patayin Sa Tukso Si ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon